South
Nagulat ako ng makita kong nakatayo si Craven Athena sa harapan ng pintuan ko. Mukha itong stressed at halatang walang tulog. Nevertheless, maganda pa rin. It's been a couple of days since I last saw her at hindi maganda ang naging huling encounter namin.
After discovering the truth. Basta na lang ako nitong iniwan sa villa nito and I had Paige picked me up. She asked a lot of questions pero kahit isa sa mga iyon ay wala akong sinagot. I just kept crying because I was hurt and the fact na kahit nalaman na ni Craven Athena ang totoo. Pinili pa rin nitong iwan ako.
Mabuti na lang at naintindihan naman ako ni Paige na kailangan ko muna ng panahon at binigay naman nito.
"Why are you here Miss Del Prado?" Seryosong tanong ko rito. Itong puso kong nangungulila ay parang nagwawala na sa dibdib ko.
Napasuklay ito sa bagsak at mahaba nitong buhok gamit ang mga daliri nito. Napapansin kong parang mannerism nito ang bagay na iyon sa tuwing may iniisip ito.
"South." Wika nitong tumingin sa akin ng deretso. Iyong dating masiglang mga mata nito ay napalitan ng sobrang lungkot. "I came here to say sorry. I know it's not enough but it's the least thing I could say para mabawasan ang mga nagawa ko sayo kahit alam kong walang kapatawaran iyon."
Gusto ko itong anyayahang pumasok pero nagtatampo ako. Hindi naman siguro masamang kausapin ko na lang ito dito sa may pinto.
"Sige. Makakaalis ka na." Simpleng pagtataboy ko rito sabay sara ng pinto pero bago pa iyon ay mabilis nitong naiharang ang mga kamay nito.
"South wait." She force to come inside kaya napaatras ako. "I'm not here to cause trouble. I'm actually here para sabihing samahan mo ako."
"Hindi ako sasama sa iyo Miss Del Prado. Nadala na ako sa-"
"Please! Just this once. Kahit ngayon lang." Pagsusumamo nito.
"Saan?" Tanong ko rito. Mamaya ay ipapa-salvage na pala ako nito. She said she loathe me right?
Huminga ito ng malalim at napasuklay na naman ito sa buhok nito. Why does she have to do that? She looks so hot and sexy sa mga simpleng galaw nito.
Alam ko namang nakagawa ito ng hindi maganda sa akin pero nakikita ko namang pinagsisisihan na nito ang mga bagay na iyon but to forgive her right now? It's too soon for it.
"My sister came home already and I haven't see her yet dahil baka ano pang magawa ko sa kanya. I want you to come with me and hear her reasons kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon noon."
Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa dalang balita nito. Ibig sabihin ay makakaharap kong muli si Ma'am Gwyneth pagkatapos ng limang taon at pagkatapos nitong sirain ang buhay ko.
Sa totoo lang ay hindi ako galit pero gusto ko pa ring malaman kung bakit nagawa nito sa akin ang bagay na iyon at heto na ang tamang pagkakataon. Sana naman, valid ang reason nito dahil kung hindi. Mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinagdaanan kong hirap dahil lang sa maling kwento nito.
"Don't you wanna hear her reason? Her own version?" Tanong ulit nito ng hindi ako sumagot.
"I'll come." Pagkasabi ko non ay agad akong tumalikod para magpalit ng damit. Paglabas ko ay sumunod ako rito. Kinuha ko muna ang shoulder bag ko bago ini'locked ang unit ko.
"My car. Don't worry, I wont take you somewhere else other than to my sister's pad." Hindi ako nagsalita at basta na lang sumunod rito.
Thirty minutes later ay nagdo-door bell na si Craven Athena sa pintuan ng kapatid nitong si Ma'am Gwyneth. Madilim ang mukha nito at mukhang hindi talaga ito natutuwa ngayon.
Ilang saglit lang ay bumukas ito at bumungad si Ma'am Gwyneth. Exactly how she looks like five years ago pero mas gumanda pa ito dahil sa pagma-mature.
Excited itong yumakap sa Ate nitong parang biyernes santo ang mukha. Hindi pa ako nito napapansin. Craven Athena didn't hug her sister back.
"Oh gosh Ate! Bakit ngayon ka lang? It's so nice to see you finally. I miss you! Ang ganda ganda mo talaga!" Papuri nito pero parang walang narinig ang Ate nito.
Pumasok si Craven Athena sa loob at hinatak sa pulsohan ang kapatid nito saka pinaupo sa couch.
"Hey!" Wika ni Ma'am Gwyneth dahil halatang nasaktan ito.
Nanatili akong nakatayo sa may pintuan not until Craven Athena came back at ako naman ang hinatak nito. It wasn't rough, infact sobrang gentle nga nito hindi kagaya sa kapatid nitong halos mabali ang leeg nito kanina dahil sa paghatak.
Pagkakita sa akin ni Ma'am Gwyneth ay nakita ko ang pamumutla nito kasabay ng paglunok.
"Do you remember her Gwyneth?" Seryoso at malamig na tanong ni Craven Athena rito.
"Y-Yes Ate, she's South Del Frio."
"Then perhaps, naaalala mo rin ang totoong nangyari noon. Gusto kong marinig ang bersiyon mo and this time. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin!"
Itinaas nito ang dalawang kamay, takot na takot. "Ate please calm down. I can explain."
"Dapat lang! And don't tell me to calm down young woman! Ang daming nangyari dahil lang sa kasinungalingan mo. Sinira mo ang buhay ni South at dumagdag ako sa kagustuhang maipaghiganti kita na hindi naman pala dapat because you overruled what happened, you literally lied you dimwit!" Napakuyom pa ito ng kamao kaya lihim akong napalunok.
Oh gosh she's really hot! Napapikit ako dahil sa aking naisip.
We're in the middle of confrontation tapos ganito ang nararamdaman at naiisip ko? How could I be so.. marupok and at the same time.. nagiging mahalay ang mga naiisip ko. Sh*t.
Nagmulat ako ng mga mata at nakitang nakatitig sa akin si Ma'am Gwyneth.
"First of all. I'm sorry South." Seryosong wika nito sa akin. "I know malaki ang kasalanan ko sa iyo but please hear me out. And I'm sorry kasi ngayon ko lang ito masasabi na dapat ay noon pa sana bago ako umalis patungong Australia."
"Siguradohin mo lang na valid ang reason mo dahil kung hindi katanggap tanggap. Talagang itatakwil kita Gwyneth! Itatakwil kita! You made me look like a fool and I'm so st*pid to believe you!"
"Ate please." Nagsusumamo ang tinig nito. I could see she's really sorry. "Hear me out saka ka magdesisyon." Tumingin si Ma'am Gwyneth sa akin. "Please South take a seat and I'll explain. I will tell everything then after you hear my side. It's up to you if you forgive me or not."
Napabuntong hininga ako. Who am I para hindi magpatawad kung sakali lalo na kung valid ang reason nito but..
Am I ready to hear the truth?
BINABASA MO ANG
Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)
RandomNagsisimula pa lang na matupad ang mga pangarap ko pero mukhang mapuputol na ito. I had vowed to forget the past. At least I did everything I could to forget about it. Nakakabawi pa lang ako ng makita ko ulit ang babaeng unang hinangaan ko. The well...