Craven Athena
Ibinalibag ko ang bote ng tequilang hawak ko pagkatapos kong uminom mula rito. Napasapo ako sa aking mukha habang umiiyak. Ayoko ng ganito. This feeling of being in love yet it's too painful at kinakain ako nito. It's consuming all that I have.
Pinagtataguan na ako ni South. Umalis na ito sa dating condo nito at humingi ng leave kay Viktoria. Hindi ko ito macontact and those agents na kinukuha ko para maghanap rito ay walang nangyayari.
"Athena ano ba. Tama na iyan." Suway sa akin ni Daven habang walang imik si Gwyneth sa isang tabi. Pinunasan ko ang mukha kong hilam sa luha.
Malamlam ang mga mata kong tumingin rito dahil sa lungkot at pag-iyak.
"Daven ayoko na rito. Get me out of here."
Tinaasan ako nito ng isang kilay. "You can get out of this country without my help Athena. Kung gusto mong mag-move on dapat ine-enjoy mo ang sarili mo ngayon na hindi nangyari noon dahil sa pagiging workaholic mo. I think it's time you give yourself the relaxation it needs kaya siguro nangyari ang ganitong bagay sa iyo-"
"Hep!" Itinaas ko ang isang kamay ko para patigilin ito sa pagsasalita. Ramdam kong umiikot ang paningin ko. "Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko habang masamang nakatitig rito. "Kaya nangyari ito para makapagrelax ako? Naririnig mo ba ang sarili mo Aven?" Nagsimula ulit na umagos ang mga luha ko at inis kong pinalis iyon. "Masakit dito!" Dinuro duro ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "The only person I ever love left me! Sobrang sakit at sasabihin mo lang na kaya nangyari ito dahil workaholic ako dati at kailangan ko ng oras para sa sarili ko?"
Napabuntong hininga ito bago napahaplos sa batok nito.
"Tapos na kasi Athena wala ka ng magagawa. Sumama na si South sa ibang lalaki. Nasaktan ka at patuloy kang nasasaktan pero lumaban ka. You're Craven Athena Del Prado. Bumangon ka-"
"Stop! Enough!" Saka ako ulit umiyak sa mga palad ko. Masakit t*ng ina. Masakit nga anong hindi nito naiintindihan doon? Nag-angat ako ng tingin rito. "Hindi ako makabangon dahil iniwan niya ako tangay ng puso ko and I don't know how to start living again kasi sobrang apektado ako Aven!"
"Akala ko ba hindi mo susukuan Ate?"
"You imbecile nitwit! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? I'm throwing money to those bonehead agents para mahanap siya pero wala! Ang galing magtago! Sabihin mo sa akin. Saan ako maghahanap ha Gwyneth?!"
"At kahit mahanap mo Ate. Ayaw nga sa iyo. It's best for you na mag-move on ka na lang and wait for the next chance of love sa buhay mo. By that time sana naman huwag ka ng magpadalos dalos para hindi napupurnada ang buhay pag-ibig mo. Tumatanda ka na Ate, ikaw rin."
Kinuha ko ang cellphone ko at ibinato rito pero nasalo ng gaga.
"Pero seryoso Athena. Umalis ka na muna. Kailangan mo iyon. Wala na kasi tayong magagawa pa tungkol kay South."
Kahit sobrang sakit ay napatango ako. I need to leave kahit ayaw ko.
"Book me a flight two days from now. Sa Europe ako pero may favor ako Aven."
"Anything Athena."
"Magsusulat ako at gusto kong iabot mo iyon kay South kapag nakita mo siya o nagpakita na siya. I know it would be too late pero by chance lang."
Tumango ito. "Of course Athena."
*****
Nakapamulsa ako habang malungkot na nakatunghay sa mga batang nagtatakbuhan. Nasa parke ako ngayon at umaasang sana ay dumating si South. It's not just a park pero dito ko huling nakita at nakausap si South noon.
Nagsulat ako at kagaya ng sinabi ko. Ibinigay ko iyon kay Aven para kay South. Aalis na ako bukas papuntang Scotland para kahit saglit lang ay makalimot ako. Alam ko namang hindi iyon maibibigay ni Aven sa ngayon. Siguro mga ilang araw pa kapag lumitaw na si South dahil may fashion show ito next month. I know by that time na hindi pa ako ok.
Iyong letter na sinulat ko ay gusto kong magkita kami ngayon rito. I want to say I'm sorry again at kahit imposible ay humihingi ako ng tiyansa rito. Na mahal na mahal ko siyang sobra at handa akong gawin ang lahat para makabawi kasi alam kong ang mga panunuyo ko these past few weeks ay hindi sapat. Hindi rin kasi ako nito binigyan ng pagkakataon at ngayon nga ay pinagtaguan na talaga ako.
Napabuntong hininga ako at hindi maiwasang pumatak ulit ang luha ko. Buong buhay ko ay hindi pa ako umiyak ng ganito, ngayon lang pero valid naman ang rason ko kasi sobrang nasasaktan ako.
Pinunasan ko ang luhang naglandas sa mga pisngi ko bago ako dahan dahang naglakad paalis sa lugar na ito. I've been here for almost three hours para lang hintayin si South na baka sakaling dumating ito kuno o magawi man lang rito kasi alam kong nasa kay Aven pa ang sulat ko.
Naniniwala naman ako sa miracle kaya masama bang hilingin kung gusto ko itong makita kahit sandali?
Napabuntong hininga ulit ako bago naisip puntahan ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Sa resort kung saan nangyari ang insidente limang taon na ang nakakalipas. Ngayon lang ulit ako makakaapak doon kung sakali.
Mabigat ang loob kong nilisan ang parke at nagtungo sa resort. Pagkarating ko doon ay dumiretso ako sa gilid ng dagat. Naupo ako sa isang bato sa ilalim ng puno at tumanaw sa karagatan. I've been here five years ago at ang dami ng nangyari. Binago ito ng panahon at binago rin ako ni South.
Naririnig ko ang hiyawan ng mga naglalaro ng volleyball pati na rin ang mga taong masayang naglalangoy pero ako. Mag-isa't sobrang nalulungkot. Sobrang nasasaktan.
Hindi ko na naman mapigilang mapaiyak.
I miss her laugh. I miss her smile. I miss everything about South and every little things around me reminds me of her. Sana nandito ito ngayon. Hindi ko rin kasi akalaing mawawala sa akin ang unang pag-ibig dahil rin sa katangahan ko.
Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iyak ay pinunasan ko ang aking mukha gamit ng panyo ko saka ako tumayo. I think I need to leave. Sapat na sa aking nasilayan ko muli ang lugar kung saan nabuo ang dating paghanga ko kay South at naging pagmamahal iyon na sa bandang huli ay natabunan ng galit at ngayon ay iniwan ng lubos.
Lumingon akong muli sa karagatan at sa araw na bagama't hindi pa naman bumababa ay maganda pa ring pagmasdan. Kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko. I was about to leave when..
"Athena?"
Natigil ako sa paghakbang at napapikit. Siguro ay nag-iilusyon lang ako.
"Athena!"
I turn around and standing ten meters away from me is the woman I've been looking for and dreaming to be with.
"South?"
BINABASA MO ANG
Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)
RandomNagsisimula pa lang na matupad ang mga pangarap ko pero mukhang mapuputol na ito. I had vowed to forget the past. At least I did everything I could to forget about it. Nakakabawi pa lang ako ng makita ko ulit ang babaeng unang hinangaan ko. The well...