IY 17

682 49 4
                                    


Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos nang nangyari sa restaurant. Hindi ako pumasok muna sang ayon kina Jethro dahil baka matrigger na naman ang condition ni Lance kaya nandito kay Sheena na ngayon ay natutulog, ako muna ang bantay niya.

At ayon sa nalaman ko, Lance has BPD o Borderline Personality Disorder, kung saan takot siyang maiwan at hindi niya kayang mag isa lalo na kapag mahal na mahal niya ang mang iiwan sa kanya. Inappropriate anger, impulsiveness and frequent mood swings ang iba sa mga maaaring maranasan nang may ganitong condition.

He can go to extreme measures just to avoid real or imagined separation or rejection

Madami pa akong nalaman tungkol sa kanya, he also had  paranoia and loss contact with reality na hindi naman nagtagal.  He is also suicidal.

And based sa sinabi ni Jethro when I asked him, napilitan kasi siyang sabihin sakin dahil pinagbantaan siya ni Markian.

His condition started 3 years ago pero nagamot at nawala dahil sa mga anak niya, but came back again 2 years ago

Kung iisiping mabuti, 3 years ago nang iwan ko siya then 2 years ago nang magkita ulit kami.

Hindi kaya… hindi kaya may kinalaman ako sa mga nangyayari sa kanya? Hindi ko maiwasang isipin na ako nga ang dahilan dahil base sa nangyari 2 days ago, his condition was trigger when I said that I have a boyfriend pero umayos na yesterday nang malaman niyang hindi ito totoo. He came back to his usual self.

Hindi ako matahimik

I want to know what really happened 3 years ago. Kaya tinawagan ko si Lucas, I want to ask him at sana ay may masabi siya sa akin.

Nasa malalim akong pag iisip nang bumukas ang pinto. Akala ko ay si Lucas na pero si Doctor Tristan lang pala. Last na kita ko sa kanya ay noong sa restaurant pa. hindi kasi siya pumasok muna at ipinasa muna sa ibang doctor ang pagcheck kay Sheena.

“G-Good morning Doc” Hindi ko alam pero bakit ba ako nauutal? And I heard Doctor Tristan chuckled

“Don’t worry, hindi kita sasaktan” Natatawang saad niya. lumapit siya kay Sheena and I think, he is checking her vitals.

“We will be having another session of Chemotheraphy tomorrow” saad niya at tumango naman ako. Akmang aalis siya nang pigilan ko siya. I want to satisfy my curiousity

“D-Doc… I… I just want to ask…. Ahm… W-What happened 3 years ago?” but instead of answering me. He smirked. Nakakainis naman itong isang ito. wala ba siyang ibang kayang gawin kundi ngumisi?

“Sorry Mr. Nakano, It is not my story to tell. Ask Lance if you wanted to know what happened  to him 3 years ago. Pero ito lang ang masasabi ko, he is not bad as what you think he is” takte naman itong doctor na ito. ayaw pang diretsuhin. May pa mysterious effect pa!

“O-Ok Doc. Thanks!” Pasasalamat ko sa kanya. Tumango lamang siya at mabilis lumabas

Hindi ako mapakali pagkaalis nang doctor. Lalo akong nacurious sa mga nangyari. Bakit ba kasi ang tagal ni Lucas?

What happened to him? To Mischelle? To his child.

2 years ago ay nakita ko siyang may dalang bata and I assumed that it is his child, pero nasaan na ang mga anak niya.

Well ano bang pakialam ko kung hindi niya ipakita sa akin ang anak niya…

Pero… pero gusto kong malaman talaga lahat. Lahat lahat!

And then finally, dumating na si Lucas. Walang greetings. Hinila ko siya kaagad sa couch

“Hindi ka naman excited na makita ako no?” natatawang saad niya pero seryoso ko siyang tinignan kaya napatigil siya sa pagtawa

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now