CHAPTER 20

457 21 5
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw, naging abala si Drew sa kompanya dahil marami ang mga bookings sa mga hotel chains nila dahil sa holiday season. Hindi ko nga namalayan mag ki-Christmas na pala. Namimiss ko na si Lolo at si Ramona. Ito ang unang pasko na hindi ko makakasama ang una. Nakakalungkot. Kailan ko kaya siya makikita?

Sa Mansyon nila Drew kami nag-celebrate ng Pasko ganoon din ng New Year. Napaka rangya ng bahay na mayroon sila. Pinaghalong Victorian at Spanish style ang bahay nila. Marami din silang katulong.

Wala akong nakitang magulang nila doon. Nang tinanong ko si Drew tungkol doon. Ang sabi niya nasa America daw ang mga ito at may pinapatakbo ring kompanya ro'n. Pero uuwi rin daw ang mga ito, baka sa mga susunod na buwan.

Naging masaya ang selebrasyong naganap sa bahay nila Drew, pinakita niya sa akin ang pictures ng mga magulang niya. American ang daddy niya at Pure filipina ang mommy nila. Dalawa lang silang magkapatid ni Danica. Nalaman ko din ang mga bagay bagay tungkol sa kanya kahit ang birthday niya ay tinandaan ko talaga dahil malapit na iyon.

Naikwento rin sa akin ni Danica na nag-trending daw ang pictures naming dalawa noong pumunta kami sa Salon niya, dahil ipinost niya iyon sa social media. Maraming nagtatanong kung anong pangalan ko at inaalok ako na maging model ng isang clothing brand kaso si Drew ang tumanggi. Ayaw niya daw ma-exposed ako sa maraming tao. Sabagay ganoon din naman ako dahil mahiyain ako saka hindi ako marunong sa bagay na iyon. Pero binigay pa rin sa akin ni Danica ang number ng gustong kumuha sa akin kung sakali daw magbago ang isip ko. Kinuha ko na lang, dahil nakakahiya naman.

***

ARAW ng birthday ni Drew. Kagabi ko pa naisip ang plano kong surprise para sa birthday niya. Maaga akong nagising. Pagkatapos ng morning routines ko sa sarili ko, agad akong pumunta ng kusina para magluto ng breakfast. Mga usual lang na pagkain ang hinain ko, sinangag, spam, itlog at hotdog. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape niya.

Saktong seven siya lumabas ng kwarto. Nakaligo at nakabihis na siya ng gray three pieces suit niya. Nakasuklay ng maayos ang buhok niya at nadedepina niyon ang gwapo niyang mukha.

"Goodmorning!" medyo paos niyang bati na kay sarap sa pandinig ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi na ikinagulat ko. Naipikit ko ang mata ko sandali dahil nasamyo ko ang napakabango niyang hininga.

"Morning," tipid kong sagot nang makahuma ako sa halik niya. Tinalikuran ko na siya para kumuha ng plato. Sa tapat niya ako naupo at sabay na kaming kumain. Hindi ko siya iniimik dahil kasama iyon sa plano ko. Nakayuko lang ako sa pagkain ko. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin, pero binabalewala ko lang. Napaangat ako ng tingin ng magsalita siya.

Inalis niya muna ang bara sa lalamunan niya bago siya nagsalita.

"Hmmm.. I-Isay did you forget something?" tanong niya sa mababang tono.

Kinunutan ko siya ng noo. "Huh? Anong nakalimutan?" kunwari blangko kong tugon pero sa isip ko natatawa ako sa ginagawa ko kay Drew. Nakita ko ang lungkot sa mata niya sa sinabi ko.

"Ah nothing..." malungkot niyang sagot at inubos na ang kape at tumayo. Nasaktan yata siya ng hindi ko siya binati.

Pinagmasdan ko lang ang ginawa niya. Inilagay na niya sa sink ang pinagkainan niya at naghugas ng kamay.

"Aalis na ako," paalam niya ng hindi tumingin sa akin at lumabas na ng dining.

Nasaktan din ako sa pambabalewala niyang iyon sa akin, siguro kasi ganoon din ang naramdaman niya. Pinagsigla ko na lang ang sarili ko para sa gagawin ko mamaya. Babawi ako sa kanya.

***

Kinahapunan, napagdesisyunan ko nang pumunta ng Mall para sa bibilhin kong handa para sa birthday ni Drew.

