Chapter 22

6.1K 277 74
                                    

South

Pinagsalikop ni Ma'am Gwyneth ang mga daliri nito at parang hindi mapakali sa kinauupoang mahabang couch. Sa tingin ko ay hindi nito alam kung paano sisimulang magkwento. Nakaupo ako sa single seater couch ganun din si Craven Athena na kanina pa hindi nilulubayan ng malamig na tingin ang kapatid nito.

"Ano na?!" Biglang basag ni Craven Athena sa namamayaning katahimikan ngayon.

"I.. You were right Ate."

"Go on." Sumandal si Craven Athena sa upuan nito habang naka-cross arms at cross legs. Ang sungit talaga ng dating nito.

"Hindi dapat ako nagpakasal noon kay Denver. Nabulag ako ng sobrang pagmamahal ko sa kanya. Noong una, ok pa naman ang pagsasama namin saka hindi naman siya ganun nong maging kami pero after naming maikasal. Nagbago siya. Nalulong siya sa bisyo Ate at ang binigay mong malaking pera sa akin para mag-start ng negosyo. Winaldas niya." Panimula nito.

"Hindi lang iyon. Ng magtagal, harap harapan na ang pambababae niya. May mga araw non na inuuwi niya sa bahay namin ang querida niya. Gustong gusto ko sayong magsumbong Ate pero natakot ako dahil pinagbantaan ako ni Denver na papatayin niya ako oras na sinabi ko sayo ang kanyang totoong pagkatao. Palagi kaming nag-aaway dahil sa mga bisyo niya until one night. Umuwi siyang lasing and that time buntis ako. Nagtalo kami. Hindi totoong nakunan ako ng nadulas ako kundi dahil itinulak ako ni Denver kaya nawala ang anak namin."

"That sanafab*tch."

"Hindi ako makawala sa kanya dahil marami siyang pagbabanta sa akin. Whenever you are around Ate, kunwari alagang alaga niya ako pero ang totoo. Kapag wala ka, binubugbog niya ako. Noong time na nagpunta tayo sa resort na inaya kita. Gusto ko ng umamin sayo noon kaya laking pasasalamat ko ng pumayag kang sumama sa amin. It was an ordinary day at that time at pinaplano ko na kung paano ko sasabihin sayo ang lahat but things had changed." Huminga muna ito ng malalim bago ulit nagpatuloy sa pagk-kwento.

"Pabalik ako sa kwarto namin pagkatapos kong bumili ng agahan at alam kong nandoon na si South dahil sa mga oras na iyon. Naglilinis na siya ng kwarto namin. I was shocked ng mabungaran kong ipinipilit ni Denver ang sarili nito kay South. Ang sabi ko noon, that's the perfect time to separate with him and just walk away. Palagay ko ng mga oras na iyon. Malayang malaya na ako."

"But I started to panic when I saw you coming kaya't iniba ko ang interpretasyon sa nakita ko. I wanted to protect you Ate dahil alam kong sobrang mahal mo ako at kapag naabutan mo ang pagtataksil sa akin ni Denver. Alam nating dalawa na baka mapatay mo siya higit pa sa kaalamang malalantad ang iba pa nitong ginawa sa akin kagaya ng pambubugbog. Ayokong magkasala ka ng dahil sa akin. Ayokong dungisan mo ang mga kamay mo ng dahil sa akin kaya't iniba ko ang kwento sa nasaksihan ko."

"Si South ang idiniin ko sa pangyayari. I made her a bad woman and I was really sorry for it pero wala na akong ibang mapagpipilian noong mga oras na iyon. Hindi ko naman alam Ate na magtatanim ka pala ng galit kay South at ngayon nga ay pinarusahan mo siya samantalang ako ang nagbilad sa kanya sa kahihiyan at sumira sa buhay niya."

Marahas na tumayo si Craven Athena at dinuro ang kapatid nito.

"I could strangle you for lying. For all of these Gwyneth!"

"I'm sorry Ate. Hindi ko sinasadya." Nakita kong napaiyak na si Ma'am Gwyneth.

"Sh*t!" Napasuklay si Craven Athena sa buhok nito. "Ano pa?! Ano pang mga lihim mo sa akin Gwyneth?!"

Umiling naman ang kapatid nito. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Craven Athena at ang paghinga nito ng malalalim na wari'y pilit kinokontrol ang sarili nito.

"Simula ng insidenteng iyon naging mabait na si Denver sa akin. Hindi na siya nambababae. Hindi na siya nagsusugal at higit sa lahat hindi na niya ako sinasaktan ng pisikal." Humihikbing wika nito. "Pinagsilbihan niya ako dahil ang sabi ko ay isusumbong ko siya. Natakot siya sa banta ko. Malaki ang takot niya dahil alam niya kapag inilabas ko si South at aakyat ang kaso sa korte ay makukulong siya. Menor de edad si South ng mga panahong iyon at anumang oras. Malalantad ang ginawa niya kapag tumestigo ako kay South laban sa kanya. Makukuha ko ang kalayaan ko ng walang kahirap hirap at maiiwan siya higit pa sa isang basura."

"My goodness!" Gigil na wika ni Craven Athena habang nakatingin ito ng masama sa kapatid nito.

"Isang umaga. Nagising akong umiiyak si Denver. Humihingi ng tawad sa akin at gusto nito ng isa pang pagkakataon. Sinabi ko kasing makikipaghiwalay na ako sa kanya at ipapa-annul ko na ang kasal namin. Sinabi niyang hindi niya kaya kapag nawala ako sa kanya. Sinabi niyang magpapakamatay siya kung kayat nginitian ko lang siya. I was used to it sa lahat ng pagbabanta niya. Hawak ko ang alas at si South iyon. I didn't know na seryoso siya ng araw na iyon. The next thing I knew, sinaksak niya ang kanyang sarili."

Napatutop ako sa aking bibig. Kung ako siguro'y hindi ko maimagine na ganun ang pagdadaanan ko.

"Ate." Pagsusumamo nito. "I'm sorry. Pero kung anuman ang sinabi sa iyo ni South. Lahat iyon totoo. It was me from the very start who made up those stories to you. I covered Denver just to save you pero may isang tao akong higit na nasaktan at nasira ng buhay." Tumingin ito sa akin.

"I'm sorry South. If I could take back the time ginawa ko sana ang tama at hindi dapat kita pinaratangan. Naunahan ako ng takot para sa Ate ko. I know it's not enough at hindi ko dapat iyon ginawang excuse para lang sa kapakanan ng Ate ko pero wala na talaga akong maisip that time. Bata pa ako noon at natakot ng sobra. Ang pagkakamali ko lang ay pinabayaan ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko sinabi kay Ate ang totoo dahil ang akala ko ay wala na iyon. I'm sorry I didn't know. If you wanna punish me then I'll accept it." Mas lalo itong napaluha.

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa at higit sa lahat. Matagal ng nangyari iyon. Naiintindihan ko kung bakit nagawa nito ang bagay na iyon. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal nilang magkapatid sa isa't isa. At least, I'm cleared and I have proven my innocence. Lahat ng agam agam ko noon. Lahat ng pasakit at katanungan ay nasagot na ngayon. I think I can finally live in peace.

"Ate." Baling nito kay Craven Athena na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"South told you the truth. My ex-husband lured her. When I saw them in the room. She was fighting off with Denver."




"For petes sake Gwyneth!"




The END!

____

Wala finish na. Matulog na tayo may nanalo na. haha!

Guys favor ako. (the audacity of me😂)

Nagtatampo si Wifey. Pa-comment naman dito sa sasabihin ko kahit umabot lang ng 25 since ika.twenty fifth na namin. Pag ayaw niyo, walang update 🤣 joke! hindi, basta iyong mula sa puso. yiiieeeh!

I'd like to greet her a-

HAPPY 25'th MONTHSARY! Selanne_12❤❤❤
ILOVEYOUMY&ALWAYSWILL💋💋💋

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon