IY 9

634 48 2
                                    

Ilang araw na akong napasok dito sa impyernong ito. Wala akong kabang nararamaman sa halip ay galit ang pumupuno sa aking puso. Galit na itinago ko nang mahabang panahon. Nagawa na naman akong paglaruan nang hayop na yon.

Hindi ko pinapansin si Micah kung hindi ito tungkol sa trabaho. Hindi ko kayang magtiwala sa mga taong nagtraydor at nagsinungaling sa akin. Pareparehas silang lahat. Mga manggagamit!

“Tapos na ang training natin ngayon Shiro, gusto mo bang sumama sa akin ng lunch?” tanong ni Micah habang nakangiti na tila ba walang ginawang kasalanan sa akin. Halos kumulo ang dugo ko dahil sa nakakainis niyang ngiti pero ponigilan ko lang.

“Hindi na. wala akong planong sumabay sa iyo” maiksing sagot ko sa kanya na tila ba ipinapahiwatig ko sa kanya na ayaw ko siyang kausap

“Common Shiro, hindi pa kita nakakasabay kumain dito. Please! Sabay na tayo” pamimilit pa nito

“Sasabay ako kung kanino ko gustong sumabay Micah. At ayaw kong sumabay sa iyo. Kaya kung wala kang sasabihin. Aalis na ko” malamig kong saad sa kanya. Ang kapal nang mukha nang isang ito. feeling close!

“Please Shiro. Malungkot kasing kumain mag isa. Sige na” isang pamimilit pa niya kaya hindi na ako nakapagtimpi

“Alam mo Micah, pinipilit ko ang sarili kong hindi mairita sa pangungulit mo. Alin ba sa ‘ayaw ko’ ang hindi mo maintindihan? Bakit? Dala ko ba ng pagkain mo at hindi ka makakakain? Pwede ba? Hindi tayo close at walang akong balak maging kaclose ka kaya tigilan mo na yang pinaggagagawa mo dahil nagmumukha ka lang tanga. Magkatrabaho lang tayo at hinding hindi tayo magiging magkaibigan. Dahil ayaw ko sa mga taong sinungaling at manggagamit. Sige! Anong kapalit ngayon bakit sobra sobra ang pamimilit mo sakin? Anong ibibigay na naman niya sayo ha? ” inis na saad ko sa kanya at siya naman ay napayuko siya sa hiya at ako naman ay lumayo sa kanya

Nalaman ko kasi na alam niya talaga na gusto akong kunin ni Lance at siya ang inutusan nito. Na once na pumayag ako at napapirma ako sa contract na magtrabaho dito bilang secretary ni Lucifer ay mapopromote siya sa mas mataas na posisyon.

Hindi na nakapagsalita si Micah at tila napahiya sa aking tinuran. Ayaw ko siyang ipahiya but she forced me to do it.

Nauna na ako sa cafeteria para maglunch, kumuha agad ako nang makakain ko at mabilis na pumuwesto sa isang bakanteng mesa. Nakita ko pa si Micah na nakatingin sakin pero agad din siyang umiwas.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain at hindi pinapansin ang mga nangyayari sa paligid

“Ahmm! Hi! Is this seat taken?” Tanong nang isang tinig kaya agad naman akong napatingin at bumungad sa akin ang isang lalaking may brown na mata. Na stunned ako nang kaunti dahil sa ganda nito pero agad ko din naman nabawi. Mabilis talaga akong maattract sa magagandang mata.

“Sure, no prob” seryosong saad ko at saka pinagpatuloy ko ang aking pagkain. Umupo na rin siya at inayos ang kanyang pagkain

“Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita” tanong niya pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang aking pagkain

“Saang Department ka?” Sunod na tanong niya pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa narinig ko siyang bumuntong hininga

“Ayaw mo ba ako dito? Ayaw mo ba akong kausap? Sorry! Lipat na lang ako” dismayadong saad niya. nakaramdam naman ako nang pagkakonsensiya dahil sa tinuran ko sa kanya. Akmang tatayo na siya nang pigilan ko ito

“Sorry for being rude” saad ko saka umupo nang maayos

“No it’s ok. It’s my fault. I should know how to assess people whether they want talk or not” sabi niya sabay bigay nang isang ngiti

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now