Chapter 4

5.4K 308 39
                                    

South

Umiiyak pa rin si Miss Viktoria ng madatnan ko ito sa kanyang pad. She's been crying since she called me kaya't nagmamadali akong nagpunta rito. Tinungga nito ang laman ng kopita nito kaya't napangiwi ako bago mabilis na nakalapit rito.

It's been five days already at alam ko kung bakit ito nagkakaganito. Wala itong natanggap na tawag mula kay Craven Athena Del Prado. Isa lang ang ibig sabihin non. Hindi ito makakapag-launch ng collections international kung hindi hanggang dito pa rin sa Asia.

I know it's her dream na mapabilang ang mga gawa nito sa buong mundo at makilala pa ito but in just a snap. Nawala iyon.

"Tama na po Madam." Awat ko rito bago kumuha ng wet tissue para punasan ang eye liner nitong nabura na't nagkalat sa mata nito dahil sa pag-iyak.

"Hindi ko alam bakit ganun ang nangyari South. Ang akala ko it's doing perfectly fine right?"

Alam ko naman iyon pero ito na nga ba ang sinasabi ko. Napakawalang puso ng babaeng iyon upang idamay ang ibang tao at hindi ko masabi kay Miss Viktoria na ako ang dahilan kung bakit hindi nito pinermahan ang kontrata. It was clearly visible in Craven Athena's eyes when we met. Hatred and disgust and that's enough reason para hindi ito pumirma.

"It did. I'm sorry Madam." Yumakap ito sa akin pagkatapos ilapag ang kopita sa center table.

"Call me Viktoria, South. Para na kitang anak at pinagmamalaki kita so don't say sorry. It wasn't your fault. Siguro kulang pa rin kaya hindi niya iyon pinermahan." Hinaplos haplos ko ang likuran nito para mapatahan.

"You deserve more Viktoria. Ano bang nangyari? Did she call and turn it down over the phone?"

Umiling naman ito. "Hindi pero alam ko ng hindi niya pipirmahan iyon. She gave me three days at pang-limang araw na ngayon. Wala naman akong lakas ng loob para puntahan siya't tanungin ang bagay na iyon. Alam mo naman siguro ang kumakalat na balita. Masungit siya so it's impossible to communicate with her at baka mas lalo siyang ma-turn off sa atin kapag nagmukha tayong naghahabol."

"We'll find a way po. I can assure you that."

"How South? What power do we have kumpara sa kanila? Nagsisimula pa lang tayo ngayon kahit matagal na rin. Ngayon pa lang tayo nakikilala at sila ang susi para mas lalo tayong makilala."

"Wala po bang magi-invest to go international?"

Umiling ito. "Asia yes pero international. There's a lot at stake and really really expensive. Ang Del Prado companies lang ang makakapagbigay sa atin ng full support. I don't know what went wrong. Akala ko ay nakahanda na tayo sa ganito pero it turns out na hindi pala." Lumayo ito sa pagkakayakap sa akin bago tumayo.

"Make your self at home at gumawa ka ng pagkain mo sa kitchen, sandwich, or anything kung hindi ka pa nagla-lunch. I'm sorry I dragged you here South."

"Ayos lang po. Please Viktoria don't say that. Kaming mga modelo mo kahit na anong mangyari. Hindi ka namin iiwan."

Tumango tango ito. "Salamat South. Kayo talaga ang nagpapalakas sa akin at ang mga collections ko."

"Nakalimutan mo ang kakayahan mo."

Ngumiti ito sa akin. "Help your self." Wika nito saka na umalis at pumasok sa kwarto. I guess she's going to fix her self.

Tumayo ako't naglakad papunta sa kitchen at gumawa ng sandwich. Gutom na rin naman ako. Natapos na akong kumain ng makalabas ito. Naligo pala kaya medyo natagalan but it's ok. It's Friday so wala naman akong pupuntahan. Tapos na rin naman ang rehearsal namin this week. Next week na naman.

I have nothing to do but to stay in my own condo. Masasamahan ko si Miss Viktoria kung kailangan nito ng karamay.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon South? Go out and have fun. You're too young para hindi i-enjoy ang buhay."

Umiling ako rito. "Aalis lang ako kung may lakad ka Viktoria."

"May kikitain ako mamaya na old friend ko. Old maid din kagaya ko." Saka ito natawa kaya napangiti na lang din ako. Parang wala itong problema. Mag-isa na lang din kasi ito sa buhay and she's in her late fourty's.

"Go and have fun child." Hinalikan pa ako nito sa pisngi. "I appreciate you being here but you have your own life and you have to live it."

"Mag-iingat po kayo mamaya. Huwag na kayong mag-alala. We will have that contract and we go international."

"Sana nga. Now go."

Pagkatapos kong umalis sa pad ni Miss Viktoria ay lumiko ako ng daan. Pupuntahan ko si Craven Athena Del Prado sa kompanya nito. Pagdating ko doon ay nag-park ako. Everything screams luxury pagpasok ko pa lang sa building nito. Kinakabahan man ay pinalakas ko ang aking loob. Para ito kay Miss Viktoria at hindi para sa akin.

Lumapit ako sa receptionist.

"Hi Ma'am good morning. How can I help you?"

"I am here to see Miss Craven Athena Del Prado."

"I'm sorry po pero do you have any appointment with her?"

"Just tell her secretary it's Miss Del Frio."

Ilang saglit lang ay saka ito nagbaba ng telepono at ngumiti sa akin.

"You may go Ma'am. Miss Del Prado's expecting you right away. Right wing, second elevator."

Matapos akong mag-thank you rito ay nagtungo ako sa opisina ng aristokratang iyon. Pagdating sa pinakataas ay pinagpaalam muna ako ng sekretarya nito bago ako pumasok.

"What a pleasant surprise Miss Del Frio." Nakatalikod ang upuan nito kaya hindi ko ito makita. Wala na akong masabi sa opisina nito kundi perpekto pero hindi ako nagpunta rito para puriin ang kung anumang meron ito.

"I am here dahil sa contract. Please, walang kinalaman si Miss Viktoria dito."

"What do you have for me?"

Napakunot noo ako dahil sa sinabi nito. "What do I have for you?" Nagugulohang tanong ko rito.

Umikot ito dahilan para tumambad sa akin ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko pero kulang na lang ang sungay dahil sa kasungitan nito. She's cold, distant, dominant, snob, at lahat na ng masama ay nandito.

"Five years ago. You offered your body to my brother in-law. Now, what do you have in return if I sign the contract?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Huminga ako ng malalim to compose myself. I need her sign sa kontratang iyon para kay Miss Viktoria.

"I forgot about the contract dahil palagi akong out of town these past few days. I'm glad you came to remind me but I wasn't happy to see you South Del Frio." Patuloy nito. Pinasadahan ako nito ng tingin na may pang-uuyam.

"No wonder kung bakit naakit sayo dati ang bayaw ko. Such a face and I don't know how many men had bed you. Now the truth came out, you are here to offer me something. I just hope it's not your body dahil nakakadiri ka, South Del Frio."

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon