/2/ PATAKARAN

396 33 23
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- K H A L I D A -

"Talaga?" sabi niya at ngumiti ng pagkalaki-laki.

Iyon ang mga ngiting matagal ko nang kinababaliwan... Kung noon sa malayo ko lang nasisilayan, ngayon ay nasa harapan ko na at ako pa mismo ang inaalayan.

Itigil mo 'yan Idang sabi mo magm-moveon ka na kay Señor Damian diba?!

Mamshicakes I kennat! Bakit ba naman kasi pinapunta 'to ni Gustavo dito? Nasisira ang pagse-selflove ko!

"Pero hindi pa ngayon, may tinatapos akong trabaho Señor. Mahihintay niyo po ba ako ng dalawang linggo?" unti-unti ay nawala ang mga ngiti ni Señor Damian.

Eh bakit ang guwapo pa rin kahit hindi nakangiti? Parang gusto kong maihi.

Kinakaya ko pang kumalma sa harapan niya. Hindi pa kasi nagsi-sink in sa akin na nandito siya! Nandito siya sa Cebu! Nandito siya sa barrio! Nandito siya sa bakuran namin!

Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya...

Grant Damian Flammia na anak ni Supremo Gustavo Flammia. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya sa harapan ko at hawak pa ang braso ko! Nakilala ko ang pamilya nila simula noong iligtas ako ng Supremo sa kapahamakan. Utang ko ang pangalawang buhay ko sa kanila ng Presidente ng Sentro, kaya naman mula noon ay hindi ko na sila nakalimutan. Maging ang kuya niya... napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya.

Lalo na itong nilalang na nasa harapan ko ngayon. Sino ba namang makakalimot sa kaniya?

Hindi siya ang pinaka-magaling na doktor ngunit kilalang-kilala siya ng mga tao dahil likas sa kaniya ang pagiging matulungin. Madalas siyang nagpapa-medical mission sa mga barangay sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas at mayroon pang sariling klinika kung saan libre ang magpakonsulta. 

Isa lang 'yan sa mga dahilan kung bakit ko siya hinahangaan.

"Okay. Sa tingin ko kaya ko naman ang 2 weeks pero wala akong dalang mga gamit," pag-aalala nito. Akala siguro niya ay mabilis akong papayag kaya wala siyang dalang kahit anong gamit.

"Huwag niyo na pong isipin iyon Señor ako na pong bahala," sabi ko at itinuloy ang pagwawalis.

Nakakahiya kasi kung pabababain ko pa siya ng bundok. Malayo mula rito ang bayan. Bababa ka pa ng bundok at sasakay ng isang jeep na ang biyahe ay treinta minutos.

"Puwede bang habang nandito ako ituring niyo lang akong normal at hindi bilang boss? Huwag mo na rin ako tawaging Señor," utos nito. Anong gusto niyang itawag ko sa kaniya?

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon