IY 7

624 45 3
                                    

Present

“L-Lance” kinakabahan at takot kong saad. Pabulong lamang iyon pero alam kong narinig niya iyon

“Why so afraid my little puppy? Don’t you miss me?” tanong niya at patuloy patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa aking likuran
“Parang ayaw mo naman akong makita Shiro” saad niya habang hinahaplos ang aking batok na nagbigay nang kakaibang sensasyon sa akin

Mabilis akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanya pero mabilis niya nahawakan ang akin braso at hinila pabalik sa kanya. Dahil sa lakas ng pagkakahila niya ay napayakap ako sa kanya at doon ay naramdaman ko na naman ang init nang kanyang katawan na matagal ko nang nilimot

“P-Please. Aalis na ko” pagmamakaawa ko sa kanya

“Bakit Shiro? Hindi ayaw mo na ba akong makita? Hindi mo na ba ako mahal katulad nang dati?” mapang akit niyang tanong

‘Shiro! Wag kang magpapadala sa temptasyon. Wag kang magpadala sa kanya ulit. Wag kang magpadala sa mga kasinungalingan niya. paglalaruan ka lang ulit niyan’ bulong ko sa aking sarili

“Ano Shiro? Hindi mo na ba ako mahal ha Shiro?” tanong ulit niya

Tumingin ako sa kanya at pilit itinago ang aking nararamdaman

“Hindi na Lance. Hinding hindi na.” saad ko pero taliwas ito sa nararamdaman ko. Siya pa rin, siya pa rin ang mahal ko

Ngumisi naman siya saka inilapit sakin ang kanyang mukha

“Well, I don’t believe you my Shiro, I know you still love me” bulong niya sakin. Pumikit ako saglit at saka iminulat ang aking mata at saka siya tinitigan

“Yes, Mahal pa rin kita Lance at hindi nagabago iyon” pag amin ko na nagpangisi naman sa kanya
“You still mean everything to me Lance. But you’re not worth the fight anymore. You’re not worth it” seryoso kong saad sa kanya na siyang nagpatanggal naman sa kanyang ngisi at binigyan ako nang isang seryosong tingin

Kapansin pansin ang panginginig nang kanyang kamao at pagtiim bagang.

Bakit? Bakit tila may epekto na sa kanya ang mga sinasabi ko.

“Kaya please lang Lance, tama na naman. Lumayo na ko sa iyo dahil ayaw ko nang masaktan. You’re not worth the pain. An asshole like you will never worth for my love, because you, yourself don’t even know how to love” sabi ko sa kanya, tila nalulunod na ko sa sobra sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Masaya akong makita siya pero hindi na  noon mapapantayan ang sakit at takot na dinulot niya sa akin noon. Lahat nang hirap na naranasan ko sa kanya.

“Pasensiya na. pero hindi ko na matatanggap ang trabahong ito” saad ko ko sa kanya. Pero patuloy pa rin ang kanyang masamang tingin na ipinupukol sa akin

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso at saka ako nagsimulang maglakad upang tumakbo palayo sa kanya.

Palabas na sana ako ng pinto nang magsalita siya

“960 thousand” saad niya na nagpahinto sakin. Anong ibig niyang sabihin doon?

Tumingin ako sa kanya nang may pagtatanong sa aking mukha. Unti unti namang sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin nag-iiba ang epekto nang kanyang ngiti sa akin. Nagbibigay pa rin ito nang kakaibang kaba sa akin.

“You need to pay me 960 thousand Shiro” dugtong niya na nagpakunot naman nang nook o

“What the hell are you talking about?” inis at litong tugon ko sa kanya

“We both know that you know what I am talking about Shiro.” Then a lightning stikes

Flashback

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now