CHAPTER 33

417 20 2
                                    

BUMALIK ako sa bahay namin ni Lolo. Namamanhid ang katawan ko sa kaiiyak simula ng dumating ako. Hindi ako iyaking tao, pero ngayon hindi ko mapigilan. Sobrang sakit ng nalaman ko.

Pinagkatiwalaan ko siya. Binigay ko na ang lahat. Pero hindi pa rin niya sa akin nasabi ang totoo.

Tumigil ako sa pag-iyak. Napagdesisyunan kong pumasok sa kwarto ni Lolo. Naghanap ng mga bagay na pwedi kong malaman tungkol sa pagkatao ko.

Wala akong nakita kundi picture ko noong sanggol ako na nakaipit sa mga papel sa loob ng wallet ni Lolo. Medyo malabo na ng kunti dahil sa tinagal ng panahon. Tinitigan ko iyon at wala sa sariling tinignan ang likod niyon. May nakasulat na 'Baby Isabeau D'. Kumalabog ang dibdib ko. Iyong nakita kong pangalan kaya ang tunay ko talagang mga magulang? Kailangan ko ng mahanap sila.

"Bebe girl!" malakas na tawag sa akin. Si Ramona iyon. Lumingon ako sa kanya. Tinitigan niya ako habang papalapit sa akin.

"What happened to you bebe girl?" nag-aalala niyang tanong at niyakap ako. Tinawagan ko siya kanina habang bumabyahe ako pauwi ng bahay.

"Ramona, dapat mahanap ko na ang magulang ko, " ani ko sa kanya at tinitigan ko sa mata.

"Sige bebe girl, pero bakit mo iniwan ang asawa mo?" bumitaw ako sa yakap niya at naupo sa katre. Bumuntong-hinga ako bago nagsalita.

"Niloko ako ni Drew. Matagal na. Planado na niyang lahat ng mga nangyare, ang pagdating dito ni Laiza at ang pagsama nito kay Lolo, " kwento ko.

"W-wait paanong nangyari iyon?" naguguluhan niyang tanong.

"Matagal na niyang alam ang buong pagkatao ko, pina-imbestigahan niya,pero hindi man lang niya sinabi sa akin." Walang emosyon kong sabi.

"Hindi mo ba pinakinggan ang paliwanag niya?" umiling ako.

"Masyadong mababaw ang rason niya. Nagawa niya daw iyon dahil gusto niya akong makasama." Ngumiti ako ng mapait.

"Gano'n talaga bebe girl kapag mahal ka ng isang tao gagawin niya ang lahat mapasa kanya ka lang. Kaya dapat mag-usap kayo. 'Wag kang basta-basta magdedesisyon ng hindi pinag-iisipan. Magsisimula pa lang kayo, suko ka agad?" huminga siya at nagpatuloy.

"Ano na? Para kang lukaret diyan na babae ka!" singhal niya sa akin.

"Ayoko na," sagot ko. Pero sa loob loob ko. Tama si Ramona, pero mahirap tanggapin na pinagdamutan niya ako ng kaalaman tungkol sa magulang ko.

"Ewan ko sa 'yo! Basta sinasabi ko sa' yo. Bumalik ka sa asawa mo!" naiirita niyang sabi at inirapan ako.

"Ayoko! Hindi ko pa kaya. Kailangan ko ngayon ay ang mahanap ang magulang ko." Tumango na lang siya sa akin at lumabas na ng kwartong iyon.

***

KINAGABIHAN pagkatapos kong kumain, may narinig akong katok mula sa pinto. Baka si Ramona na iyon, dahil umalis siya kanina dahil siya daw ang nagsasara ng pinagtatrabahuan niyang parlor.

Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan iyon. Nagulat pa ako nang si Drew ang bumungad sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang mga mata na parang nagmamakaawa sa akin. Ang buhok niyang parang sinabunutan ng ilang kamay. At ang mukha niyang parang pasan ang mundo. Nakasuot siya ng puting t-shirts at pantalon. Na-guilty ako sa intsura niya ngayon. Pero nang maalala ko kung bakit nandito siya ngayon. Agad akong naalarma. Akmang sasarahan ko na sana ang pinto nang maagapan iyon ng braso niya.

"Ano ba Drew! Umalis ka na!" inis kong taboy sa kanya at pilit nilalabanan isara ang pinto. Pero masyado siyang malakas.
"Ayoko!" seryoso at madiin niyang sabi.

"Ano pang kailangan mo?" matapang kong tanong at pilit kong tinititigan siya diretso sa mata kahit pa parang nabibiyak ng tingin niya ang pader ng galit ko sa kanya.

"You!" diretsahan niyang sabi at walang anu-anong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ibinaon niya ang kamay sa buhok ko at hinahalikan ang tuktok niyon.

"Hon', please come home with me. I don't think I could sleep without you in my bed. I need you, please I'm sorry, " bulong niya sa akin na may pagmamakaawa. Nakiliti ako sa bulong niyang iyon dahil sa mainit niyang hininga sa tenga ko. Naaamoy ko ang hininga niyang may alak.

Natigilan ako. Kahit galit ako, kahit masakit ang ginawa niya. Napakasarap pa rin kapag kayakap ko siya. Siguro ganito talaga kapag mahal mo nga ang isang tao. Isang suyo lang sa 'yo. Okay ka na. Marupok kumbaga.

Itinulak ko siya ng kunti para matitigan ko siya sa mukha. Pero iba ang akala niya.

"NO!"protesta niya. Kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin na hindi na ako makahinga.

"D-drew,ano ba! H-hindi ako makahinga!" angil ko sa kanya. Agad namn niya akong binitawan, pero hindi lumayo at ngumingiti ng alangan.

Humugot ako ng hininga. Nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit?" inis kong tanong at inirapan siya. Lumawak ang pagkakangiti niya. "Nothing, I just miss you honey." At kinabig ulit ako papalapit sa kanya. Sinapo niya ang pisngi ko at lumapat ang labi niya sa labi ko.

Banayad ang halik niya at natangay ang katinuan ko ng lumalim pa iyon. Bumigat ang paghinga ko ng hinawakan niya ang isang dibdib ko. Naglakbay pa ang halik niya sa leeg ko. Napatingala ako at naging parang gelatin ang tuhod ko pero agad nasapo ni Drew ang pang-upo ko at ipinulupot ang binti ko sa bewang niya ng hindi pinuputol ang halik. Agad naman naipulupot ko ang braso sa batok niya bilang supporta. Naglakad siya at isinara ang pinto gamit ang paa.

"Where is your room here?" tanong niya ng bitawan ang labi ko. Itunuro ko gamit ang diliri at agad kaming pumasok doon.

Ihiniga niya ako sa maliit kong katre na may mainipis na foam. Pumaibabaw siya sa akin at agad hinalikan ako sa labi. Napatigil at nagkatinginan kami ni Drew ng marinig namin ang langitngit ng katre. Patay! Masisira sa bigat naming dalawa. Tumawa kami pareho at bumangon siya at inalalayan ako patayo.

"Let's go home baby, let's continue our love making there, at baka masira pa natin ang bed mo rito," nakangisi niyang sabi at kinindatan ako. Uminit ang pisngi ko.

Pinaraanan ng daliri niya ang maga kong mata. At bumulong, "I'm sorry if I made you cry baby." Idinikit ko lang ang noo ko sa kanya at ipinikit ang mata.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon