"Hello! Good morning!" Bati ko sa mga kaklase ko na nagtitipon-tipon sa may hallway.
Maaga akong pumasok kaya nag-uusap-usap pa ang mga kaklase ko sa labas.
Finals were just right in front of us kaya lahat kami ay magiging busy na.
Maraming mga guro ang nagbibigay ng requirements kung kaya't kanya-kanyang diskarte kami kung paano mas padaliin ang proseso sa paggawa namin ng mga ito.
"Grabe! This week na lahat deadline tapos sa susunod na linggo, exams na," reklamo ng isa kong kaklase.
It was on Tuesday night that I needed to stay up until 3 in the morning to at least finish some of my assignments. Kung kaya late akong pumasok pagkaumaga.
"Oh? Isang Mika Carmelie, late?" Pabirong saad ni Jay.
Binigyan ako ni Carlo ng tingin mula sa kanyang inuupuan. "Hoy! Pumasok ka lang para magrecess?"
"Sinong nagpalayas sa 'yo, ghorl?" Tanong din ni Johanna.
Interview ba 'tong pinuntahan ko?
"Oh?" Takang tanong ni Jay nang tiningnan ko siya.
"Baka may tanong ka rin. Wag ka nang mahiyang magtanong."
"Kung may RiteMed ba nito?" Natatawang sabat ni Carlo.
Tinignan ni Jay ang mga bitbit ko tapos nagkibit balikat lang.
Lumapit sa akin si Johanna at nagtanong kung bakit napakarami kong bitbit.
"Malamang, pasahan na ng requirements, Jo. Wala ka bang planong magsubmit?" Tanong ko din sa kanya.
"Depende sa usapan," maarteng saad niya at bumalik na sa kanyang upuan.
"Oh, nandito papel ni Gio, present ba siya?" Tanong ng guro nung pasahan na.
"Ah, binigay po ng kapatid niya, ma'am. Pinapasa po sa 'kin." Kinakabahang saad ko.
Nararamdaman ko ang tingin ng mga kaklase ko habang sinsasagot ko ang tanong ng aming guro.
Dali-dali akong lumabas pagkadismiss ng guro namin.
"Miks!" Tawag nila pero di ko na sila pinansin.
Napatingin ako sa taong sumabay sa akin ng lakad.
"Oh, bat mo kami iniwan? May itatanong pa ako, eh."
Di ko siya sinagot at patuloy lang na naglakad.
BINABASA MO ANG
Mischievous Flight of Love
Genç Kurgu[ON-GOING] "Since when did I fall in love with you?" Tanong ni Mika, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang dalawa. "Pakiramdam ko, hindi talaga tayo pwede." Mahinang saad naman ni Gio na narinig naman ni Mika. Hindi ba talaga pwed...