- D A M I A N -
Katulad ng mga nakaraang araw ay nag-prepare na ako ng agahan para sa aming tatlo. Pumitas lang ako ng upo at ginisa iyon. Nang matapos ay didiretso sana ako sa banyo pero bigla ay tumakbo papasok doon si Idang.
"Excuse me!" sabi niya pa at hinawi ako sa dadaanan. Napatingin na lang ako sa pintuan ng banyo at napailing.
"Maaga ka talaga nagigising noh?" tanong niya mula sa loob.
"Nasanay na lang," hindi na siya sumagot at lumabas na ng banyo.
"Good morning!" masiglang bati niya habang nakangiti pa.
"Good morning." Nginitian ko siya.
Bago ako lumabas ng banyo ay narinig ko mula sa labas ang pagbukas ng isa pang pintuan. Agad akong lumabas at hindi nga ako nagkamali na pumasok si Idang sa room na sinasabi niyang bawal kong pasukin. Naglakad ako patungo doon at sinubukang humanap ng paraan para makita ang loob noon. Kinuha ko ang niluto kanina at umaktong dadalhin iyon kay tatay Jaime na nasa labas. Saktong pagbukas niya ng pinto ay dumaan ako.
"Saan mo dadalhin 'yan?" tanong niya. Tinuon ko ang paningin sa kwarto bago pa man niya maisara. Wala man lang akong nakitang kahit ano kundi cabinet.
"Kay tatay Jaime sana," palusot ko.
"Ay wow sana all. Tulungan na kita." Kinuha niya 'yong hawak ko at siya ang nagbitbit noon palabas.
Napalingon ako sa pintuan kung saan siya lumabas. Tuloy ay mas naging curious ako sa kung anong mayroon doon. Nagtungo ako sa labas at pinagmasdan si Idang na nagsusuot ng leather na apron.
"Gusto mo?"
"Ha?"
"Ako?" dagdag niya at mas nangunot ang noo ko. "Gusto mo kako tumulong?" Tumango lang ako at hinagis niya sa akin ang isang apron.
"Suot mo 'yan. Sa bulsa niyan may sa kaliwa may gloves," pinasok ko ang kamay ko doon at nakapa ang tela. Sinuot ko 'yon at saka sinundan siya papunta sa likod ng bahay.
Muntik pa akong bumangga sa likod niya nang huminto siya. Humarap siya sa akin at tinignan ako ng seryoso.
"Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong ko. Mas sumeryoso pa ang tingin niya.
Kanina lang ay ang sigla niya tapos ngayon ay ganito na siya umasta. Ang bilis magbago ng mood niya. Naalala ko yung panahong hinawakan ko siya biglang nagbago yung mood niya noon tapos nang bitawan ko siya bigla na lang din bumalik sa magandang mood.
"Idang? Okay ka lang? Tell me what's wrong?" tanong ko ulit. Humakbang siya ng isa papalapit sa akin kaya humakbang din ako paatras. Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa maramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa likod ng bahay. Lumingon ako sa paligid ngunit walang ibang taong nandoon.
BINABASA MO ANG
Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)
غموض / إثارةLa Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative One. Siya na ang susunod na magmamana ng posisyong hindi niya naman lubos na hinahangad sa kadahilanan...