IY End

718 48 12
                                    

Shiro's PoV

2 years... 2 years na kong walang balita sa kanya

After that one last kiss. Naghiwalay kami

Kinabukasan ay nalaman ko na lamang na umalis ito at hindi alam kung saan pumunta. Iniwan niya ang mga bata kay Mischelle habang ang company niya ay sa mama niya at kay Micah. Hanggang sa nawalan ako ng contact sa kanilang lahat.

I also recovered all my memories and that makes me missed him even more.

I looked at the mirror inside my office.

"I missed you Lance" I said while touching his ring on my chest. Ginawa ko siyang necklace para hindi ko na siya kailang hubarin pa kapag minsan ay nagluluto ako.

I now owned a Filipino restaurant sa tulong ni Lucas, nakapagpundar ako at nakapagpatayo pa ng 2nd branch

Ito ang pangarap namin noon ni nanay. Masaya akong natutupad ito kahit wala na sila sa tabi ko.

"I hope you're proud of me nay at Sheena" bulong ko

Nasa ganoong pagmumuni ako ng bumukas ang pinto ng pasalpak

"MULA SA POOK NG MGA GOODLOOKS PERO NAGLIPANA ANG MGA POKPOKS. MY NAME IS ARNIE MUÑOZ, 16. NANINIWALA SA KASABIHANG 'ANG LALAKING HINDI MARUNONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN, MALAMANG NATULALA SA AKING KAGANDAHAN! AND I TENK U!" Eskandalosa niyang pagpapakilala pagpasok pa lang niya, may pagkaway pa ang gaga.

"Ano ba naman yan Arnie, kay aga aga. Puro kasinungalingan ka na naman. Kaya natulala sayo ang mga kalalakihang sinasabi mo dahil akala nila engkanto ka, hindi ka maganda! At hindi ka 16. Trenta ka na. Malapit ka nang mawala sa kalendaryo" Pambabara ko sa kanya saka nagtungo sa upuan ko dahil mahaba habang chismis na naman to panigurado

"Wow friend ha. Ang agang pambabara niyan ha. Araw araw na lang. Ganyan ba talaga ang nagagawa kapag tigang?" Inis niyang saad
"At kung mawala man ako sa kalendaryo, ayos lang, mayroon pa namang Lotto!" Dugtong nito at saka umupo sa upuan sa harap ko

"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ko

Ngumiti ito ng todo todo saka tumawa ng malakas

"Luh? Baliw na ata to?" Komento ko

"Judgerist ka rin talaga eh no? Well anyway, FRIEND!! may nakita akong pogi sa labas kanina. Nagtake out siya ng food mo. Shet! Makalaglag panty!" Eksaherada niyang saad with matching actions pa. Dito pa Nagdaydream ang gaga.

Never changed

"So ano? Share mo lang? ganoon?" Sagot ko sabay tingin sa mga papeles na nasa harapan ko

"Ay nako friend. Kung nakita mo lang ang nakita ko, baka nahimatay ka rin. Un pa naman ung mga type na type mo. Ung matang nang aakit, ung ngiting makalaglag panga, ung presensiya makaagos ng dagta. Ay shet! Choke me duhdie!"
"Aray ha!" Reklamo niyo ng hampasin ko siya ng mga papeles na nasa harapan ko

"Tantanan mo ko sa mga kalandian mo Arnulfo. Wala akong oras sa mga ganyan. Hindi mo ba nakikita? Marami akong trabaho, saka teka nga pala, sinong bantay doon sa kabilang branch kung nandito ka? Nako Arnulfo ha. Kung papabayaan mo lang iyon ay talagang papaltan kita" reklamo ko sa kanya

"Ikaw ang papaltan kong hayop ka friend. Pink ang huhok ko, naka tube dress ako, naka palda at naka high heels tapos ARNULFO tawag mo sakin? Anong gusto mo? Pitik sa esophagus o kutos sa fallopian tube!" Inis niyang saad

Mapapailing ka na lang talaga sa kalokohan ng isang ito actually silang dalawa ni Lucas. Naging maloko na rin kasi yon kasasama dito sa isang ito. Juice colored. Parang may kasamang bata lagi kapag nandito ang dalawa

Despicable Men - Into YouWhere stories live. Discover now