/9/ KODIGO

129 6 6
                                    

- D A M I A N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- D A M I A N -

Isang buong araw na ang lumipas mula noong mag-usap kami ni Idang tungkol sa barrio. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang mga taong narito ay matagal ko na palang nakakasama. Kahit bihira ako sa The Axle, nakakasalamuha ko ang masked platoon dahil pinamumunuan ito noon ni kuya Devinn.

Ngayon ay tinutulungan ko si tatay Jaime sa gawain, habang si Idang naman ay nasa kwarto niya at nagpapahinga pa rin. 

"Pasensya ka na sa nangyari noong isang gabi apo. Sa totoo lang ay hindi sanay ang apo ko nang may lumalapit sa kaniya. Alam mo na, birhen pa ang apo ko," natatawang paliwanag ni Tatay Jaime.

"Naiintindihan ko naman po kayo. Pasensya na rin po dahil privacy din po ni Idang 'yon pero nangialam pa rin ako. Hindi ko lang po kasi matiis na walang gawin sa sitwasyon niya," sagot ko.

"Salamat apo---"

"Idang!" 

Napalingon kami ni tatay Jaime nang may sumigaw mula sa hindi kalayuan. Isang babaeng mga nasa mid-40's ang edad ang nagmamadaling lumapit sa gawi namin.

"Nida? May problema ba?" tanong ni tatay Jaime.

"N-Nandyan po ba si Idang? Tatay kailangan ko po si Idang!" Hindi niya na mapigilan ang pagtataas ng boses. Pansin ko rin ang panginginig ng mga kamay at maluha-luha niyang mga mata. "May nangyari po... si Fidel, ang asawa ko---" napatakip siya sa bibig at tuluyan nang naiyak.

Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siyang umupo. 

"Tatawagin ko si Idang, kumalma ka Nida," sabi ni tatay at pumasok sa kubo.

"Aling Nida, may nangyari ho ba? Masama ho kasi ang pakiramdam ni Idang baka hindi ho siya makalabas---"

"Doktor ka hindi ba?" nanlaki ang mga mata niya habang nakahawak nang mahigpit sa magkabilang balikat ko. 

"Physician ho---"

Hindi pa man ako tapos magsalita ay niyakap niya ang magkabilang braso sa binti ko at lumuhod. "T-Tulungan mo ang asawa ko. Gagawin ko ang lahat, magbabayad ako kahit magkano!"

"Nasaan ho ang asawa niyo---" natigilan ako nang lumabas si Idang sa kubo.

"Oh Aling Nida? Ang aga-aga stressed ka na agad! Nakaka-wrinkles 'yan," nagkusot pa siya ng mata at nag-unat. Naglakad siya palapit sa amin habang nagkakamot pa ng ulo.

"Idang si F-Fidel! Nagsusuka si Fidel simula pa kahapon at ngayon ay dugo na ang sinusuka niya! Idang..."

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tumakbo na sa tinuro nitong bahay. Ramdam ko ang pagsunod nila sa akin hanggang sa kusa akong mapahinto nang makita ang isang lalaking nakabulagta sa sahig ng kubo. Nakadilat ang mga mata nito ngunit hindi na gumagalaw sa pwesto. Napaka-putla ng balat nito kaya mas lumutang ang dugong nanggagaling sa bibig. Pinagmasdan ko ang tiyan at dibdib nito ngunit pansin kong hindi na ito humihinga.

Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon