- K H A L I D A -
Inilublob ko sa tubig ang nagbabagang metal at saka inahon iyon muli. Matapos naming mag-usap ni Amang ay hindi na naalis sa isip ko ang mga sinabi niya kaya heto ako ngayon. Ilang oras na ang ginugol ko sa pagpapanday upang makaramdam ako ng pagod pero parang hindi ako dinadalaw ng antok. Tanging pagpupukpok ng maso at metal kasabay ng mga nag-iingay na kuliglig lang ang naririnig ko buong gabi.
Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya?
Malalaman at malalaman ni Damian kung sino ang mga tao sa barrio lalo na't dalawang linggo siyang mananatili dito. Hindi imposibleng hindi niya mapansin na kilala siya rito.
"Hindi mo man lang ginalaw ang pagkain mo kagabi," natigil ako sa ginagawa nang marinig si Damian.
"Gising ka na pala," ibinaba ko ang maso at gamit ang tong ay kinuha ang isa pang metal na nasa ilalim ng mga nagbabagang uling.
"Hindi rin ako nakatulog," lumapit siya at umupo sa upuang katapat ko.
"Pasensya na po, masyado yata akong maingay," nagsimula na naman ako sa pagpupukpok.
"May problema ka ba?" tanong niya na nagpahinto sa akin.
"P-po?" nagtatakang nilingon ko siya.
"Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko," hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay pinagmamasdan ang pulang liwanag na nanggagaling sa metal. "Bawat pukpok mo gamit ang maso nararamdaman ko yung bigat. Hindi ako nakatulog kasi pakiramdam ko, yung tunog ng nagkakalansingang metal ay nagmistulang hikbi mo," sa pagkakataong iyon ay tinignan niya ako sa mata na para bang nangungusaap.
"Ang lawak po pala ng imagination niyo," nasabi ko na lang dahil ayoko namang ipahalata sa kaniya na may iniisip ako.
"Alas dos palang ng madaling araw, may oras pa para makatulog ka," tumayo siya at pumasok muli sa bahay.
Pinakawalan ko ang mabigat na hiningang kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa dibdib at pilit na pinigilan pumatak ang namumuong luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Poison Heals: The Double-Edged Spade (LUNS #2)
Детектив / ТриллерLa Uno Negatibo Series #2 Si Grant Damian Flammia ay isang doktor at siya na lamang ang natitirang buhay na anak ng isa sa mga Supremo ng Negative One. Siya na ang susunod na magmamana ng posisyong hindi niya naman lubos na hinahangad sa kadahilanan...