Chapter 22

2.6K 94 15
                                    

Third Person's POV




Mabilis na nadala ni Maddox ang kaniyang mahal sa hospital. Agad na inasikaso ng mga doctor ang walang malay at sobrang putlang si Aviana. Nanginginig ang kamay niya sa takot. He's been thinking of her every single time. Kinaya niyang mawala'y sa kaniya para sa kaligtasan niya tapos malalagay lang pala ang buhay nito sa alanganin dahil sa sarili niyang kapatid?

"This is so offensive Leo, hindi ko k-kaya ang ginawa ng anak mo. Pumayag ang pamilya ko noon sa kasunduang maikasal siya sa panganay mo dahil alam naming pangangalaagan niyo siya. Pero ano 'to? Sa pamilya niyo pa mismo mawawala ang buhay ng anak ko?

We have told you. Hindi siya anak ni Rodolfo Garcia. Aviana is my daughter. Pero may saltik yata 'yang anak mo! Alam niya ng anak ko si Aviana babarilin niya pa?!"

Galit ang namutawi sa puso ni Valero. Hindi mawala sa isipan niya ang pagbaril kay Aviana at ang pagbagsak nito sa sahig.

"Hindi ko rin mapapalagpas ang lahat ng kagagohang ginawa niyo sa anak ko noon. She doesn't deserve to be treated like that! Kung sa anak mo ba nangyari lahat ng 'yon matutuwa ka ba?! Ha?!

At ikaw Maddox Sullivan! Hindi kita mapapatawad sa pambababoy mo sa anak ko!"

Umiiyak si Victoria na niyakap ang kaniyang ama.

"Dad...calm down."

Pilit niya mang pinapakalma ang ama pero hindi ito sumasapat. Kitang-kita ang galit nito sa pamilyang Sullivan.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko! I swear to God! Hindi lang kasal ang matatapos pati narin ang pagkakaibigan natin!"

"Daddy, daddy please...calm down."

Hindi mapigilang umiling ni Maddox. Ayaw na niyang makipag talo pa sa tunay na ama ng kaniyang mahal. She loves Aviana so much that she's willing to respect her father.

"Pare I'm so sorry for what happened. This is all my fault." Huminga siya ng malalim ng marinig ang sinabing 'yon ng kaibigan niyang si Matteo.

"Kung hindi ko iniwan si Aviana sa bahay, hindi siya makakaalis. Hindi sana siya nabaril ni Misha."

Umiiling si Matteo at sising sisi sa nangyari. He's blaming himself and he's willing to take responsibility for all the cost.

"No, h-hindi ikaw. Kasalanan ko, kasalanan ko. I'm so sorry."  Sabat ni Althea na hindi tumatahan sa pag-iyak.

"Maddox, I beg for your forgiveness. Kapag may nangyaring masama kay Avi aakuin ko lahat. It's really my fault. Kung hindi ko sana ginawa ang gusto niya—kung hindi ko sana kinuha ang cellphone ni Matteo." Sabay labas ng cellphone ni Matteo. Matteo looked at him with shock in his face.

"She asked me to get Matteo's phone so she could call you because she misses you so bad. She told me na si Victoria ang nakasagot ng tawag. Napilit niya akong samahan siya sa bahay niyo dahil iyon daw ang sabi ni Victoria na kakausapin ng pamilya mo kayong dalawa ni Victoria. Sorry hindi ko man lang naisip na baka may mangyaringw ganito—this is all my fault. I've been so careless. I'm sorry!"

Maddox can't help but to shook his head. Mali na ang nangyayari. Walang dapat na sisihin dito kung hindi siya at ang kaniyang pamilya.

THE RUTHLESS WHO OWNS ME ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon