/6/ MARKA

132 8 8
                                    

- I D A N G -

"Tutulungan ko na lang si nanay Me-An magluto!" pabibong nagtaas ng kamay si Baste.

"Si Damian ho magaling maluto!" pabida kong sabi.

"Ako na lang. Tutal ako naman taga-hiwa ng sibuyas sa bahay, 'di ba nay?" Tinignan ako nang masama ni Baste. Tumayo siya at tinuro ang sarili.

"Si Damian na! Baka nga itlog hindi ka pa marunong magbasag! Eh itong si Damian maski 'yung itlog niyan nanunuot 'yung lasa!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ano?!" sabay-sabay silang napalingon.

"Ano rin?" tanong ko. Kitang-kita sa mukha nila ang pagkabigla. Nang tignan ko si Damian ay halata ang pamumula ng tenga niya. 

"Doktor ka diba? Don't tell me hindi ka sanay sa usapang itlog?" bulong ko sa kaniya.

"Nahihiya lang ako para sa'yo," seryosong sabi niya. 

"Nay Me-An, ako ang isama mo sa pagluluto. May chemistry na tayo sa kusina, subok na ang mga skills ko sa pagluluto," ayon na naman si Baste.

"Kung skills ang pag-uusapan, 'nak Baste baka malason kami sa iluluto mo," napailing si ate Me-An at natawa naman kaming lahat.

"Makulit ka talaga? Si Damian nga sabi eh!" Hindi ako nagpatalo.

"Ano ba kayong dalawa hindi ba kayo titigil? Ako ang head chef, ako ang magdedesisyon kung sinong kasama ko," saway sa amin ni ate Me-An.

"Head Chef?" Napalingon kami nang magtaas ng boses si kuya Tonio.

"May reklamo ka Tonio?" Pinaningkitan ni Ate Me-An.

"Puro talbos ng kamote nga lang ang niluluto mo araw-araw. Adobong talbos ng kamote, nilagang talbos ng kamote, sinigang na talbos ng kamote..." bulong ni kuya Tonio.

"Bumubulong-bulong ka pa ha? Dahil diyan talbos ng kamote ang ulam mo mamaya! Hindi ka makakakain ng lechon sa birthday ni Amang, itaga mo man sa bato."

"HAHAHAHA!" sabay-sabay kaming natawa sa pagtatalo ng mag-asawa.

Nilingon ko pa si Damian at nakitang nakangiti ito. Mamsh busog na ako kahit wala pang handaan!

"Bakit hindi ang mga tao ang tanungin ninyo?" biglang sumingit si Lucas. "Itaas ang kamay kung sinong pabor na magluto si Damian."

Hindi ko man lingunin, alam kong napayuko si Damian nang ako lang ang magtaas ng kamay. Unti-unti kong ibinaba 'yon at umupo ulit sa tabi niya. Palihim kong kinurot si Andeng at Pia.

"Sino nga naman kasing tanga ang papayag?"

Hindi na ako nakipagtalo pa. Bukod kay Amang, wala nang ibang makakapigil sa bibig nitong si  Lucas. Nakakainis dahil hindi niya pa rin makuha ang nais kong iparating. Gusto ko lang naman maging kumportable si Damian para hindi siya makahalata.

"Bakit hindi kayo bumoto? Edi mas nakahalata ang Señor na may tinatago tayo, diba? Pinagbigyan niyo na lang sana," nakangusong sabi ko kay Pia.

"Isipin mo rin si Lucas, Idang. Kung mas madalas nating makakasama ang Señor, mas mabilis niyang malalaman ang katotohanan." May punto naman siya kaya hindi na ako sumagot.

"Ikaw? Bakit hindi ka nagtaas ng kamay?" tanong ko kay Andeng.

"Magtataas ng kamay? Ha?" nagkamot siya ng ulo.

Nagkatinginan kami ni Pia at sabay na binatukan si Andeng. Hindi na talaga niya kailangan ng salbabida, masiyado na siyang lutang.

"Ha? Hambog ng Sagpro Krew!" natatawang sabi ko.

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon