IY 14

614 49 5
                                    

3 years ago

I thought that our love is magical, pero nakalimutan ko na minsan, magic is just an illusion. Isang kasinungalingan at pagpapanggap na ginagawa upang mapasaya ang nanonood sa loob nang maiksing panahon.

At ngayon, bumuhos sa akin ang katotohanan at hindi ko alam kung paano ako lalabas sa ilusyon na ako mismo ang bumuo.

Mabilis na kumalat ang aking larawan sa aming lugar at umabot na iyon sa aming barangay. Hindi ako nakaligtas sa kanilang mga paningin na tila nandidiri sa akin. Na para bang kilala na nila ang buo kong pagkatao kung husgahan nila ako. Kaya hindi na rin ako makalabas nang bahay dahil sa kahihiyang aking nadarama na unti unting umuupos sa kagustuhan kong lumaban.

Nanlulumong tinitignan ni nanay ang aking larawan habang ako naman ay patuloy sa pag iyak. Nanginginig ang kanyang kamay at bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

“S-Sorry nay. Sorry po” iyak ko habang nakatakip ang mukha ko. Mukhang ikinakahiya ki. Hindi ko na kayang ipakita ito kahit kanino. Kung maaari lamang magpalit nang mukha ay nagawa ko na.

Tumingala si nanay dahil sa nagbabadyang luha sa kanyang mata. Pilit niya itong pinipigilan. Pabalik balik ang lakad niya na tila ba nag iisip nang solusyon sa mga nangyayari.

“Mag ayos ka na nang mga gamit mo Shiro, ayusin mo na rin ang kay Sheena. Aalis na tayo dito. Lilipat na tayo. Alam kong biktima ka rin kaya hindi ko kayang magalit sa iyo anak. Kilala kita higit kanino man dahil anak kita pero ayaw kong pandirihan ka nang lahat mga tao sa paligid mo. Ibebenta na natin ang bahay na ito para may panggamot din tayo kay Sheena at pantustos sa ating pang araw-araw. Kakalimutan natin lahat nang ito at magsisimula nang panibago. Babangon tayo ulit anak” saad niya at hindi na napigilang umiyak kasabay nang pagyakap nang mahigpit sa akin. Alam kong dismayado siya pero hindi niya pinahalata sa akin.

Who will not be disappointed sa anak mong nagkalat ang nakakadiring mukha sa social media at pinagpipyestahan nang lahat para sa katatawanan.

Hindi na ako tumutol pa dahil alam ko rin na tama ang desisyon ni nanay.

Paglayo… tama! Paglayo mula sa mga masasakit na pangyayari rito. At paglimot sa mga nagdulot nito.
Mabilis kong inayos ang gamit namin habang inaalala ang lahat nang sakit na dulot niya.

Kinabukasan.

Dala ang mga mga bagay na kakailanganin lamang namin, baon ang mapait na alaala

Nagmamadali namin itong naisakay sa nirentahan naming sasakyan. Batid namin ang tinginan nang aming kapitbahay at ang mga usap nila na sadyang ipinaparinig sa amin, lalo na sa akin.

Kaya mas lalo pa naming minadali ang ang pag aayos nang aming mga gamit sa sasakyang inupahan namin.

Pagkaalis namin ay nakita ko pa ang dalawang sasakyan na pumarada sa tapat nang aming bahay. Si Lance at Lucas. May kinausap sila na lalaki at saka itinuro ang sasakyan naming nakalayo na sa kanila. Bago pa sumakay si Lucas sa sasakyan niya ay isang suntok ang ginawad niya kay Lance at iyon na ang huling nakita ko.

Tumatawag sa akin si Lance at Lucas pero hindi ko itto sinagot. Kinuha ko ang sim card nang cellphone ko at sinira ito. Im sorry Lucas. Im sorry kung nadadamay ka pa sa akin.

Iyon na lamang ang nasabi ko. Tumingin ako kay sheena na natutulog sa braso ni nanay na tila balisa.

Im sorry Sheena!

---
Dumaan ang mga panahon, napilitan akong huminto sa pag aaral at nagtrabaho muna ako upang matustusan ang gamot si Sheena at ang pang araw araw naming gastusin. Nagtrabaho ako bilang waiter, tutor at kung minsan, pati pangangalakal ay pinatos ko na para pandagdag sa mga panggastos namin. Nagsimula na siyang mag chemotheraphy, halos mamulubi na kami sa mahal nang gastusin namin sa kanyang panggamot pero wala kaming pakialam, basta ang mahalaga ay umayos ang kalagayan ni Sheena

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now