Chapter 1

12.6K 369 31
                                    

South

Napabuntong hininga ako habang pinapalitan ang bedsheet ng mag-asawang foreign guests namin. Working student ako at part time ko lang ang magtrabaho sa isang resort.

Nagkataon kasing kaibigan at kaklase ko ang anak ng may-ari kaya madali akong nakapasok. Alam ko rin naman na hindi ako gusto ng mga dati ng empleyado rito. Nagta-trabaho lang naman ako ng maayos at sa walong buwan na iyon ay marami ang naninira sa akin para matanggal ako.

Pagkatapos kong palitan ang bedsheet ay sinunod ko naman ang mga unan. Natigilan ako ng lumabas mula sa bathroom ang lalaking foreigner, si Sir Riggs pero kalaunan ay ipinagpatuloy ko rin ang pagpapalit ng mga pillow sheets.

Rule number one. Hindi ka pwedeng makipagkwentuhan sa mga guests. Sasagot lang kapag may mga katanungan ang mga ito. Other than that ay nabati ko na si Sir kanina ng pinapasok ako nito. Wala si Ma'am Gwyneth, siguro ay lumabas ulit ito para bumili ng makakain since ayaw nitong mag-order over the phone. Sa limang araw na paglalagi rito ng mag-asawa ay madalas itong mag-effort ng mga bagay para sa lalaki gaya ng pagbili ng pagkain. Which I found it sweet.

Malapit na akong matapos ng biglang may yumakap sa akin dahilan para mabitawan ko ang unan. Madali akong nakawala sa yakap nito pero hindi ang isang braso kong mahigpit nitong hawak ngayon.

"S-Sir Riggs. What are you doing?" I asked kahit na sobrang kabog na ng puso ko at pilit kong binabawi ang kamay ko rito.

"Let go." Pero imbes ay mas lalong humigpit iyon.

"Why? Don't you like it? I've been checking you out these past few days that we've been here and I admit-"

"S-Stop it Sir!" Akala ko ay mabait ito pero hindi pala. Nagkamali ako and now, I'm in danger.

Bigla ako nitong hinatak at tinangkang halikan pero madiin kong pinagdikit ang mga labi ko saka nanlaban.

"Don't resist. I know you want this."

Malakas siya at malaking tao kumpara sa akin. Nagsimula akong mapaluha ng mawasak nito ang aking uniporme dahilan para malantad ang panloob ko. Mabilis ko iyong tinakpan pero mabilis din ako nitong isinalya sa pader dahilan para mauntog ako but that doesn't stop me to fight him. Gulo na rin ang maayos kong buhok habang itinutulak ko siya.

"No please help-"

I was trying to scream pero tinakpan nito ang bibig ko bago hinuli ang dalawang kamay ko at madiin nitong hinawakan iyon sa may ulohan ko habang pinapapak ang leeg ko. I am trying to push him off ng marinig kong may nabasag kaya madali akong binitawan ng hayop na lalaki.

I am crying and from there. I saw the woman standing in the doorway. Ang asawa nitong si Ma'am Gwyneth. Nagbabaga ang mga mata nito sa poot.

"Honey let me explain, she seduce me. You know how much I love you." Isang malaking kagag*han ang pinagsasasabi nito.

Hindi ako umimik at nagmamadaling lumabas ng silid habang takip takip ko ang aking dibdib. Nabangga ko pa ng kaunti si Ma'am Gwyneth paglabas ko pero hindi pa ako nakakalayo ay may nabangga na naman ako.

I look up and I see the most beautiful creature on earth. She's like a Goddess pero malamig ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"You!" Napalingon ako kay Ma'am Gwyneth habang nakaduro ito sa akin. Nakaagaw iyon ng atensyon sa aming paligid. There are guests na nanonood sa akin at mas lalong mas maraming nanonood na mga katrabaho ko. I know by this time ay natutuwa sila ng husto sa nangyayari sa akin dahil hindi nila ako gusto.

