IY 3

630 48 1
                                    

Present

Mabilis akong nakauwi sa bahay naming. Hoping na hindi niya ako nahabol o nakita ditto. Bakit ba inuulan ako ng malas. Nagbitaw ako ng isang malalim na hininga bago pumasok sa aming bahay

“Nak! Ambilis mo naman. Kamusta ang interview mo?” Nagtatakang tanong ni nanay

“W-Wala po nay. Sorry nay. Hindi ako natanggap. May nakuha na daw sila” kinakabahan kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang paglungkot sa mata ni nanay pero agad din itong nawala at ngumiti ng todo

“Sus! Ok lang yan anak. Marami pang opportunity saka hindi mo kawalan yon. Kawalan nila yon dahil hindi ka nila kinuha. Aba! Ikaw kaya ang pinakamagaling na taong nakilala ko sa larangan mo” Sabi niya sabay lapit sakin at niyakap ako ng mahigpit, nakaramdam naman ako nang guilt dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

“Hmm! Eh ako lang naman ang kilala mong nagtapos ng business ads nay eh!” alam kong chinicheer lang akong ni nanay pero hindi ko maiwasang malungkot. Nang dahil lang sa isang hindi inaasahang pagkakataon na muli kaming pinagtagpo ay naudlot agad ang pag-asa naming makaahon sa hirap.

“hahaha. O siya. Sige na kumain ka na” yaya ni nanay sakin

“Ah nay, nasaan si Sheena?”

“Nasa kwarto, natutulog ulit. Sumakit ang ulo niya kanina pero ok na naman siya. Wag mo na muna siyang intindihin. Kumain ka na. tara? Ipaghahanda na kita” alam kong kahit nakangiti si nanay ay nangingibabaw ang takot sa kanyang puso dahil sa nangyari sa aking kapatid. Kahit ako, natatakot ako sa mga maaaring mangyari sa kanya.

“Hindi na nay. Mamaya na ko kakain. Puntahan ko na muna si Sheena” sabi ko sa kanya saka ako pumasok sa kwarto ni Sheena. Nakita ko siya doon na mahimbing na natutulog. Batid sa kanyang musmos na mukha ang hirap sa pakikipaglaban sa kanyang sakit at dahil doon, hindi ko na mapigilan ang pag uuna unahan ng aking luha.

“I’m sorry Sheena! I’m sorry bunso. Wag kang mag-alala. Hahanap ako ulit ng pwedeng pasukang trabaho sa lalong madaling panahon. Konting tiis pa ha. Laban ka pa ha. Wag mo muna kaming iiwan ni nanay. Hindi namin kakayanin” bulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang noo

“Mahal na mahal ka ni kuya”
Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit habang patuloy pa din ang pag agos ng luha hanggang sa unti unti na kong dinalaw ng antok.

----
Naalimpungatan ako ng makarinig ako nang mahihinang hagikhik at pagtusok sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mukha ay nakita ko si Sheena na tatatawa tawa

“Good afternoon kuya! Smile naman jan” saad niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

“Good afternoon din bunso! Kamusta pakiramdam mo?”

“Maayos na naman kuya. Kamusta interview mo kuya? Natanggap ka ba?” excited na tanong niya

“O-Oo naman. Wala ka bang bilib kay kuya mo?” pagsisinungaling ko sa kanya

“TALAGA KUYA! YEHEY!” sabi niya saka siya tumayo at nagtitinalon

“Sheena, wag ka masyadong magalaw. Baka mapaano ka” saway ko sa kanya. Nagmamadali naming pumasok si nanay sa kwarto nang margining ang sigaw ni Sheena

“Bakit ka nasigaw Sheena? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo?” nag aalalang saad ni nanay
Tumakbo si Sheena at yumakap kay nanay

“Nay! Natanggap daw si kuya sa trabaho niya. May trabaho na siya.” Masayang saad ni Sheena kaya napatingin sakin si nanay at sinagutan ko na lamang siya nang tango

“Siyempre! Kanino ba magmamana ang kuya mo? Eh di sakin din!” Oo nga. Sayo ako nagmana nay. Lagging kinikimkim ang sakit at hirap.

“Pero wag ka masyadong magalaw nak. Baka kung anong mangyari sayo.” Nag aalalang saad ni nanay

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now