CHAPTER 22

453 22 2
                                    

BUMAWI nga si Drew kinabukasan. Dahil linggo, wala siyang pasok sa trabaho. Nagising na lang akong naka-set na ang table na ginawa ko kagabi. Ininit niya lahat ng niluto ko at sabay kaming nag-candle blowing. Ginawa niya kung ano yung na-miss niyang surprise ko kagabi. Sobrang saya ko!

Habang kumakain kaming dalawa. Naalala ko wala pala akong gift sa kanya.

"Drew, sorry wala akong gift sa 'yo," nahihiya kong saad. "Wala kasi akong maisip na ibigay sa' yo eh, naisip ko kasi, na sa 'yo na rin naman lahat at makukuha mo lahat ng gustuhin mo sa mundo.'Di ba?" kamot ulo kong dugtong .Umiling-iling siya.

"Your wrong baby. Wala pa sa akin ang lahat because you're not really mine," seryoso niyang sabi at titig na titig sa akin.

Mabibilaukan pa sana ako sa banat niyang iyon. Para na naman tuloy akong aatakihin sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto na yatang lumabas dahil sa sinabing iyon ni Drew.

Nanuyo rin yata pati ang lalamunan ko. Nagbibiro ba siya? Pero seryoso talaga siyang nakatitig sa akin.

"Can you be mine Isay?" seryoso niyang tanong at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya sa pagdikit niyon sa kamay ko.

Ito na ba iyong tinatawag nilang panliligaw?

"Hindi tayo pwedi Drew," naibulong ko pero narinig niya pa rin.

"Why? Hindi mo ba ako gusto?" kunot-noo niyang tanong.

"Hindi sa ganoon Drew, pero ang layo ng agwat natin sa isa't-isa. Ano na lang ang sasabihin---"

"Stop that none sense baby. I really like you and I never felt this way before to someone else," aniya at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

Tinitigan ko siya. Tama ba na maging kami? Hindi kami bagay, isa lang naman akong tibo, samantalang siya isang maimpluwensyang tao at napakagwapong nilalalang, kaya hindi kami bagay sa isat-isa. Mayaman siya ako dukha. Ang labo, malabo pa sa sabaw ng dinuguan. Pero aminin ko man o hindi. Mahal ko na si Drew. Mahal ko na siya! Iyon ang sinisigaw ng puso ko.

Tumango ako sa kanya. At nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"Really? You are mine now?" Di-makapaniwala niyang tanong.

Tumango ako. "Oo na nga kulit! Ayaw mo ba?"

"N-no please, I'm just shocked dammit!"

Natawa ako sa reaksiyon niya. "Hmm Choosy pa ba ako? Eh nakita mo na ang lahat sa akin eh. Kainis ka!" irap ko sa kanya. Humalakhak naman siya ng tawa.

Bigla niya akong binuhat at ipinaikot.

"Drew ano ba! Ibaba mo nga ako!" tili ko. Tanging tawa lang niya ang naririnig ko sa mga oras na iyon.

Pagkababa niya sa akin. May naisip ako.

"Alam ko na kung ano ang gift ko sa 'yo, " nakangiti kong ani sa kanya.

"Ano?"

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad. Ipinulupot ko ang kamay ko sa batok niya at hinalikan siya sa labi. Ngumiti siya. At tumugon sa halik kong iyon. Naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Nanlambot ang tuhod ko ng iyakap niya ang braso sa akin at dumako ang halik niya sa leeg ko. Napatingala ako. Gumapang pa ang halik niya sa likod ng tenga ko. Kaya biglang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan sa ginawang iyon ni Drew.

"Drew..." anas ko at namumungay na matang tinititigan siya.

"What baby? Hmmm?" nakangisi niyang tanong at idinikit ang ilong niya sa labi ko.

Natauhan ako sa ngisi niyang iyon. Tinampal ko siya sa dibdib at lumayo ng kunti. Nanunundyo ang mokong na to eh!

"Wala!" irap ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas.

"Wala daw? Pero may gusto ka eh, tell me then I will give you what you want baby," sabi pa niya sa nangaakit na boses at nginisian ako.

