/3/ TANGGI

283 22 19
                                    

- D A M I A N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- D A M I A N -

Katulad ng sinabi ni Idang ay tatlo kaming magkakatabi nila Tatay Jaime sa pagtulog. Sa totoo lang ay sanay na ako sa ganoong set-up kaya hindi ako nahirapang matulog. Halos wala pang liwanag nang magising ako kaya binuksan kong muli ang lampara na nasa lamesa.

Sinubukan kong maghanap ng mga ingredients para sana magluto ng agahan namin. Hilig ko na kasi ang pagluluto at hindi ako napapakali kapag hindi nakakapaghain ng pagkain sa lamesa. Binuksan ko ang nakatakip sa lamesa at bumungad sa akin ang basket na puno ng iba't-ibang klase ng gulay. Tinanggal ko iyon isa-isa pero hindi ako nakahanap ng talong kaya nagtungo ako sa likod-bahay.

Hindi ako nagkamali nang makitang may mga tanim doon. Nilibot ko ang paligid at unti-unting binalot ng pagtataka dahil bukod sa mga gulay, may mga halamang gamot doon. Si tatay Jaime ba ang gumagamit ng mga iyon? Nakakahanga.

Pumitas ako ng tatlong talong at hinugasan iyon. Nagsimula akong magluto ng ng tortang talong na may halong sibuyas, bawang, kamatis, at spring onions. Sinilip ko pa ang natutulog na si Khalida at napansin kong balot na balot ang katawan dahil sa suot na pangtulog. Bahagya akong nagulat nang gumalaw ito at kinamot ang bandang tiyan magiiwas na sana ako ng tingin nang may napansin akong kakaiba.

May tattoo si Khalida sa tiyan?

Lumabas ako ng bahay nang matapos akong magluto. Unti-unti nang sumisikat ang araw kaya napagdesisyunan kong maglibot.

 Unti-unti nang sumisikat ang araw kaya napagdesisyunan kong maglibot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Magandang umaga ho," bati ko sa isang matandang babae. Inaayos niya ang mga sako'ng sa tingin ko ay naglalaman ng mga uling. Nginitian lang ako nito at nagbalik sa ginagawa. Pansin kong bubuhatin niya nag mga sako kaya lumapit ako at binuhat ang isa.

"Tulungan ko na ho kayo," pagpiprisinta ko.

"'Wag na iho kaya ko naman ang mga iyan," sinubukan niyang kunin ang sako.

"Nako, wala naman hong problema sa akin. Saan ho ba ito ilalagay?" hindi na ako tinignan at itinuro na lamang ang kariton.

Ilang sako rin ang binuhat ko at nang lingunin ko ang matanda ay wala na ito. Pinagpag ko ang mga kamay nang matapos at lumingon-lingon pa sa paligid.

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon