IY 16

711 48 8
                                    


“Kanino to galing?” tanong ko sa sarili ko dahil pagpasok ko nang office ay isang kumpol nang bulaklak at mga chocolates ang nakita ko. Tinakpan ko muna ang aking ilong at kumuha nang isang plastic sa bag ko saka ko hinawakan ang bulaklak. Then nang kunin ko ito ay isang card ang nalaglag. Kinuha ko ito at binasa ang nasa card

‘IM SORRY’

“Sorry?” natawa na lamang ako sa aking sarili. Dahil bas a nangyari noong isang araw? Dahil sa dami nang mga pinaggagagawa niya sa akin, hindi ko na alam kung alin doon ang hinihingi niya nang sorry.

Ang kapal naman nang mukha niyang humingi nang sorry. Akala niya ba na madadaan ako sa sorry niya? pagkatapos nang lahat nang ginawa niya? tinakot pa niya ako. Isa siya sa mga taong hindi dapat patawarin.

Kinuha ko lahat nang binigay niya at dinala ko sa basurahan.

Perfect! Bagay sa basurahan ang mga basurang ibinigay nang basurang taong kagaya niya. Pumunta na ako sa table ko at inayos ang mga naiwan kong trabaho kahapon at inasikaso ang schedule ni Lucifer. Pero nakakaramdam ako nang awa sa kanya…

Erase Shiro! Wag kang maging tanga!

Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi ako gaanong mag isip nang kung ano ano.

Habang nasa ganoon akong posisyon ay bumukas ang pinto at hindi ko na kailangan pang tignan kung sino iyon, dahil wala naman ibang napasok dito maliban sa kanya.

Hindi na rin ako nag greet, para saan pa? Ayaw ko naman talaga dito. Bakit ba kasi ayaw pa akong tanggalin nitong isang to. Pero nakakapagtaka lamang na hindi ko narinig na magsarado ang pinto kaya napatingin na rin ako sa dito. Doon ko laman nalaman na kasama niya rin pala si Micah. Si Micah ay nakatingin sa akin while si Lance ay nakatingin sa basurahan kung saan ko nilagay ang basurang nakalagay sa table ko.
Napabuntong hininga siya samantalang ako naman ay tumayo na sa pwesto ko, kinuha ko ang tablet at lumapit sa kanya.

“You have a meeting with Stronghold enterprises, 9:30 at Markian’s Cuisine and also a board meeting at 1 pm. Yon lang”  Bagot kong saad sa kanya. Tumango lamang siya bilang sagot saka tumungo sa table niya kasunod si Micah na nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti naman ito pero hindi ko pinansin. Sa halip ay tinalkuran ko ito at saka nagtungo sa table ko.

Ayaw ko nang magtagal ang pakikipag usap ko sa kanila. Baka mag iba na naman ang mood niya tapos pagbalingan na naman niya ako nang galit.

'pero hindi ka naman niya sinaktan' sabat nang aking isipan.

Not physically but emotionally.

Mahinang nag uusap si Micah at Lance na kahit nasa isang office lamang kami ay hindi koi to marinig. Pero napapansin ko ang panaka nakang tingin sa akin ni Lance kaya naman nakaramdam ako nang inis. Ako ba pinag uusapan nang mga ito? may pinaplano na naman ba sila?

Imbes na magtiis ako sa bulungan nila ay walang paalam akong tumayo at lumabas nang office. Nakakairita.

Nagtagal ako pantry, nagpatay nang oras hanggang sa dumating ang 9:00.  Bumalik ako sa office, wala na si Micah. Paupo n asana ako nang makakita ko na naman ang isang bouquet nang bulaklak sa table ko, tinignan ko ang basurahan. Nandoon pa iyong tinapon ko kanina. Pumunta ako sa table nya at hinayaan ko na lamang ang bulaklak sa table ko.

“We are now going at the meeting sir and pwede ba, wag kang maglagay nang maglagay nang bulaklak sa table ko. Allergy po ako sa bulaklak kaya please lang, ayokong magkasakit” saad ko sa kanya na ikinabigla naman niya

“W-What? Allergy ka? Kailan pa?” Takang tanong niya na ikinatawa ko. As expected, ano nga bang alam niya sa akin?

“Matagal na sir. Matagal na kong allergy sa bulaklak, hindi mo alam? Oo nga naman, paano mo malalaman kung wala ka namang pakialam?” saad ko sa kanya.

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now