"Tumigil ka Drew! Ang landi mo!" inis na buntong ko sa kanya. Pero parang may masarap na kilabot na gumapang sa akin sa sinabi niyang niyang iyon.

Agad ko siyang tinalikuran at kumuha ng tubig sa petsil, nanuyo ang lalamunan ko sa pinagsasabi ni Drew. Nakangiti lang siyang nakatanaw sa akin.

***

TANGHALI, nagluto ako ng paboritong ulam ni Lolo na bikol express kasi naging paborito ko na rin. Masarap at saka napaka anghang. Gusto kong ipatikim ito kay Drew.

Inaya ko si Drew pagkatapos kong maghain.
Nakaupo na siya at nakatitig sa akin habang nilalagyan ko siya ng kanin sa plato niya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" kunwari pagtataray ko sa kanya pero nako-consious ako sa tingin niya.

Ngumiti siya at lumabas ang magaganda niyang ngipin at ang malalim niyang dimple na mas lalong nakakadagdag ng kagwapuhan niya.

"Wala lang, your so beautiful kasi," aniya na ikinamula ko.

"Sinungaling! Kumain ka na lang nga, gutom lang 'yan eh!" natatawa kong sabi.

"Pwedi bang ikaw na lang ang kainin ko?" nang-aakit niyang sabi at kinagat pa ang pang-ibaba niyang labi.

Juskoo ang landi na naman ng lumalabas sa bibig ng mokong na to!

"Tigilan mo 'ko Drew. Kumain ka na! Siya nga pala nakatikim kana ba ng bikol express?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa," sagot niya.

"Talaga? Tikman mo' to oh!" Inabot ko sa kanya ang niluto ko.

Kumuha naman siya at tumikim.

Nakangiti akong nakatitig sa kanya. Siya naman ay biglang umiba ang expression ng mukha. At alam ko na kung bakit.

"Bakit? Hindi masarap?" nakangiti kong tanong.

"Ang anghang! Whoooh!" bulalas niya. Habang pinapay-payan ng ang bibig gamit ang kamay.

Natatawa ako sa reaksyon niya. Agad akong tumayo at nagtimpla ng gatas. Pagkatapos ko, ibinigay ko iyon sa kanya.

"T-thanks," aniya at inisang lagok iyon.

"Ang hina mo naman, parang hindi tunay na lalaki ah! Sabi ni Lolo, kapag magaling kang kumain ng maanghang matapang ang tawag doon, Oragon sa bikol. " Nakangiti kong ani at nagsimula na akong kumain ng Bikol express. Tinititigan niya lang ako habang magana akong kumain.

"Your unbelievable woman! Ang anghang kaya...ilang sili ba nilagay mo?" nakalukot na mukha niyang tanong.

"One fourth kilo ng labuyo, " inosenting sagot ko habang ngumunguya.

"Kaya pala ang dami!" napalatak niyang sabi at umiling-iling pa. Natatawa ako sa kanya.

"May niluto pa akong isa, ito na lang ang kainin mo. Alam ko na hindi ka kakain ng ganito kaanghang," sabi ko pa at binigay sa kanya ang niluto kong pork steak. Kinuha niya naman at kumain na rin.

Pagkatapos naming kumain siya na ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagagawa niya iyon. Ang laking tao na ito naghuhugas ng pinggan. Nakakatawa isipin. Pero in fairness ang macho tignan. Nakasuot lang kasi siya ng white sando at shorts. Nagsuot din siya ng apron para hindi mabasa ang damit niya.

Pagkatapos niya. Inaya niya akong maupo sa sofa at kumuha siya ng gitara. Kinantahan niya ako. Tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Di pa rin ako makapaniwala boyfriend ko na ang lalaking ito.

Hanga ako sa galing niya. Ang ganda ng boses at magaling pang maggitara. Siya na talaga ang perpekto, kinuha na niya lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki. Gwapo, mayaman, matalino at talented pa. Pero ang pinaka the best sa lahat napaka bait niya...

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon