Chapter 10
"Ang tapang noong transferee na 'yon, ah! Maswerte siya, hindi tayo basagulero kaya hindi natin siya pinatulan."
Kumakain na kami ng lunch pero hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin noong tatlong lalaki 'yung transferee na nakasagutan nila kanina. Tawa lang nang tawa si Presia habang pinakikinggan ang mga rants ng tatlo naming kasama na parang mga batang nagmamaktol.
Hindi kami kumpleto ngayong araw dahil hindi namin nakasama si Twyla at Reese dahil kagaya ng madalas, maaga silang sinusundo. Absent naman si Zedron sa hindi namin malamang dahilan kaya lima lang ngayong araw.
"Pabayaan niyo na 'yon," sabi ko sa kanila habang kumakain. "Baka masyado lang na-intimidate sa inyo. Akala niya siguro mean boys kayo ng campus."
"Late na nga siya, nang-away pa," nakasimangot na sabi ni Prince at padabog na kumagat sa chicken.
"Mukha bang mean boy 'yang si Prince? Hindi naman," pangiinsulto ni Kenzo kaya sinamaan siya ng tingin ni Prince habang puno ng pagkain ang bibig.
"'Wag kayong mag-judge agad," nakangising sambit ni Presia. "Malay niyo maging best friend niyo 'yan at the end of the year. The more you hate the more you love nga, 'di ba?"
Muntik nang masamid si CJ kaya napainom siya sa drinks niya. "Kadiri naman, Pres! Ayaw namin sa masyadong nasobrahan sa angas!"
Uuwi na dapat kami after naming mag-lunch sa Antlers pero bigla silang nagkayayaan mag-VistaMall kaya roon kami nagpunta pagkatapos. Hindi naman gano'n kalayo kaya sumama na ako. Sumama rin kasi si Presia at kahit tumanggi ako, sigurado akong hahatakin at hahatakin lang ako nito hanggang sa mapapayag niya ako.
"Huy, may showing, oh! Nood tayo, gusto niyo?" anyaya agad ni Presia noong umakyat kami sa cinemas. Parang nabuhayan agad ako dahil saktong may pera ako ngayon.
"Sige, tara!" sumunod agad ako sa kanya na lumapit sa box office para tingnan ang mga available showing at ticket price.
"Ang gastos talagang kasama ng mga babae!" reklamo ni Kenzo pero sumunod din naman siya at kinuha ang wallet niya.
Halos napatalon ako at napakurap sa gulat nang may biglang humawak sa balikat ko kaya napalingon ako agad. Nginitian ako ni Prince at tumayo siya sa gilid ko bago tumingala rin para tingnan ang monitors kung saan nakalagay ang showings. Naka-suot siya ng specs kaya ang tino niya tingnan kahit naka-dark blue na t-shirt at black na pantalon lang siya. May bag din siya sa likod niya.
"Anong papanoorin?" tanong niya habang nasa monitor pa rin ang mga mata.
"Hindi pa namin alam. Nag-iisip pa yata si Presia," napapalunok kong sagot.
"Gusto niyo ba ng horror?" nakangiting bumaling sa amin si Presia. "Kasawa na romance, e! Para maiba naman."
Tumango ako at pumayag din naman sila kaya iyon na lang ang pinili namin. Mukhang marami ring pera ang mga kasama ko ngayon dahil nagkanya-kanya sila ng bayad ng ticket pati na rin ng snacks nang walang reklamo. Bumili kami sa popcorn factory ng pagkain at umupo muna kami sa sofa ng ilang minuto para hintayin 'yung susunod na showing.
BINABASA MO ANG
Falling in the Dusk (High School Series #2)
RomansaLatisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never disappoint her family's high expectations of her. When their second year in junior high school came, s...