Chapter 11

13 1 1
                                    

Time flies so fast. Moving up ceremony na namin.

Pagkatapos maglabas ng sama ng loob ni Gio sa akin, naging close na kami. He was even added to our group chat. Since hindi lang kami ang naging close, pati na rin kela Ian.

I was right about him taking all the wins after that night. Mabuti na lang mababa na ang lagnat niya kaya nakayanan na niyang maglaro kinabukasan. Puyat din ako non kasi inaalagaan ko siya. Pinapainom ng gamot every four hours tapos pinupunasan gamit ang bimpo na nilublob sa tubig.

Hindi lang Provincial Meet ang nasalihan niya, kundi higit pa. And now he'll be busy training for the Palarong Pambansa after our moving up.

"Cabrero, Mika Carmelie H., with high honor"

I'm glad that I made it up here. I'm just halfway through my journey in my education.

Sayang, konting points na lang sana, highest honor na.

Kuya Lucas wasn't able to attend this event since he was back abroad last September.

Pero masaya pa rin. All of my friends are also included in the high honors and honors.

After taking pictures with the boys on stage, nagpaiwan muna kami nila Rina para makunan pa ulit ng mga litrato.

Bumaba na din kami ng matuwa sa mga nakuhang larawan at pumunta sa aming mga magulang sa isang gilid.

Sinalubong kami nina Ian na may dalang mga bulaklak.

"Congrats, girls!" Bati nila sa amin.

Ian gave Johanna the flowers and Jay handed it to Arianne. Gio was holding two bouquets kaya binigay niya muna kay Rina ang isa at panghuli sa akin.

Nakasunod naman si Carlo sa kanila na may bitbit na gift bags. Isa isa niya din itong binigay sa 'min. May laman itong chocolates sa loob.

Wow, effort nila ngayon, ah?

"Halaaa, thank you!"

Well, dahil mabait din kaming kaibigan, kinuha din namin yung apat na gift box na nilagay namin sa isang malaking paperbag at binigay sa kanila. Isang hoodie tsaka perfume ang nasa loob ng gift box pero iba-iba ang kulay at scent. Gray, black, blue at white.

"SHET! MERON DIN PALA SA AMIN! THANK YOU MGA BEBELUVS!" Malakas na saad ni Carlo.

We took more groupies again.

I was busy posing for my solo pics when the girls were squealing. When I turned my head to them, there's this guy who was standing with a bouquet of flowers and chocolates.

I was stunned for a moment. What? Akala ko ba di makakapunta tong si Russwill?

He sent me a message earlier.

From: Russwill

Sorry, Mika. I can't go on your moving up ceremony. May lakad kami ni Mommy. I have to accompany her. Bawi nalang ako, promise. Congrats."

Well, of course I understand. Sino ba naman ako para magdemand? Tsaka kakalabanin ko ba talaga mom niya? Syempre, hindi. Bawal selfish dito.

"Hi?" Patanong na sabi niya sa akin sabay lahad nung bouquet. Nakahawak pa siya sa kanyang batok na akala mo ay kinakabahan. "Congrats."

"Bat ka nandito? Hmmm." Siningkitan ko siya ng mata habang tinatanggap yung bulaklak.

"Actually, may lakad talaga kami ni Mom. Umalis lang kayo kasi matagal tagal din naman yun don, babalikan ko lang mamaya."

Mischievous Flight of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon