Chapter 19
"Stupid. Ang tanga-tanga mo."
Inis ko ulit na sinabunutan ang sarili ko sa harap ng salamin ng vanity table ko. Kailangan ko ngayon ng taong sasampal sa akin at tatanungin ako kung bakit ko ginawa 'yon. Pucha! Wrong move na wrong move! Maling-mali!
"Ano na lang ang sasabihin niya sa akin ngayon?" problemado kong bulong sa sarili ko.
He would hate me big time after this. At tama nga ako sa naisip ko noong una palang na pumasok sa kokote ko ang bagay na 'to, talagang mayroong masisira sa ginawa ko. Ang masama roon, hindi lang pagkakaibigan namin ni Prince ang pwedeng masira kundi pati na rin ang pagkakaibigan ko sa iba.
Pero... wala naman na akong magagawa, e. Tapos na. Nagawa ko na. Isa pa, iyon nga ang gusto ko, 'di ba? At least ngayong alam niya na, may dahilan na siya para iwasan ako. Mas madali na akong makakalimot.
Pagkalipas ng ilang araw, feeling ko wala nang dahilan para pumasok pa ako sa school. Halos wala akong mukhang maiharap. Hindi rin ako kinakausap ni Presia, paniguradong dahil iyon sa nangyari sa amin ni Twyla noong nakaraan. Buti na lang, sinasamahan ako ni Daisy kahit saan kahit hindi ko naman nirerequest sa kanya na samahan ako.
Wala rin akong pinagsabihan ng lahat ng nangyari. 'Yung sa amin ni Twyla pati na rin 'yung... pag-amin ko kay Prince. Sa tingin ko, hindi alam nila Zedron 'yon dahil wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa akin.
"Pupunta ka ba sa locker area, Isha?" tanong sa akin ni Daisy noong uwian noong sumunod na linggo. Nilapitan niya ako habang nakatayo ako at inaayos ang mga gamit ko na nakapatong sa armchair ko.
"Ah, oo," tumango ako.
"Sabay na tayo!" excited niyang sabi sa akin.
Nakita kong lumabas si Presia ng classroom kasabay si Prince at CJ. Napatigil tuloy ako sandali sa pag-aayos ng mga gamit ko pero pinilit kong huwag na lang mag-isip ng kung ano pa tungkol doon. Nagsimula na naman akong mainis sa sarili ko kaya binilisan ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko.
"Uh, Isha, sorry, ah? Ayokong makisali pero... nag-away ba kayo nila Presia?" napatingin ako kay Daisy nang umupo siya sa armchair na katabi ng akin. "I mean, hindi ko kasi kayo nakikitang nag-uusap masyado. Naisip ko lang."
Napabuntong hininga ako at napababa ng tingin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o mananatili na lang akong tahimik para wala nang mangyari pang hindi maganda. Pero... kung aaminin ko naman na kasalanan ko, wala namang masama roon, 'di ba?
"Misunderstanding lang," sambit ko sa kanya habang mabagal kami naglalakad papuntang locker area. "Ako rin naman ang may kasalanan. Humahanap lang ako ng tiyempo para mag-sorry."
Hindi siya agad sumagot at mukhang nag-aalinlangan pa siyang magsalita at kausapin ako tungkol doon. "Eh... kayo nila Prince?"
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko roon at napahinto rin ako sa paglalakad. Nagtataka akong tiningnan ni Daisy pero umiling lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa locker area. Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Prince.
BINABASA MO ANG
Falling in the Dusk (High School Series #2)
RomanceLatisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never disappoint her family's high expectations of her. When their second year in junior high school came, s...