CHAPTER 4

628 29 0
                                    

ISABEAU

HABANG nag-aalmusal kami ni Lolo, may narinig kaming katok mula sa pinto. Agad akong tumayo para tignan iyon.

"Good morning Manila Philippines!" maarteng bati ng babaetang napagbuksan ko ng pinto na ikinagulat ko. May kasama pa iyong pawave-wave ng kamay, na akala mo kandedata sa pageant. Nang makabawi ay binatukan ko na. Kagigil eh!

"Ano ka ba naman Ramon! Ang aga ng pambubulabog mo ha!" sabay singhal ko sa kanya.

"Ramona bebe girl.." Correction niya sa tawag ko sa kanya habang sapo ang ulo niyang nasaktan.

"Grabe ka naman sister naalog yata ang bungo sa ginawa mo. Samahan mo ako mag pacheck-up!" maarte niyang saad.

"Check-up'in mo yang mukha mo! Gusto mo dagdagan ko pa!" inis kong saad at inandayan pa siya. Napakimbig siya at itinakip ang braso sa mukha niya. Napangisi ako. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya para  pumasok sa loob.

"'Wag na lang. Hanggang ngayon siga pa rin. Naku sister! Anong taon na ngayon, magbago ka na, panu ka makakahanap ng foreigner na mapapangasawa kong ganyan––" naputol ang sasabihin niya ng tignan ko siya ng matalim.

"A-ay nag-aalmusal kayo pahingi naman." pag-iiba niya ng usapan at umalis sa harapan ko. Makapal ang mukhang kumuha na ng tinapay.

Hindi ko alam kung maawa ba ako sa baklang 'to na kaibigan ko o ano? Tropa ko siya simula highschool at best friend ko na rin hanggang ngayon. Pero lulubog lilitaw ito eh. Hindi ko alam kung saan nagsusuot.

"Hi lolo, kamusta po?" magalang niyang tanong kay Lolo.

"Ito ganoon pa rin, laging may karamdaman, " sagot ni lolo.

"Anong nakain mo at naparito ka?" maangas kong tanong sa kanya.

Mahinhin siyang ngumiti. "Nagsara kasi ang parlor na pinagtatrabahuan ko. Pwedi bang makitulog muna ako rito sa inyo? Kahit ilang araw lang...'wag kang mag-alala tutulong ako, ako ang magbabantay kay lolo," pagmamakaawa niyang sabi.

Kaya naman pala naparito. Sa loob-loob ko. "Sigurado ka, makikitulog lang?" seryoso kong tanong.

"Ay makikikain din bebe girl," nahihiya niyang sabi at nag-aalangang ngumiti.

Tumango ako. "Sige, basta bantayan mo si Lolo ng maayos. Okay na 'yon sa akin habang nasa karenderya ako," pagpapayag ko. At huminga ng malalim.

Tumalon-talon pa siya at niyakap ako.
"Thank you ha!" Masaya niyang bulalas.

"Oo na pakibitawan na ako." Sumunod naman siya agad.

"Aalis na ako. Bye Lo!" paalam ko at lumabas na ako ng bahay at sumakay ng bike ko patungong karenderya.

Pagkarating ko, sa kusina agad ako tumungo. Katulong ko si Aling Doris sa pagluluto. Pagkatapos kong magluto ay  dinisplay ko na ang mga iba't-ibang putahe ng ulam.

Maya-maya lang may dumating na mga lalaking parang mga adik ang mukha.

"Isay, ikaw na ang kumuha sa kanila ng order, nakakatakot ang pagmumukha nila, " bulong ni Julie. Tumango na lang ako at naglakad papalapit sa mga iyon.

"Ano ho order niyo?" Walang emosyon kong tanong ng makalapit sa kanila. Agad naman lumingon sa akin ang tatlo na may ngisi sa mga labi.

"Pwedi bang ikaw na lang miss, " sabi no'ng lalaking kulot ang buhok, may bigote at bilogan ang tiyan. Kinindatan pa ako. Yuckk! Ang papanget ng pagmumukha, sarap upakan ng mga 'to. Parang mga tambay sa kanto nila.

"Kung wala naman pala kayong order, umalis na lang kayo dito, " inis kong sabi at akmang aalis na roon ng hawakan no'n ang pang-upo ko. Agad kumulo ang dugo ko dahil do'n.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon