Forty Six

169 5 2
                                    

Chapter 46



The next morning, I woke up expecting Prince beside me but instead, I saw Princess laying next to me while playing with my hand using her paw. Tumingin agad ako sa paligid ng kwarto at maliwanag na ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Pumikit din naman ako ulit at bumalik sa komportableng pagkakahiga. Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Princess sa mukha kaya tumalikod ako mula sa kanya pero lumipat naman siya sa kabilang side at sumiksik sa akin.


"Princess!" nakasimangot kong reklamo at pilit na bumangon. Humikab pa ako bago ko inalis ang kumot at bumaba ng kama. Binuhat ko si Princess at saka ako lumabas ng kwarto at pagbukas ko palang ng pinto, may naaamoy na akong niluluto mula sa kusina.


I peeked at the kitchen and smiled when I saw him standing in front of the counter, just wearing a t-shirt and a pair of sweatpants while cooking. Ibinaba ko si Princess sa sahig at naglakad patungo sa kitchen bago ko ipinulupot ang mga braso ko sa bewang niya mula sa likod niya. Bahagya siyang nagulat at nilingon niya ako kaya sinilip ko siya mula sa gilid habang nakangiti pa rin.


"Good morning," I greeted him in a melodic voice.


"Good morning, babe," he turned to me and held my shoulders, instantly giving me a peck on the lips that made me conscious! "Kumusta tulog mo? Nagluto na ako ng lunch."


"Okay lang," my cheeks heated. "Ikaw? Anong oras ka nagising?"


"Mga 9:30," he replied and turned to the stove again because he had to check the food. Tumayo naman ako sa tabi niya. "Anong oras ka aalis? Ihahatid kita sa suite mamaya para kunin 'yung sasakyan mo."


"Basta mamaya na. Ayaw ko muna isipin na uuwi na ako," mahina akong tumawa. Natawa rin siya at sinulyapan ako.


"Magkikita naman tayo weekly at saka kapag may free time ako, pupuntahan kita," he told me and turned off the stove.


I blinked. He's kinda different, huh? He's not that clingy anymore. Okay lang naman sa akin pero naninibago lang ako dahil dati, siya 'yung ayaw na ayaw na magkahiwalay kami. Looks like the tables have turned now?

"Bakit ganyan ang tingin mo?" he tilted his head when he noticed me staring at him for too long.


"Wala lang," umiling ako at umiwas ng tingin. "Nakakapanibago lang."


"Ang alin?"


Bumuntong hininga ako, hindi alam kung paano sasabihin sa kanya na nagbago na siya. Wala naman talagang kaso sa akin kung hindi na gano'n ang ugali niya kagaya ng dati. Syempre nagbabago rin ang perspective niya! Hindi naman habang-buhay ay gano'n siya mag-isip. Nami-miss ko lang nang slight 'yung gano'ng clinginess niya.


He chuckled and bent down a little, leveling my eyes before placing his hand on the top of my head. "Ano nga 'yon, mahal?"


"Wala, wala 'yon," I shooed him away but he kept on looking for my gaze.


Falling in the Dusk (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon