- K H A L I D A -
Parang walang nangyari kagabi. Nang magising ako'y nakahanda na ang almusal, ako na lang ang hinihintay nitong bumangon. Nang lumabas ako sa bakuran ay nagbabaga na ang mga uling, ako na lang ang hinihintay nitong magtrabaho. Nang magtungo sa likod-bahay ay nadiligan na rin ang mga halaman ko, araw na lang ang hinihintay nitong sumibol. Tatlumpung minuto bago mag-alas siete ng umaga, ngunit nagawa na lahat ni Damian ang mga gawaing-bahay.
Bago umalis ng bahay ay sinilip ko pa si Tatay Jaime na natutulog pa. Hindi ko na siya ginising at napagdesisyunang umalis na. Papalabas na sana ako ng bakod nang biglang may magsalita mula sa likuran ko.
"Good morning! Aalis ka na? Kumain ka muna." Naestatwa ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Damian. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya?
"Good morning!" masiglang bati ko. Para bang kusang kumilos ang mga paa ko't nagtungo pabalik sa loob ng bahay. Nilagpasan ko si Damian nang hindi man lang siya dinadapuan ng tingin.
Umupo ako sa harap ng mesa at nagsimulang kumain. Napapikit ako nang maramdam ko ang pagpasok ni Damian sa pinto. Kumuha siya ng sariling pinggan at sinabayan ako sa pagkain.
"Thank you nga pala."
"Sorry nga pala."
Nagkatinginan kami nang sabay magsalita.
"I understand. You need to hide him from everyone and that's an order from my dad. Gusto ko sanang magalit kaso naisip ko, kung buhay si kuya, mas gugustuhin niya ring sumama sa inyo rito. Baka nga isama niya pa si Alondra at Alkyne."
Ngayong naririnig ko ito mula kay Damian, masasabi kong sobrang taas ng kumpiyansa niya sa kung anong nalalaman niya at sa kung ano lang ang gusto niyang paniwalaan-- kahit na hindi naman talaga iyon ang katotohanan.
Devinn was a great jefe. Hindi niya iiwan ang Uno Negatibo para lang sa masked platoon at mas lalong hindi niya bibiguin ito para lang sa sariling kagustuhan. At tiyak na mas ligtas naman sa Sentro kaysa rito sa barrio, hindi rin papayag si Devinn na mapunta rito ang mag-ina niya.
"I really want to make this village more... more advanced." Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Napakalawak ng ngiti niya at para bang tumatagos iyon sa puso ko. Para siyang batang nananabik na magkwento tungkol sa mga nangyari sa eskwelahan... gano'n.
"Unang-una, gusto kong magkaroon ng kuryente rito. Hindi lang ang kwarto mo, okay?" natatawang sabi niya.
"Hoy! Kailangan ko kasi 'yan para sa misyon ko. Hindi ko naman kasalanang hindi sila nagpakabit ng kuryente," sabay irap.
"Gusto ko ring magkaroon kayo ng maayos na supply ng tubig." Tumingin siya sa bintana at tinanaw ang barrio. "Alam kong sapat na sa inyo ang nakukuha sa poso at bukal, pero iba pa rin kung may stable supply kayo, lalo na ng malinis na inumin. Isa sa leading cause of diseases ang pag-inom ng maruming tubig, Idang. Isa pa, napakalayo niyo sa mga ospital kaya mas mainam kung iiwasan niyo ang magkasakit."
BINABASA MO ANG
Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)
Misterio / SuspensoLa Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative One. Siya na ang susunod na magmamana ng posisyong hindi niya naman lubos na hinahangad sa kadahilanan...