Chapter 16

5K 262 25
                                    

Craven Athena

"What?" Natatawang tanong sa akin ni Daven. "Did you just said you kissed South Del Frio?"

Sinamaan ko ito ng tingin. "I did and that's a mistake ok?" I compose my self. "I was drunked last night at hindi ko alam ang ginagawa ko."

Itong puso ko ay naghuhuramentado. I didn't know what had gotten into me bakit ko ito hinalikan.

She's a wh*re.

She's dirty and a sl*t-

"Sige Athena. Kumbinsihin mo pa iyang sarili mong lasing ka. Girl tipsy ka lang at alam natin iyon." Sumandal ito sa inuopuang nasa harapan ko.

Nasa opisina ko ito at dinalaw ako kuno. If I know, makikitsismis lang ito dahil nauna na akong umuwi kagabi after I told him that I had stolen a kiss from South Del Frio kaya inaasahan ko na ngayong mangyayari ang pagpunta nito rito.

"Pinahiya mo siya kagabi sa amin doon. That's not you Athena. Hindi ka nagbibilad ng tao gaano man kasama ang nagawa nito. May pinaghuhugotan ka ba ng inis mo?"

And as if on cue. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kahapon sa rehearsal at sa pag-iwas nito sa akin sa mga nagdaang araw. I should be the one doing that dahil kumbaga sa aming dalawa. Mas ito pa ang carrier ng virus kung sakali.

I had seen how she's serious and act like an innocent. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I should hate her, well I hate her but there's a big part of me that wanted to know more about her and it's driving me crazy.

Ayoko kasing isipin na nagsinungaling nga ang kapatid ko sa akin. I don't know what to do with Gwyneth kung sakali because I know for my self. I'm doing all these things for her and the least thing that I want to hear in the end is that she didn't lie all this time to me. If South's innocent then I'm in big trouble but if not, she deserves everything that I'm doing and throwing at her right now.

Hindi ko alam sa totoo lang. Gulong gulo na ako. First of, she's South Del Frio. Ang unang babaeng nakakuha na dati ng pansin ko na ngayon ay pinaparusahan ko. Ayokong isipin ang mga bagay na nangyari dito at sa bayaw ko. I don't like those thoughts at all. I wished hindi nga siya ganun at hindi iyon nangyari because I know for my self. I am attracted to her.

At aaminin kong naapektuhan ako sa kanya kahapon sa rehearsal na naganap. Ayokong nagbibilad ito ng katawan. There's a part of me na pinagdadamot ko ito and at the same time nandidiri naman ako.

"Am I still normal?" Instead ay tanong ko kay Daven.

Kunway nag-isip naman ito. "You want an honest answer Athena?"

Tumango ako rito.

"Well, hindi. Sa ginagawa mong iyan ay hindi. I mean sinong matinong tao ang maniningil sa taong hindi naman nagkasala sa kanya?" Sinamaan ko ito ng tingin. "I get it that you're mad but for the nth and nth time Athena. South never do anything bad to you. Alam mo sa totoo lang. Kailangan mo na talagang makausap iyang kapatid mo. Make her talk about what happened. It's been five years so I guess it's time to recall don't you think so?"

"I was there Daven, I heard what I-"

"And you believe what you didn't see." Napabuntong hininga ito. "Sa nakikita ko kasi. Inosente si South. An experienced woman shouldn't act like that. Kahit anong ibato mo sa kanya wala siyang sinasabi kahit pinapahiya mo siya dahil nakikita kong hindi nito kayang ipagtanggol at protektahan ang kanyang sarili. What if ganyan nga ang nangyari five years ago Athena? What if baliktad ang nangyari, what will you do kay Gwyneth kung sakali?"

"I will strangle her for lying to me." I don't know if I can do that. Maybe yes depende sa magiging rason nito.

"And what about South?"

Natahimik naman ako. What about her when that time comes? Hindi naman siguro diba?

"You will not be forgiven Athena. Kung ako lang ha. After all those pain you're giving and making me suffer sa kasalanang hindi ko ginawa. It's traumatizing too. If that thing happens you will be in big trouble Athena. Hindi pa man, hinuhukay mo na ang-"

"Shut up!" Tumayo ako't nagpalakad lakad. Paroon at parito. Thinking and just thinking.

"You're messing up with me, Daven. Ginugulo mo ang utak ko!" I shouted at him.

Tumayo ito. "Calm down Athena. I'm just being reasonable here. Ayokong magsisi ka sa huli kung sakali. Hindi ka ganyan. Timbangin mo ang mga pangyayari."

I turned my back to him.

"Get out." Malamig kong wika rito habang nakatalikod ako't nakatanaw sa mga sasakyang tumatakbo sa baba. Everybody's busy down there and so am I up here.

"What?"

Napahawak ako sa aking noo. "I said get out."

"Fine but don't let that hatred blinded you with the truth." Narinig ko ang yabag nito papalayo bago ang pagbukas sara ng aking pinto.

Mabilis kong hinalungkat ang shoulder bag ko at kinuha ang cellphone ko. I dialled Gwyneth's number at wala akong pakialam kung anong ginagawa nito ngayon.

Pagkatapos ng apat na ring ay sumagot din ito.

"Ate-"

"Gwyneth kailan ka uuwi?"

Matagal bago ito sumagot. "Hindi pa ako uuwi Ate."

"Well you have to come home. Ang tagal mo na diyan."

"Where is this coming from? I'm fine here."

Huminga ako ng malalim to control my self.

"You come here o ako ang pupunta diyan? It's been so long at pinagbigyan kita sa lahat ng gusto mo even that means magkakalayo tayo but it's been years. Wala ka bang planong umuwi?"

"Meron Ate-"

"Then hurry up!"

"I can't Ate. Maybe next month-"

"That means two more weeks!"

"May mga kailangan lang akong tapusin dito Ate pero uuwi ako. Next week."

"Fine. I will expect that." Iyon lang at saka ko ito pinatayan. Basta ko na lang ipinasok ang cellphone ko sa loob ng bag ko bago ko pa ito maibato.

Kung sa susunod pang linggo ito makakauwi ay tamang tama. Lilipad kami bukas pa-London para sa fashion show. I need to be there dahil kaming kompanya ang magre-represent sa Vitorios Clothing Line.

Sa isiping summer collections ang ibabalandra ng mga modelo ay nag-init na naman ang ulo ko. Bakit ako hina-hunting ni South sa ngayon? I know I am doing the right thing pero bakit nagsisimula na akong makaramdam ng pagdududa? Hindi ko nga lang alam kung kanino. Kay Gwyneth, kay South, sa sinasabi ni Daven, o sa mismong sarili ko.

Napaupo ako sa aking swivel chair at napasapo sa aking mukha. Namimintig ang ulo ko sa sakit. What is the right thing? Napabuntong hininga ulit ako.

Suddenly, South just showed up in my mind.

You're making a grave mistake Miss Del Prado.


"What should I do?"

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon