Prologue
"Ladies and gentlemen, we just landed at Ninoy Aquino International Airport, Philippine Airlines welcomes you to Manila. For your safety, please remain seated with your seatbelt fastened until the 'fasten seatbelt' sign has been switched off."
I yawned and stretched my arms a bit. I immediately felt dizzy out of confusion when I saw the morning light coming from the plane's window. Umayos ako sa pagkakaupo at pinakinggan ang mga susunod na announcements sa eroplano. After a few announcements and when the plane is fully landed, isa-isa nang bumaba ang mga pasahero. I waited for my luggage for a few minutes.
"Meet me in the Arrivals area," sinagot ko ang tawag ng kapatid ko habang hila-hila ang maleta sa kabilang kamay ko. May hawak rin akong hand carry na nakapatong sa maleta. Ibinaba ko ang shades na suot ko mula sa ulo ko dahil medyo nasisilaw ako. Medyo mahaba ang naging tulog ko sa biyahe.
"You are already tall but you looked taller," iyon agad ang puna ni Kuya nang salubungin niya ako sa Arrivals. Inabot ko sa kanya ang maleta ko at tahimik na nagsimulang maglakad muli. Pagod talaga ako at gusto kong matulog.
Habang nasa biyahe papunta sa condo, nakatingin lang ako sa labas at iniisa-isa ang bawat daan at establisyimentong nadadaanan namin. Everything felt so nostalgic. I can't believe I'm here again, to the place where I know I belong. Ayaw ko nang umalis ulit. Sana lang... wala nang gumawa ng bagay na pwedeng makapagpaalis muli sa akin.
I'm all ready to face everything I turned my back to.
"Akala ko ba hindi ka na uuwi?" napakamot ako sa ulo ko nang magising ako noong gabi at boses agad ni Kuya Rashid ang narinig ko. Gulo-gulo na nga ang body clock ko, dumagdag pa ang mga tanong niya sa akin.
"Can't you just let me rest even for a day? Hilong-hilo pa ako, Kuya. And my body clock is fucked up," reklamo ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. My throat felt so dry after sleeping all day.
My brother chuckled. "Okay, fine. You can just microwave the food there. You haven't eaten for the whole day."
I dialed my best friend's number while I'm waiting for the microwave to tick. Madaling araw na pero mukha namang gising pa siya. Sana lang ay hindi ko siya magambala sa tulog niya.
"Who's this?" Presia answered sleepily. Narinig ko pang humikab siya habang naglilipat ng pages ng libro.
"Kilala niyo po ba si Mr. Delos Santos?" biro ko at napatawa ako ng malakas nang may marinig akong bumagsak. Nataranta yata siya bigla.
"Hayop ka naman, Isha! Nawala antok ko ro'n, ah," biglang nabuhay ang boses niya.
"Oh, ayaw mo no'n? Natulungan kita. Hindi mo na kailangan ng kape, nandito ako para gisingin ka," magpapagaan ko ng loob niya habang nagsimula na akong magsalin ng juice sa baso.
"Huwag naman gano'n. Hindi magandang pampagising. Heart attack ang makukuha ko diyan," she chuckled. "Bakit ka tumawag? Ganti ba 'to kasi tinawagan kita noong minsang madaling araw diyan?"
BINABASA MO ANG
Falling in the Dusk (High School Series #2)
Lãng mạnLatisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never disappoint her family's high expectations of her. When their second year in junior high school came, s...