Chapter 4

14 1 9
                                    

I was bothered on what Carlo have done. Bakit niya ako binabalaan?

I wasn't bothered with the hug and kiss. Since me and Carlo were related. And it is normal for us with our other friends that the guys would kiss our cheeks, foreheads, and heads and would hug us every time.

The rest of the week seems fine. Everything was normal.

Tuwing lunch, Carlo would always invite Gio to come with us. Majority will agree, everyone gets to agree, too.

Wala namang kaso sa amin na sumama si Gio. He is very welcome in this group.

Zarina and Gio would not act like they are sort of lovers.

Hindi nila masyado pinapakita sa amin na sweet sila. More like, they would act like they are just friends. Siguro para hindi rin kami ma-awkwardan.

"Hanapan kaya natin ng jowa 'tong si Mika?" Carlo opened up.

Ha? Jowa?

"OMG, sige. Para naman may ibang pagkaabalahan ka, Miks," Arianne said.

I just shrugged, "Busy ako."

Johanna rolled her eyes, "Kaya nga. Loosen up, girl. Hindi mo naman agad jojowain."

"Take it slow. Katulad ni Gio at Rina," dagdag pa ni Ian.

"May kakilala ka bang maireto kay Mika, Rina?" Carlo asked.

Si Zarina na ang tinanong niya. Marami kasing kakilala at mga kaibigan si Rina bukod sa amin.

She laughed, "Try ko magtanong sa iba."

Siniko naman ni Ian si Gio.

"Gio, ikaw ba? Baka may ibang table tennis player diyan na available?"

He answered, "Di ko din sure, eh."

I just continued eating while listening to them.

"Wag niyo na i-pressure baby girl natin," buti pa 'tong si Jay.

"Saka na, sasabihin ko naman kung gusto ko eh."

Marunong din naman akong lumandi, no.

Di niyo lang sure.

Nagpaplano din sila na pupunta kila Ian para makakain ng buko.

The girls said that they will try to check if they have nothing to do.

"Ikaw, Gio. Sama ka?"

Nag-iisip pa siya bago sumagot.

"Try ko, may training eh."

Nagpaalam na muna ako sa kanila na may pupuntahan pa ako.

"Hi, po," bati ko sa aking mga magulang at nagmano pagkapasok ko sa backseat.

"Di ka na ba magpapalit ng damit?" Mom asked.

"Hindi na po, diretso na po tayo para hindi tayo gabihin."

Nag-impake na agad ako kagabi nung sinabi ni Dad na pupunta kami sa Tita ko.

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Siguro naman bibisita lang sa farm don.

Maliit lang bag ko na nilagay sa kotse kagabi kasi uuwi din naman kami bukas.

I was absent. Friday afternoon naman, gagawa na lang ako ng excuse letter.

Lowbatt na din cellphone ko kaya nagcharge muna ako sa may USB port at natulog habang nasa biyahe.

Mischievous Flight of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon