"Gio!" Habol ko sa kanya matapos ang klase. Buti na lang huling subject na 'to sa umaga.
Hindi ko na kayang hindi makakuha ng sagot.
Tumigil lang siyang nakatalikod. Hindi man lang ako binigyan ng tingin.
Hinablot ko ang kanyang braso para mapaharap siya. Agad din naman niyang binawi ang kanyang braso.
Honestly, I was caught off with what he did.
Nakatingin lamang siya sa akin ng walang kahit anong emosyon at hindi nagsasalita.
As if he was waiting for me to talk, first thing I ask was if he was doing well.
"Oo." Maikiling sambit niya.
Lalakad na ulit sana siya pero pinigilan ko na naman.
"Teka!" Hinawakan ko ulit ang pulsuhan niya. Mabilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan ako para sa sarili ko dahil sa aura na binibigay niya.
Ramdam ko na parang isang sinulid ang pasensya ni Gio pero wala na akong pakialam. Kailangan ko ng sagot.
Bumuga siya ng malalim na hangin. Para bang naghahanda na bigwasan ako.
Hindi nga ako nagkakamali.
"ANO NA NAMAN BA, MIKA?!" Galit na saad niya.
It was the second time that I was caught off guard at the moment. Tears were starting to form in my eyes but I forced myself not to let them fall.
I was still holding his wrist as I answered him. I know some of my classmates are looking at us.
Syempre, sino ba naman ang hindi. Buti nalang nasa kabilang hallway siya dumaan kaya walang taga ibang section ang dumadaan, pwera nalang kung pinili nilang dito talaga dumaan.
"Gusto ko lang naman malaman kung totoong okay ka lang ba..." mahinang sagot ko.
Sa pangalawang pagkakataon, hinablot na naman niya ang kanyang kamay.
"Anong pakialam mo, ha?! Ano ba kita para sabihan kung anong ganap sa buhay ko?! Magulang ba kita, kapatid?! Hindi din naman kita girlfriend, ah?! Kaya bakit ka mangingialam?!"
That triggered for a tear to fall. I immediately wiped it out. He looked away after I did that.
Huh, so that's what he thought.
I felt that our friends were already near us. However, I saw from my peripheral vision that Jay stopped them to interfere so no one dared to.
Naramdaman ko din na may taga ibang section ang nakikiususyo sa nangyayari pero pinipigilan lang ng aming mga kaklase.
BINABASA MO ANG
Mischievous Flight of Love
Teen Fiction[ON-GOING] "Since when did I fall in love with you?" Tanong ni Mika, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang dalawa. "Pakiramdam ko, hindi talaga tayo pwede." Mahinang saad naman ni Gio na narinig naman ni Mika. Hindi ba talaga pwed...