/10/ BALETE

141 4 0
                                    


- K H A L I D A -

"Nakikiramay kami Nida, Sarah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakikiramay kami Nida, Sarah... Kung nasaan man si Fidel ay hindi na siya mahihirapan at masasaktan," salubong ni tatay Jaime sa mag-ina ni Mang Fidel.

Imbis na si tatay ang lapitan ay dumiretso si aling Nida kay Damian. "M-Maraming salamat Señor sa hindi pagsuko para isalba si Fidel. Maraming-maraming salamat." Lumuluha itong hinawakan ang kamay ni Damian at paulit-ulit yumuko bilang pagbibigay ng respeto.

"Nakikiramay ho ako..." ayon lang ang lumabas sa bibig niya. Sa gawi niyang ito ay nasisiguro kong sinusubukan niyang limitahan ang mga salita para hindi maiparamdam sa namatayan ang toxic positivity.

Sino nga naman kami para sabihing magiging maayos din ang lahat?

"Anak, magpasalamat ka sa Señor," utos niya kay Sarah. Nahihiya namang lumapit ang dalaga at saka yumuko nang ilang segundo, na sinundan din ng pagyuko ni Damian.

Nang matapos ang pagrorosaryo ay inalayan ng kanta si Mang Fidel. Kasabay ng malumanay na kumpas ng gitara ay ang pagtangis ng mag-ina. Hindi na rin napigilan ng ilang mahawa sa mabigat na emosyon, lalo na ng iyaking si Andeng at Baste.

"Nag-duet pa," bulong ko.

Ilang oras pang nanatili ang labi ni Mang Fidel sa groto. Bago magdilim ay dinala na siya sa puno sa tuktok ng bundok, sa puno ng Balete.

"Diyan siya ililibing?" nabigla ako nang magtanong si Damian.

"Oo. Diyan inililibing ang lahat ng mga pumanaw nang taga-barrio," paliwanag ko. "Nakikita mo 'yang mga naka-usling bato? Diyan naka-ukit ang mga pangalan... lapida."

"How ironic, Balete is a sign of paying respect to the dead. Where's your receipt then?" sarkastikong tanong nito ngunit nanatili ang kalmadong tono.

"Question is... does he deserve it?" bulong ko. "How ironic, doktor ka, a science expert, pero superstition-based ang description mo sa puno."

Pinanood ko kung paanong tinabunan ng lupa ang mga labi ni Mang Fidel, habang inalala kung anong nakalagay sa larawang pinadala ng Supremo.

"Want a trivia? Balete, also known as strangler figs," sabi ko at nilingon si Damian. "They entrapped other trees, their own kind, and kill them," bulong ko.

Ramdam ko ang pagkabigla ni Damian dahil sa sinabi ko. Saang parte ng sinabi ko ang ikinagulat niya?

Hindi ko lang sinabi kay Damian, pero Mang Fidel was a f*cking pawn of someone from Tetra. And that Tetra-guy? Owns an underground illegal cybersex business.

They deserved codigo rojo. Mga hayop!

Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko. Nangunot ang noo ko at handang salubungin ng matalim na tingin ang nangahas gawin 'yon. Nang mag-angat ako ng tingin ay naglaho ang galit nang makita si Amang.

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon