CHAPTER 5

601 31 0
                                    


FIRST TIME kong makapasok sa ganito karangyang condominium. Cream, gray at black ang kulay ng paligid ng condo unit niya, ganoon din ang kagamitan. Sobrang laki. Kanina ko pa nga pinagmamasdan simula ng dumating kami. Pinaupo niya muna ako sa sofa kasi may tumawag sa cellphone niya.

"Hello Ms. Guerrero...Just cancel my meeting. I have an important things to do right now. Okay I will call you later, " seryoso niyang wika sa kausap niya, habang nakatanaw siya sa glass wall ng salas ng condo niya. Nahiya tuloy ako, baka kasi may trabaho siya tapos ako pa ang inuuna niya.

Tumingin ako sa kinatatayuan niya. Feeling ko ang ganda ng view rito kapag gabi. Sobrang taas kasi ng floor na ito,15th floor yata ito ng pindutin niya ang button ng elevator.

Napukaw ang pag-iisip ko ng tumikhim siya. "Stay here I will get the medicine kit," aniya at agad niya akong tinalikuran.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan, kanina pa ito eh, sa kotse niya. Sobrang lamig kasi ng air-conditioning ng kotse niya, kaya naiihi tuloy ako.

Mabuti na lang at bumalik siya kaagad dala ang isang box. Medicine kit na yata iyon.

"D-drew," nahihiya kong tawag ng umupo na siya sa harap ko. "What?"

"Saan ang CR mo? Makikigamit lang sana ako," kagat labi kong sabi.

"There." Itinuro niya ang isang pinto malapit sa kitchen niya. "Salamat," ani ko at tumayo na at tumungo roon.

Pagbukas ko, ang laki ng loob, parang kahati na no'n ng bahay namin. Banyo pa lang iyon ha. Iba talaga kapag mayaman.

Agad akong naupo at naginhawaan. Naghanap sana ako ng tabo kaso wala. Inilibot ko ang paningin ko. Ah siguro flash lang meron. Pinindot ko iyon at gumana nga.

Inilibot ko pa ang tingin ko at naglakad ng kaunti. Na-curious ako ng may makita akong salamin na transparent. Pumasok ako ro'n, kaya ng may makita akong parang fuse agad ko 'yong ginalaw at bumukas ang shower at nabasa ako!

"Drew!" malakas kong tili dahil sa gulat.

"What happened?" boses niya sa labas ng banyo at bumukas iyon. Hindi ko pala na lock.

"Sh*t!" mura niya at agad lumapit sa akin at sinara ang shower.

"What did you do? Maliligo ka ba?" malakas niyang turan sa 'kin.

Napayuko na lang ako sa hiya. "Sorry akala ko kasi kung ano iyon," malungkot kong saad. Umiling-iling lang siya.

"Paano 'yan, basa na ang damit ko?" muli kong saad sa malungkot na tinig.

"Wait here, I will get you a towel and shirt," aniya at umalis na.

Maya-maya lang pumasok ulit siya at inabutan niya ako ng towel, gray V-neck shirt at boxer short.

"'Yan muna ang suotin mo. Ipapa-laundry na lang natin ang damit mo." Tumango na lang ako at umalis na siya.

Agad kong ni-lock ang pinto ng banyo at naligo ng mabilis, nakialam na ako sa mga gamit niya roon. Ginamit ko ang shower gel niya at shampoo. Ang bango ng mga iyon.

DREW

I was standing infront of the glass wall after I've called my driver to buy a dress for Isay.

I felt the presence at my back so I turn around then I saw Isay wearing my shirt and I think my boxer was inside of it. Masyadong malaki kasi ang t-shirt ko sa kanya, dahil umabot lang iyon sa gitnang legs niya.

I looked at her intently. Nakapulupot ang towel sa buhok niya kaya kitang-kita ko kung gaano kakinis ang mukha niyang hindi nalalagyan ng kahit na anong beauty products, it's a raw beauty .

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon