IY 13

654 51 9
                                    

3 years ago

“Narinig mo ba ang balita? Buntis daw si Mischelle at si Lance ang ama” sabi nang isang kaklase namin kaya naman agad akong napatingin sa kanila at mukhang sinsadya nilang iparinig sa akin ang balitang iyon dahil nakatingin ang isa sa kanila habang nakangisi.

“Ay oo, narinig ko na iyan kanina, grabe no, sila pa rin talaga, kahit na may dumating na asungot sa buhay nila ay mukhang sila pa rin ang itinakda” sabi nang isa sabay tingin sa akin. Napatungo naman ako at pilit hindi iniintindi ng pinag uusapan nila ngunit tila lalo pa nilang nilakasan ang usapan nila para marinig din nang iba pa naming kaklase.

Oo, alam na halos sa buong university ang relasyon namin ni Lance ngunit walang pakialam si Lance doon. Sa halip ay parang ipinagmamalaki pa niya sa lahat ang relasyon namin. Hinahawakan at hinahalikan sa public even saying and doing sweet things. Minsan niyayaya niya ako nang date sa harap nang maraming tao, may mga natutuwa at kinikilig ngunit mas marami ang naiinis.

“True! Kahit pagbali baliktarin ang mundo, lalaki pa rin si Lance at babae ang hanap niya. naghanap lang siya nang challenge at adventure kaya siguro nagawa niyang pumatol sa... Hmmm. Bakla” dugtong naman nang isa at saka sila nagtawanan.

Unti unti nang umiinit ang paligid nang aking mata at nagbabadya na ang aking luha sa pagtulo. Hindi ko na kaya ang naririnig ko kaya mabilis akong tumayo upang umalis dito.

Bago pa man ako makalabas nang classroom ay nabunggo ko si Lance. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Hindi ko siya pinansin at saka nagsimula akong maglakad palayo pero hinawakan niya ang kamay ko

“Wag muna ngayon Lance Please” Saad ko kasabay nang pagtulo nang aking luha. Walang sabing binitawan niya ang akin kamay. Bagamat hindi ko siya nillingon ay ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. All I wanted to do is to get away from all of this, makahinga nang maluwag mula sa sakit na dulot nang katotohanan

I look at the place, it is where Lance took me after I slapped him. Ito iyong lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nagsimula ang relasyon namin.

I sighed while remiscing the past.

‘kaya ko pa ba?’

Umupo ako at tumungo habang ang ulo ko ay nakapatong sa tuhod ko.

As long I want to be relaxed ay hindi ko magawa because of the overflowing pain.

Mga ilang minute ako sa ganoong posisyon nang may yumakap sa akin. Hindi ko na kailangang lingunin dahil pamilyar sa akin ang amoy, ang init at pakiramdam.

Si Lance.

Humiwalay siya sa akin at ramdam kong umupo siya sa harapan ko and hold my hand

“I assumed that you already knew about the news. Sorry my love, hindi ako naging maingat. Wala nang nangyari sa amin ni Mischelle noong ipinakilala kita sa lahat. ” Saad niya
“Don’t worry, I’ll fix this. Ako ang bahala. Please, trust me one more time” Malambing na saad niya kaya inangat ko ang ulo at tumingin.

He’s eyes is full of regrets, pain and fear

“Please, Let me fix this. Don’t leave me. I cant bare to lose you Shiro. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nawala ka sa akin” dugtong pa niya. His hands are trembling. Hindi ko alam kung bakit. Ano nga ba ako sa kanya? Pero isa lang ang alam ko.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan si Lance. Masyado ko siyang mahal.
“B-But how about the baby Lance?” I asked him. Kahit gaano ko kamahal si Lance ay iba na ngayon dahil may bata nang involve, I dont want to risk a child's future para lang sa pagmamahal ko sa kanya

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now