- D A M I A N -
Patapos na ang selebrasyon ngunit narito pa rin kami't kasama ang mga kaibigan ni Idang. Tumayo ako dahil kanina pa ako nangangalay sa kakaupo sa matigas na punong-kahoy. Naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko kaya wala akong choice kundi maupo ulit.
"Shot puno Damian!" sigaw ni Baste at inabot sa akin ang basong may lambanog. Kukunin ko na sana 'yon ngunit inunahan ako ni Idang.
"Hindi na pwede! Naka-limang ikot na 'yan." Hindi siya nag-atubiling lagukin ang laman ng baso.
"Limang ikot pa lang naman eh. 'Wag mong sabihing mabilis kang malasing? Wala pala 'to eh!" natatawang tanong ni Baste.
"Baste..." saway sa kaniya ni Andeng.
"Okay lang Andeng, totoo naman eh," nakangiting sabi ko. "Pero wala namang masama kung mahina akong uminom 'di ba? Ang masama ay 'yung mag-exceed ka sa limit at ikaw pa ang mag-cause ng problema sa mga kaibigan mo."
"P-Problema?" naiinis na sabi ni Baste.
"Exactly," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Lasing ka na, baka sila Andeng pa magbuhat sa'yo sa pauwi?" nakangising tanong ko.
Naging dahilan 'yon para pagtawanan siya ni Pia at Andeng. Lumapit pa ang dalawa at nakipag-highfive sa akin.
"H-Huy Señor... baka ikaw ang lasing na. Pati si Baste pinapatulan mo na," bulong ni Idang.
Well, she's right. I'm a lightweight and she's aware of it. Nakakahangang pati ang bagay na 'yon ay alam niya. Tahimik na lang akong nakinig sa usapan ng magkakaibigan hanggang sa makatulog ang tatlo at kami na lang ni Idang ang natirang nakatayo.
Bukod sa amin ay may isang grupo pang nag-iinuman sa kabilang bonfire. Hindi pa tapos ang kwentuhan at tawanan nila habang itong mga kasama ko ay parang nananaginip at naglalayag na sa kasagsagan ng paghimbing.
"Idang 3am na, hindi ka pa ba uuwi? Walang kasama si Tatay Jaime sa bahay," anyaya ko kay Idang.
"Stop the car!" sumigaw siya at napatingin sa amin ang ibang taga-barrio.
"P-Pasensya na po," tumayo ako at yumuko pa nang paulit-ulit. Napapikit na lang ako dahil sa hiya. Tumawa siya at saka hinampas ako sa braso.
"Stop the car na ba 'yung next na sasabihin? Gano'n sa mga palabas 'di ba? Kapag nag-aaway 'yung mag-jowa tapos bigla silang mababangga ng truck. Mamamatay silang dalawa tapos 'yung happy ending nila sa langit. Doon sila magtatagpo kasi sumumpa sila na mamahalin ang isa't-isa hanggang sa susunod na habang-buhay," dire-diretsong sabi niya habang nakatitig sa apoy. "Pero buti sila na-crushback ano? Namatay pero minahal, eh ako?" Huminga siya nang malalim at saka lumingon sa akin. "Patay na patay sa'yo! Ayon naman oo! HAHAHAHAHA!"
Hindi ko napigilang matawa sa biro niyang iyon. "But you're drunk Khalida, let's go home."
"Ay sus! Lasing lang pero kaya pa. Tignan mo 'yang tatlo, 'yan ang lasing! Bagsak, bangag, tumba, borlogs... lasing!" tinuro niya ang mga kaibigan.
"Ako nang mag-uuwi kay Pia," biglang sumulpot si Lucas at marahang binuhat si Pia.
"Thank you Lucas!" nakangiting sabi ni Idang pero hindi siya nito pinansin.
"Ingat kayo," sabi ko. Nagtama pa ang paningin namin ni Lucas, inaasahan kong magsasalita siya ngunit pinili niya na lang manahimik. Nakahinga ako nang maluwag.
Tinulungan ako ni Idang na ipasan si Baste sa akin. Pilit niya namang ginising si Andeng kaya nakapaglakad pa habang akay ni Idang. Habang pahina nang pahina ang mga tinig ng nagiinuman, mas naririnig ko na ang ingay ng mga kuliglig. Tahimik lang din si Idang at Andeng na sinasabayan ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)
Mystery / ThrillerLa Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative One. Siya na ang susunod na magmamana ng posisyong hindi niya naman lubos na hinahangad sa kadahilanan...