Sumakay lang ako ng taxi dahil ayokong ipaalam sa driver ni Drew na may bibilhin ako. Baka magsumbong pa iyon kay Drew.

Narating ko ang Mall at naghanap ng kakailanganin ko. Naghanap ako ng silver at black na balloons, banner at letter balloons.

Bumili din ako ng cake, black forest ang pinili ko. Pati na rin ang mga lulutuin kong paborito niya, bumili na rin ako. Pagkatapos kong mabili ang lahat ng kakailanganin ko. Naupo muna ako saglit sa isang bench dahil sa pagod ko sa kakaikot ng may tumawag sa akin.

"Pareng Isay, is that you?" manghang tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tinignan ko kung sino si Dan pala. Tumayo ako at nakangiting sinalubong siya.

Lumapit siya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na ikina-ilang ko.

"Wow is that really you? Ang ganda muna ah!" malakas niyang sabi kaya napatingin tuloy sa amin ang mga dumaraan.

"'Wag mo nga akong bolahin pare, ako lang 'to! " natatawa kong sabi.

"You know, hinanap kita sainyo pero walang tao doon, saan kana ngayon at bigla ka na lang nawala?" tanong niya ng makaupo na kaming dalawa.

"Ah d-doon ako sa condo ni Drew nakatira. Sa kanya ako nagtatrabaho," wika ko. Napatango-tango lang siya.

Nagkwentuhan pa kami ng kaunti. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari noong dumating ang totoong anak ni Lolo at ang totoong pagkatao ko. Pagkatapos no'n, nag insist na siyang ihatid ako dahil marami akong dalang pinamili.

Tawang-tawa ako sa mga kwento ni Dan sa akin ng makarating kami sa elevator ng condo. Namiss ko siyang maka-kwentuhan. Hinatid niya ako hanggang sa unit ni Drew.

"So hanggang dito na lang ako Isay. Pupunta pa kasi ako sa office," paalam ni Dan.

"Ah ganoon ba, sige Dan mag-iingat ka at salamat sa paghatid ah."

"No problem, basta ikaw.. Ahm by the way can I ask you for a date, some other time?" nahihiya pa niyang sabi at nangamot pa ng ulo.

Naalangan ako sa tanong niyang iyon. Pero tumango na lang ako. Simula kasi ng makasama ko si Drew. Nawala na ang paghanga na mayroon ako para kay Dan noon. Ngayon ko iyon na-realized ng makasama ko siya.

Ngumiti siya at nagpaalam.

Pagpasok ko sa loob ng condo agad kong inayos ang dapat ayusin. Sa glass wall ng sala ko nilagay ang banner at saka mga balloons. Nang makuntento ako sa ayos niyon. Naisipan kong tawagan si Drew. Dalawang ring saja siya sumagot. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.

"Hello! Drew anong oras ka uuwi mamaya?" masigla kong tanong.

"Seven I guess...Why?" malamig niyang sabi.

"Ah ganoon ba.. Wala naman. Sige, hihintayin kita, " masaya kong sabi. Wala na siyang sinabi at pinatay na ang tawag. Baka badtrip pa iyon sa akin. Pero babawi ako.

Tumingin ako sa orasan. Quarter to six na kaya napagpasyahan ko ng magluto, pagkatapos no'n nag set ako ng table at nilagayan ng table cloth. Nilagay ko na lahat ng niluto ko pati ang cake sa table at nag-ayos na ako ng sarili. Na-haggard yata ako sa pag-prepare.

Nagsuot lang ako ng simpleng bestida at step in. Naglagay ng kunting liptint at press powder sa mukha. At nagspray ng kunting pabango. Sakto alas siete na!

Naupo lang ako sa sofa habang hinihintay siya. Pero lumipas ang isang oras, walang Drew na dumating. Nag-antay pa ako, pero wala pa rin siya. Nagugutom na ako, dahil hindi na ako nagmeryienda kanina. May trabaho pa kaya siya ngayon? Pero anong oras na. Alas-nueve na. Napagdesisyunan ko ng kumain ng kaunti, gusto ko din kasi siyang makasabay kumain mamaya.

Sumapit ang alas-onse ng hating gabi. Pero ni anino ni Drew ay walang dumating. Naiyak na lang ako sa frustration na nararamdaman ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang lungkot mag-isa. Sumasakit ang dibdib ko. Binuhos ko na lang ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Humiga ako sa sofa na yakap ang sarili at nakatulog sa pagod.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon