Chapter 14

9 1 6
                                    


I was left dumbfounded by what he said.


Binaba niya agad ang tawag pagkatapos niya sabihin 'yon. I didn't know that he took it that way. Totoo nga naman ang lahat ng sinasabi niya. Sino nga ba namang hindi maiipit pagka ganoon?


So what happened between Zarina and Gio was slightly our fault?


Naalala ko bigla ang sinabi niya. Nalilito? Bakit? What made him confuse himself?


I checked my phone and saw that Gio already left our group chat. The boys were asking what happened and none of the girls answered them. That's when Carlo decided to send me a message.


Carlo: hoy anong nangyari? Bat nagleave si Gio?


I explained to him what happened but only about Rina and Gio.


I was waiting for me to get sleepy but I was very preoccupied about Gio so I decided to send him a message.


To: Gio

Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo. Di ko din gustong pangunahan ka but please tell me what's on your mind when you will be calm.


To: Gio

You can talk to me anytime.


I didn't wait for his reply and just slept that night.


Monday came and there were no signs of Gio. Hindi siya pumasok sa klase kaya nagtext ako sa kanya.


Kami lang ni Carlo ang magkasama sa cafeteria para kumain ng lunch kasi busy yung iba.


"Bakit wala si Gio? Alam mo kung nasan siya?"


Simple ko lang siyang sinagot, "Di ko alam."


"Hindi ka ba tinext?" Ba't naman ako i-tetext? Sino ba naman ako para balitaan niya, diba?


"Kanina ka pa kasi tingin nang tingin sa cellphone mo." Pagpapatuloy niya.


Tinanong ko din siya kung tinext niya pero wala daw siyang load kaya nagchat nalang siya. Hindi din naman siya nireplyan.


Habang kumakain kami ay lagi akong tinatanong ni Carlo patungkol kay Gio at Rina. Kaya sinabihan ko nalang siya and asked him not to tell everyone about what I said.


He stayed silent for a moment before reacting on what he just knew.


"Tama nga naman si Gio. Sinong hindi mapipressure 'non? Kayo din naman kasi eh daming sinasabi." Parang tanga 'to. Inulit lang yung sinabi ni Gio.


Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba na para bang may iniisip. "Actually, okay lang naman na magsuggest kayo pero baka di niya gustong pagsabihan. Baka ayaw niyang pinapangunahan siya."

Mischievous Flight of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon