- D A M I A N -
"Mag-iingat ka." Nakangiti niyang paalala. Sinuklian ko iyon ng mas malawak na ngiti.
"Mag-iingat din kayo ni Alkyne ayokong nagugutom o umiiyak ang anak ko." Tatalikod na sana siya ngunit hinawakan ko siya sa braso. "Alondra," binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Batid kong agad niyang nakuha ang nais kong iparating nang tumango siya.
(Alondra Flammia portrayed by Kathryn Bernardo)
"Oo ako rin munang bahala sa Supremo." Saka ito muling tumalikod at humakbang sa hagdanan paakyat ng private plane.Hindi ko na nagawang hintayin ang pag-alis nito dahil nagmadali na akong tumungo sa aking tunay na destinasyon. Sumakay ako sa itim na sasakyang kanina pa hinihintay ang pagdating ko.
"Buenos dias Señor Damian!" Yumuko pa ito bilang paggalang.
"You can always talk to me casually. Magandang umaga, Paul."
"Long time no see." Ngumiti siya at inalalayan ako sa pagpasok ng sasakyan.
Hindi ko inasahang kabundukan pala ang trip ni Daddy ngayon. Walang katapusang pila ng mga puno ang nasilayan ko mula sa bintana. Pilit kong tinatanaw ang dulo ng daan. Halos dalawang oras din ang biyahe bago ako nakakita ng mangilan-ngilang kabahayan.
Muli kong inilabas ang larawan ng babaeng pakay ko. Isang babaeng blacksmith na may maikling buhok, hindi ganoon katangos ang ilong, bilugan at maitim ang mga mata, at may magandang mga ngiti. Mga ngiting makikita mo ang tunay na ligaya sa kabila ng kahirapan ng estado sa buhay.
Binuksan ni Paul ang pintuan ng sasakyan na siyang hudyat na narating na namin ang paroroonan. Bago pa man ako makababa ay ramdam ko na ang mga matang nakamasid sa akin. Sinulyapan ko ang paligid at napansin ang mga kababaihang natigil sa paglalaba, ang mga batang bakas ang pagkamangha, at ang ilang kalalakihang nahinto sa pagsisibak ng kahoy.
Nginitian ko sila bago ko lingunin si Paul.
"Paul, mauna na kayo. Tatawagan ko na lang kayo kapag---"
BINABASA MO ANG
Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)
Mystery / ThrillerLa Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative One. Siya na ang susunod na magmamana ng posisyong hindi niya naman lubos na hinahangad sa kadahilanan...