"You're a home wrecker b*tch! I swear ipapakulong kita! Sl*t!" Galit na sigaw nito. I cried even more.

I'm an innocent at alam kong alam nito iyon.

Nakita nito ang nangyari. Ako ang muntikan ng pagsamantalahan ng asawa nito kaya bakit parang ginusto ko pa ang bagay na ito ngayon? Why is she blaming me sa pagiging manyak ng asawa nito?

I look around at gusto ko na lang kainin ako ng lupa ng buo dahil sa natatanggap kong pangungutya at nanunuyang mga tingin. Marami ang nagbubulongan lalo na sa mga katrabaho ko.

Napatingin ako ulit sa babaeng nasa harapan ko pero pagkasuklam na ang nandoon sa magagandang mata nito. Sa mga oras na ito ay alam ko, kahit ako ang biktima. Ako pa rin ang may kasalanan. Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ganito? Gusto ko lang namang mabuhay ng tahimik, maayos, at magtrabaho ng marangal.

Sa takot at kahihiyan ay tumakbo ako hanggang sa makalabas ako ng resort. Pinagtitinginan ako dahil sa ayos ko. Mukha akong baliw na pinagsamantalahan. Wala na akong mukhang maihaharap pa at sigurado akong wala na rin akong babalikang trabaho.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid ako. Awang awa ang may katandaang driver sa akin dahil naiintindihan daw ako nito. Mabuti pa si manong.

Pagkapasok ko sa apartment ko ay mabilis akong nagtungo sa banyo at doon ay naghubad ako. Umiiyak ako habang malayang umaagos ang tubig sa katawan ko. Palagay ko ay napakasama kong babae. Palagay ko ay napakarumi ko at hindi ko iyon matanggap kaya panay lang ako ng kuskos sa balat ko. Ilang beses na rin akong nagsabon pero nandon pa rin ang pakiramdam na hawak ako ng hayop na lalaki.

Ibinato ko ang sabon sa pader saka umiyak sa aking mga palad.

Ulila na akong lubos at mag-isa na rin sa buhay kaya wala akong masasandalan sa mga panahong ganito. Si Paige, ang kaibigan kong anak ng may-ari sa pinagt-trabahuan ko ay sigurado akong ayaw na rin nito sa akin dahil sa gulong nangyari sa kanilang resort. I have friends pero wala akong matatakbuhan. Si Paige lang kasi ang nagpakita sa akin ng malasakit at naging totoong kaibigan pero pagkatapos ng nangyari ngayon. Hindi ko na alam kung matatanggap pa ako nito. Ni hindi ko alam kung maniniwala rin ba ito sa akin o gagaya rin ito sa mga tao doon na basta na lang akong hinusgahan.

Ng matapos na akong umiyak at mahimasmasan ay lumabas ako sa banyo na nakatapis ng tuwalya. Nagbibihis pa lang ako ng may tumawag sa phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot.

"South! Totoo ba?" Si Paige. Hindi naman ito mukhang galit pero hindi rin maganda ang tono nito.

"Tell me please South!" Nagtaas na ito ng boses ng hindi ako sumagot. Nakarating na talaga ang balita rito.

Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas kaya napaiyak na lang ako.

"Pupuntahan kita ngayon sa apartment mo. Don't leave and don't do stupid things. Mag-usap tayo ng maayos South. If they believe na kaya mong gawin ang bagay na iyon. Ibahin mo ako. Alam mo sa aking gusto ko muna ng katotohanan bago manghusga. But I'm sorry to say na tinanggal ka na ni Mommy at napagalitan pa ako but don't worry. Ayos lang sa akin iyon. Don't go anywhere South. I'll be there."

Then she hung up the phone.

Siguro kahit papaano ay maswerte pa rin ako. I just hope Paige will believe me dahil alam kong alam nitong totoo ako.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon