IY 11

655 46 1
                                    

Present

10 days, 10 days na ako dito sa company ni Lance and I’m thankful na kahit papaano ay hindi niya ako ginugulo at masyadong kinakausap if it is not about work. At salamat din dahil dumagsa ang tulong kaya nasimulan na naming ipagamot si Sheena. May pumunta sa amin para tunlungan kaming ipagamot si Sheena. Noong una ay hesistant pa kami pero kalaunan ay pumayag na kami. Nagulat pa nga kami ni nanay na sa Montereal Medical Hospital kami dinala eh ang mahal doon. nasimulan na namin ang chemotheraphy niya. Halos lahat nang hirap namin ay hindi ko na iniisip dahil kahit nakikita ko si Sheena na nasasaktan at nanghihina dahil sa mga gamot at ginagawa sa kanya ay hindi mawala sa labi niya ang mga ngiting nagsasabi na makakapag enjoy na siya dahil malapit na siyang gumaling. She is really a strong girl at proud na proud ako sa katapangan niya.

Paulit ulit niyang sinasabi ang mga bagay na nais niyang gawin. Mga lugar na maaari naming puntahan kapag magaling na siya at ang kagustuhan niyang mag-aral at makapagtapos. Iyon ang nagbibigay sa kanya nang drive upang lumaban at sa amin upang ipaglaban siya.

Today!
We are on our way to go to solar industries. Yes! That company again. Kung saan ako nag apply dati. May meeting kasi kami doon. I mean si Lance.

Tahimik kami sa buong biyahe. Magsasalita lamang ako kapag tinatanong niya ako about his schedule and activities for today, other than that. Wala na.

Mabilis kaming nakarating at bumungad sa akin ang isang malaking building. Kung saan binalak kong pumasok kung hindi ko lamang siya nakita. Kung alam ko lang na magkikita pa rin pala kami, sana pala pinagpatuloy ko na ang pag aapply dito. At least dito, hindi niya ako kapit kapag dito ako nagtrabaho

Ang tanong nga lang ay kung ipapasa niya ako sa interview, siya ang interviewer ko noon eh

Pumasok kami sa loob, nagmamadali kaming naglakad at hindi pinapansin ang mga nakakasalubong namin na yumuyuko kapag dadaan na kami. Nauuna sa akin si Lance at ako naman ay nakasunod lamang sa kanya

“Shiro?” tanong nang isang boses at doon ay nakita ko ang isang pamilyar na boses. Sino nga ulit to?

“Ken?” tanong ko pabalik sa kanya

“Yeah! Akala ko pa naman kinalimutan mo na ako. Ang huling kita ko sa iyo ay nananakbo ka palabas dito. Akala ko nga kung anong nangyari sa iyo noon eh” sabi niya

“Ahh. Wala, wag na lang natin pag usapan yon” maiksing tugon ko sa kanya.

Nawala na sa paningin ko si Lance. Hindi rin siguro napansin na nawala na ako

“Saan ka ngayon? Anong trabaho mo?” tanong niya

“Secretary ako ngayon ng isang…”

“Kanina pa kita hinahanap at mukha akong tangang nagsasalita doon. Kaya pala walang nasagot ay nandito ka, busy sa pakikipag usap kung kani-kanino” Sambit ni Lance kaya sabay kaming napatingin kami ni Ken sa kanya. Biglang kuminang naman ang mata ni Ken samantalang si Lance naman ay poker face lang

“Lance! Nandito ka ulit” masayang sabi ni Ken pero sa halip na pansinin siya ni Lance ay tumingin sa akin ito nang diretso at walang mababasang expression sa kanyang mukha

“Bilisan mo at magsisimula na ang meeting Shiro, kailangan kita doon kaya ayusin mo ang trabaho mo. akala ko ba ay professional ka? Ano ba ang priority natin dito” Inis na saad niya

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo sa amin. Mabilis akong sumunod sa kanya after kong magpaalam kay Ken. Hindi ko na rin napansin ang kanyang mukha na tila ba ay nalilito sa nangyari

---
Nandito ako sa office nang CEO nang solar industries. Dito muna ako pinapunta ni Lance dahil mag uusap muna daw silang magkaibigan. Kaysa makipagtalo ay tumango na lamang ako sa kanya. I make myself busy, naglaro ako sa phone ko habang hinihintay siya, halos nalike ko na rin ang lahat nang picture sa facebook pero wala pa rin siya.

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now