CHAPTER 11

491 25 0
                                    

ISABEAU

Bumiyahe ka agad kami pabalik ng maynila kinaumagahan sakay ng chopper na pag-aari siguro ni Drew, dahil may emergency meeting daw sa kompanya nila.

Humingi siya ng paumanhin dahil hindi umabot ng one week ang bakasyon naming iyon, pero wala naman iyon sa amin nila lolo at nagpapasalamat pa kami na kahit papaano ay nakapasyal at nakarating kami ng baguio dahil sa kanya. Kaya nagpapasalamat ako dahil napasaya ko si Lolo.

Sa rooftop ng hotel na iyon kami sumakay ng chopper, parang ayoko sana, kasi natatakot ako sa heights. Marami pa naman akong nababalitaang nagka-crush na eroplano o di kaya ay helicopter.

Naiisip ko nga na kung mag-crush man ito, 'wag naman sana. At least kasama ko ang taong gusto ko at si Lolo. Damay na rin si Ramona. Natatawa ako sa naiisip ko.

Nakikita siguro ni Drew na hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Relax Isay, we're safe here."

"N-natatakot kasi ako Drew, p-paano kong mag-crush ito, anong gagawin natin?" natatakot kong sabi.

"Napaka-morbid mong magisip Isay. That will not going to happened and I'm sure of it, hmm. Just trust me," ani Drew at nginitian ako. Tumango lang ako sa kanya.

Medyo kumalma naman ako ng kunti dahil sa sinabi niya at sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nakaramdam ako ng kaligtasan dahil sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas narating na namin ang maynila. Sa helipad ng kompaniya nila kami bumaba at sumakay ng elevator.

"Isay, I can't come with you . The company needs me now, I'm sorry. Ihahatid kayo ng driver ko pauwi," paumanhin ni Drew. Habang nasa labas pa ako ng elevator. Nakasakay naman si Lolo at Ramona.

"Ano ka ba, okay lang noh, malaking abala nga sa 'yo ang pagsama mo sa amin sa baguio eh," nakangiti kong wika.

"Hindi kayo abala sa akin Isay," seryoso niyang sabi. Hala na offend ko yata siya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Drew---" pinutol niya ang sasabihin ko at pinapapasok na niya ako sa elevator.

"Shss, I know. Go ahead! Mauna na kayo. I have something to do." Tumango na lang ako sa kanya.

"Bye Lo and Ramona! Bye Isay, see you." Nakangiti niyang paalam at ginulo ang buhok ko. Nginitian ko siya nang makapasok na ako ng elevator at kumaway habang sumasara iyon.

"Babay fafa Drew! Sa uulitin!" sigaw ni Ramona kaya nasiko ko ang bruha. Nakakahiya! Nakita ko ang tawa ni Drew sa sinabi ni Ramona at sumarado na ang elevator.

Pagkarating namin ng bahay, bukas ang gate pati ang pinto. May tao ba sa loob? Nagkatinginan kami ni Ramona habang inaalalayan namin si Lolo papasok.

Bumugad sa amin ang hindi pamilyar na tao sa sala, nakaupo ang lalaki at babae roon.

Biglang tumayo ang babae at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin at kay Lolo.

"Mabuti naman at nakauwi na kayo Itay, dalawang araw na kaming naghihintay sa 'yo rito at nabalitaan ko rin ang nangyari sa inyo," ani ng babae.

Natigilan ako sa sinabi niyang 'Itay'. Ang akala ko, wala ng anak si Lolo? Sabi niya ang mama ko lang ang anak niya pero patay na. Naguguluhan akong tumingin kay lolo pero umilap ang mata niya sa akin.

Nagsinungaling ba siya sa akin? Bakit?

"A-anong ginagawa mo rito Laiza?" malamig na tanong ni Lolo.

"Bakit ganyan ka magtanong itay? Hanggang ngayon ba , hindi mo pa rin ako tinuturing na anak? Bakit mas mahal mo pa ba ang ampon mo na ito na hindi ko alam kong saang lupalop ng mundo mo nakuha?!" galit na sabi ng babae habang dinuduro ako. May hinanakit sa boses niya habang sinasabi niya iyon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ampon ako? Paulit-ulit iyong umiikot sa sistema ko.

Hindi ko maintindihan ang pag-uusap nilang iyon.

"LAIZA!" Parang kidlat ang galit na boses ni Lolo sa babae.

"Bakit 'tay? Totoo naman ah! Na ampon mo siya!"

"Hindi mo ba alam na ampon ka?" baling niya sa akin. Umiling-iling ako at naupo dahil para akong mauupos na kandila sa kawalan ng lakas ng tuhod ko.

Lumapit sa akin si Ramona at hinagod ang likod ko.

Tinignan ko si Lolo at tumingin sa akin na malungkot ang mukha. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Totoo nga, hindi man lang makapagsalita si Lolo. Agad akong tumayo at pumasok ng kwarto.

Doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Iniyak ko ang pagsisinungaling sa akin ni Lolo.

Bakit niya nagawa sa akin ito? Matagal akong nagtiis ng walang magulang. Naiinggit ako sa mga kaklase kong kasama ang magulang nila kapag family day sa eskwela, samantalang ako walang kasama. Hindi ko rin naman sinasabi kay Lolo dahil busy rin siya sa pagtatrabaho. Andoon ako sa isang tabi malungkot na nakatanaw sa nagsasayahang pamilya. Wala rin akong maipasang family tree dahil kami lang ni lolo ang magkasama. Ang sakit sakit lang. Bumalik ang lahat ng sakit na naranasan ko noong maliit pa ako. Hindi iyon alam ni Lolo dahil hindi ko nasasabi sa kanya.

Lumaki akong walang nakagisnang nanay at tatay. Tanging si Lolo lang ang nakasama ko. Pinaniwala niya ako na patay na ang mama ko at nabuntis lang ng tatay ko pero hindi niya alam kung nasaan. Iyon ang ipinaniwala niya sa akin.

"Apo," mahinang tawag sa akin ni Lolo. Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya.

"Sana pakinggan mo ang paliwanag ko apo," pagsusumamo niya.

Pero wala akong balak na makinig sa kanya. Masyadong masakit ang nararamdaman ko ngayon para makinig sa mga paliwanag na hindi man lang niya sinabi sa akin noon pa.

Dumapa ako ng higa at hindi ko pinansin ang sinasabi ni Lolo.

Narinig ko pa ang sabi ng Anak niya.

"Isasama na kita itay sa Bikol. Iwan mo na iyang ampon mo! Sana ako naman ngayon, gusto kitang makasama! Sa dalawangpu't limang taon, sa kanya lang umikot ang mundo mo na parang wala kang anak na tulad ko... Kaya na niya ang buhay niya dahil malaki na siya," galit pero nagsususmamong sabi ni Laiza Kay Lolo.

Hindi umimik si Lolo pero nararamdaman kong umalis na siya sa tabi ko. Napahaguhol ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon