/8/ TALANYO

113 7 11
                                    

- I D A N G -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- I D A N G -

"But you know Idang..." huminto si Damian sa pintuan at nilingon ako "Wait, let me borrow your line. You're a strong independent woman but sometimes it's okay to rely on someone when you know you need their help."

Napakagaan nang pinakawalan niyang ngiti bago lumabas ng kwarto. Umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.

Okay lang humingi ng tulong sa iba... pero ayokong umasa at dumepende lang sa mga tao sa paligid ko. Hanggat kaya ko ay titiisin ko.

Marahan akong umupo at sumandal sa pader. Nilinis ko ang sugat sa binti at nagbalik sa akin ang ginawa kanina ng Señor. Nakita niya ang mga tattoo ko sa katawan ngunit hindi man lang siya nagtanong. Kahit walang ideya kung saan ko nakuha ang pinsalang natamo, nagawa niya pa ring tulungan ako.

Bihira lang ako makatagpo ng katulad ni Damian. Kaya naman sa kaniya ako eh!

Natigilan ako nang magbukas ang pinto. Pumasok si tatay Jaime at marahang isinarado ang pinto. Huminga siya nang malalim bago tuluyang umupo sa kama.

"Apo... ano na naman bang pinagawa ng Supremo? Bakit umabot sa ganito ang kalagayan mo? Akala ko ba ay si Darna ka? Bakit nabutasan ka ng bala?" pabirong tanong nito ngunit halata ang pag-aalala.

"Sorry 'tay kung pinag-alala ko na naman kayo."

"Tapatin mo nga ako Idang, si Supremo Gustavo ba ang nag-utos sa'yo? Dahil kung siya, alam kong hindi niya hahayaan ang ganiyan. Alagang-alaga ka ng Supremo at tiyak na ikagagalit niya kung may mangyaring masama sa'yo."

"Tatay... sa Sentro po nanggaling ang misyon. Hindi na importante kung si Gustavo man o hindi ang nagpadala sa akin sa bayan."

Sa totoo lang ay nagtataka rin ako kung kanino nanggaling ang misyon na 'yon. Nagulat na lang ako nang may itim na sobre sa loob mismo ng kwartong ito. Hindi ko alam kung paano at kung sino ang nagdala nito dito at kanino nanggaling ang sulat. 

***

FLASHBACK

Muli kong binasa ang address na nakalagay sa itim na sobre... Narito ako ngayon sa isang 5-star resort sa Mactan, Cebu. Sinalubong ako ng isang lalaking naka-formal attire, binasa ko ang nakalagay sa I.D. niya at doon ko nakumpirmang empleyado siya ng resort.

"Good morning Miss Khalida Luna! Welcome to Casa Del Prado," nakangiting bati nito. Shuta VIP ba ako? Ang sinabi lang sa akin ay pumunta ako sa resort na ito. Hindi naman ako sinabihan na ganito pala ang ganap!

"A-Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Ako lang naman siguro Khalida Luna rito ano?

"Yes Ma'am. We are actually waiting for you. I am Jerome, will assist you while you're here.Your breakfast will be served once you enter your suite," sabi nito at sinabay ang pagtapik ng paa. Doon ay nakuha ko ang mensahe niyang siya ang pinadala ng Supremo para alalayan ako sa misyon.

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon