IY 29

354 42 8
                                    

1 year after...

Shiro's PoV

Biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang isang taong ayaw kong makita lalo na at kagigising ko lang dahil nakakasira ng araw.

"Washhhsuup my friend na hindi kagandahan pero feeling si snow white kung matulog.. Time to eat and take you meds.... Tangina! Nasasanay na ko sa english na yon...". Sigaw na saad ni Arnie habang dala dala ang pagkain ko.

Breakfast on bed.

Wala akong matandaan sa lahat nang nangyari these past few years.

"Friend kain ka na baka mamura na naman ako ni Lucas kapag hindi ka na naman kumain ng agahan. Bongga pa naman magmura yong si Fafa Lucas. Sobrang lutong. Tagos hanggang atay at balun balunan ko." Saad niya na kinatawa. Kahapon kasi ay nag away silang magkaibigan dahil hindi ako kumain ng agahan, that I usually do naman pero iba na daw ngayon. Buti na lang nga at nandito sila sa tabi ko kahit hindi ko sila matandaan. Buti na lang nandito sila upang pagaanin ang loob ko noong nalaman kong namatay na pala ang kapatid ko at nanay ko. Na na hospital pala ako sa loob ng tatlong taon.

Kaya ilang araw akong nag inigak at nagkulong sa kwarto dahil doon hanggang sa medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kinakabahan pa nga sila noon dahil baka bumalik daw ako sa dati kaya bantay sarado ako sa dalawa.

Sinabi sakin ng psychiatrist ko at doctor na kinuha ni Lucas na nawala ang memory ko na pinili kong kalimutan. May tinawag sila doon, hindi ko lang natandaan. Meaning, lahat daw nang nangyari from 6 years ago, pinili ko daw kalimutan LAHAT. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko kasi napaka impossible naman noon. Pero nung inexplain nila ang about sa brain brain na yan. Naniwala na lang ako kaysa makipagtalo.

Ngayon ay nandito ako, binabantayan ng isang maingay na nilalang na walang ginawa kundi ngumawa pero masaya ako na siya ang kasama ko. Hindi ako naboboring. Pero isang mukha ang laging nalabas sa isip ko. Ung unang taong nakita ko simula noong bumangon ako.

.
.
.
Noong magkamalay ako ay nagising ako sa isang bahay na hindi ko alam kung kanino. Una kong hinanap si nanay ngunit hindi ko siya makita.

Tumayo ako at naglakad lakad upang tignan ang kabuuan ng kwarto.

"Kanino kayang bahay to? Ang ganda!" Bulong ko sa sarili ko

Hinawi ko ang kurtina at tumama sakin ang sikat ng araw. Parang ang tagal ko nang hindi nararamdaman ang init nito.

"Nasaan kaya Cp ko? Tawagan ko sila nanay. Nag-aalala na yon" saad ko. Hinanap ko ang phone ko kung saan saan pero hindi ko ito makita.

Nang hindi ko makita ay napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto, lalong napalaki ang mata ko nang makita ko ang kabuuan ng bahay.

"Langya! Ang ganda!" Bulong ko

Mabagal akong naglalakad hanggang sa makarating ako ng hagdan. Sa baba ay nakita ko ang isang gwapong nilalang at tila nakakita ng multo nang tignan ako

Wait. Patay na ba ko? Ako ba ang multo?

Nabigla na lang ako ng tumakbo ito paakyat at saka niyakap ako nang mahigpit na halos hindi na ko makahinga

Weird pero pakiramdam ko ay naramdaman ko na ang init na ito dati pero hindi ko matandaan.

"Bakit ka tumayo agad? Baka kung mapaano ka. Paano na lang kung nalaglag ka" nag aalalang saad niya sakin. Bakas sa boses niya ang takot.

"Ah.. eh... Kuya. H-hindi po ko makahinga. Sino ka po ba at nasaan po ako?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napahiwalay ng yakap sakin. Doon ko lalong natitigan ang gwapo niyang mukha. Sobrang gwapo niya

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now