CHAPTER 18

449 19 0
                                    

SA KWARTO ni Drew ako natulog ng gabing iyon, dahil iyon ang request niya. Mawawala raw siya ng limang araw dahil pupunta siya ng Singapore para sa business trip. Hindi daw siya sigurado kung matatawagan niya ako kapag nandoon siya kasi mabi-busy siya ro'n, kaya pinagbigyan ko na, gusto ko din naman eh.

Magkatabi na kaming nakahiga pero parang hindi pa naman siya tulog at ganoon din ako. Naririnig ko pa kasi ang pagsinghot niya sa buhok ko. Nakatalikod ako sa kanya, samantalang nakayakap siya sa akin mula sa likod at ang ulo niya ay nakabaon sa buhok ko.

"Isay," tawag niya.

"Hmmm." paos kong tugon.

"I will miss your smell and your warm when I hugged you like this," sabi niya sa mababang boses.

"Weh? Maraming babae doon sigurado ako," biro ko ng hindi humaharap sa kanya. Pero nananakit ang dibdib ko sa sinasabi ko.

Pinaharap niya ako sa kaniya at tinitigan niya ako sa mga mata.

"Will you believe me? If sabihin ko na nawalan na ako ng paki sa ibang babae, since I met you Isay?" husky niyang sabi at titig na titig sa mata ko. Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Inalis ko ang bara sa lalamunan ko at tumingin sa mga mata niya.

"A-ano ba ako sa 'yo Drew?" curious kong tanong dahil nalilito ako sa mga pinapakita at pinaparamdam niya sa' kin.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Your so special to me Isay that I want to keep you here with me and be by my side for always," seryoso niyang tugon sa akin.

Parang lumundag ang puso ko sa narinig na sagot niya. Ibig sabihin, hindi lang kaibigan ang tingin niya sa akin?

Ngumiti ako sa kaniya, ganoon din siya at pinagdikit ang noo naming dalawa. Pinatakan niya ako ng halik sa labi ng ilang beses at niyakap ako ng mahigpit.

"Goodnight my Isabeautiful," sabi niya na ikinatawa ko. Namula yata ako sa sinabi niyang iyon.

"Ang panget ko kaya! Hindi bagay-" pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang labi niya. Naipikit ko na lang ang mata ko, dahil sa labi niyang kasing tamis ng candy na gusto kong laging matikman.

NAGISING akong wala na si Drew sa higaan. Agad akong naalarma, baka tanghali na! Kailangan ko pa siyang lutuan ng breakfast at ipagtimpla ng kape. Lumabas ako kaagad, pero walang Drew akong nakita. Tumingin ako sa wall clock ng sala at nakitang 8:30 a.m na. Maaga pa siguro siyang umalis?

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig, para kasi akong tumakbo ng ilang kilomentro sa pagbangon ko bigla. Napansin ko sa ref ang nakadikit na sticky note doon na kulay light blue. Agad kong kinuha at binasa ang nakasulat.

Good morning Beautiful. I didn't wake u up cause ur sleeping peacefully. I don't have the heart if I do that. Btw I leave early for my flight. Take care of urself. Don't go anywhere ha. Will miss you.

Also, your so name suits you, your so beautiful when your sleeping.

-Drew

Naikagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi sa nabasa kong sulat sa akin ni Drew. Ngiting-ngiti ako habang paulit-ulit kong binabasa ang sulat kong totoo talaga iyon. Nang ma-realize kong totoo nga, lumundag pa ako sa tuwa. Parang baliw lang 'di ba?

LUMIPAS ang apat na araw. Hindi nga nakapag tawag sa akin si Drew. Ako na lang ang nagti-text sa kanya kung kumakain ba siya sa tamang oras at nakakapagpahinga din ba. Pero wala talaga siyang reply eh. Nalulungkot na ako. Namimiss ko na siya!

Naboboring na ako dito sa condo niya, kahit may wifi at nood lang ako nang nood ng kung anu-ano, pero wala pa rin. Pati pagkain ko, nawawalan ako ng gana na walang kasabay. Though wala din naman siya kapag tanghali pero nasanay na kasi ako na kasabay ko siya sa almusal at dinner.

***

Hapon, pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan at akmang papasok ng kwarto ng may nag-doorbell. Excited akong buksan iyon kasi baka si Drew na 'yon.

Ngunit bumagsak ang ngiti ko ng makita ang mestisa at napakagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Maputi siya at napakakinis ng balat. Seksi din ito sa suot nitong fitted na dress na hanggang tuhod ang haba.

Baka girlfriend ito ni Drew? Naisip ko na baka sasabihin niya sa akin na: Iwan mo ang fiance ko! dahil magpapakasal na kami!' Katulad ng nakikita ko sa mga drama sa TV. Kaya nanliit ako sa sarili ko. Anong panama ko sa ganito kagandang babae.

Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko.
"Hi! You must be Isay? Right?" masaya niyang sabi.

Kilala niya ako? at mabait makipag-usap sa akin?

"Opo ako nga ho. Sino po sila?" magalang kong sagot ng makahinuha ako sa pagkakabigla.

"I'm Danica, Elijah's mother." Napatango-tango ako. Ahh, akala ko pa naman mananampal siya o kaya sasabunutan ako. Huminga ako at ipinilig ang ulo sa naisip. Ang sama ng utak ko mag-isip sa kaharap ko. Bad ka self!

"Halika pasok ka po Miss Danica," aya ko sa kanya at nilakihan ang siwang ng pinto.

"Naku, don't be so formal Isay, Danica na lang." Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot.

Sumunod naman siya at umupo sa sofa.

"I've heard so much about you. I'm glad that my brother finally found the right girl like you, " aniya na ikinataka ko.

"Ah mali po kayo ng iniisip, magkaibigan lang po kami ni Drew," depensa ko.

"Oh ganon ba, " malungkot niyang sabi. "maybe soon," dugtong niya na nakangiti na. Tinitigan niya ako ng mabuti at nagsalita.

"Come on, get dress. I will treat you for a shopping. Sakto at may makakasama na ako ngayon, because your here!" masigla niyang sabi.

"Naku hindi po ako mahilig sa ganyan," tanggi ko.

"I don't accept for a no! Isipin mo na lang that I'm doing this for taking care of my son when he got here noong isang araw, and I thank you for that!" sincero niyang sabi.

Hindi na ako nakapagprotesta pa. Katulad din siya ni Drew ng ugali at hindi na ako makatanggi.

Nagbihis lang ako ng fitted jeans at saka isang simpleng blouse na yellow.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ni Danica.

"Isay, ipagpapaalam muna kita kay Drew ah. Baka magalit iyon eh, possessive pa naman siya," aniya at tumawa. Nag-dial sa cellphone niya at inilapit niya iyon sa kanyang tenga. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinapahiwatig niya sa akin.

"Hello Brother, I just want to take your girl with me for a shopping, is that okay with you?... I think naboboring na siya dito..." Kinindatan niya pa ako. "Okay, iuuwi ko siya nang safe and sound. Bye!" pagpapaalam niya kay Drew. Mabuti pa siya nakausap niya si Drew. Ako kahit tawag o text niya wala. Nalungkot ako.

"What's your real name Isay?" tanong sa akin ni Danica habang palabas na kami ng condo.

"Ahm Isabeau Montano po," sagot ko.

"Oh drop the po please," nakanguso niyang sabi. Tumango ako. "Sorry."

Bakit ang bait nila ni Drew ? Hindi sila katulad ng ibang mayayaman na ang sasama ng ugali.

"Wow beautiful name! I think It came from England. There was a queen there that named like you. From now on I'm going to call you Bea. Is it okay with you?"

"O-oo naman," ngumiti ako sa kanya.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon