CHAPTER 34

468 22 6
                                    

ISABEAU

NARATING namin ang condominium building. Pumasok kami ng lift na magkahugpong ang mga kamay naming dalawa. Pinindot niya ang button niyon pero hindi iyon sa floor ng unit niya. Hindi na ako umimik hanggang sa marating namin ang pinaka itaas ng building at bumungad sa amin ang isang hallway at may pinto sa dulo.

Binuksan niya iyon at bumungad sa amin ang malamig na hangin ng gabi pero hindi ko iyon ininda, madilim ang paligid pero may nakikita akong ilaw sa kaliwang banda. Nasa roof top kami ni Drew.

Agad akong bumitaw sa hawak niya at tinakbo ang dulo. Tinignan ko ang paligid sa baba habang nakahawak sa railings niyon, napakaganda ng city lights.

"Sobrang ganda dito hon!" mangha kong bulalas sa kanya at lumingon sa gawi niya.

Naglakad siya papalapit sa akin na parang modelo habang ang dalawang kamay nakasuksok sa magkabila niyang bulsa. Nakangiti pa siya sa akin. Sobrang pinagpala ng isang ito.

Nang makalapit siya, agad pinaikot ang kamay niya sa bewang ko at hinalikan ako sa labi at pagkatapos niyakap ako ng napaka higpit. Ang init ng katawan niya ay napapawi ang lamig na nararamdaman ko.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon ng bumitaw siya.

"Come on hon, I'll show you something," aniya at hinila ang kamay ko. Naglakad kami ng kunti at may nakita akong puno doon at may Bermuda grass ang sahig n'on, parang garden dahil may mga pananim na namumulaklak. May bench doon na yari sa bakal na kulay itim. Hinila niya ako paupo doon at tumabi sa akin maupo.

Nagulat pa ako ng may hinugot siya sa gilid niya at nakitang gitara iyon.

Ngumiti siya, ganoon din ako. "Kakantahan mo ba ako?" natatawa kong tanong, pero excited ako. "Yeah," sagot niya at sinimulang kalabitin ang string niyon pero sa akin lang siya nakatitig at seryoso ang mukha. Juskoo, kinikilig ako!

Dance with me under the diamonds. See me like breath in the cold. Sleep with me here in the silence. Come kiss me, silver and gold

You say that I won't lose you. But you can't predict the future. So, just hold on like you will never let go. Yeah, if you ever move on without me. I need to make sure you know that

You are the only one I'll ever love. Yeah, you, if it's not you, it's not anyone. Looking back on my life. You're the only good I've ever done. Yeah, you, if it's not you, it's not anyone Not anyone


Hindi ko mapigilang maiyak sa kinanta niya. Ang sarap sa pandinig ng boses niya at bawat lyrics ng kanta ay parang itinatak sa dibdib ko. Parang sinasabi niya iyon ng buong puso sa akin.

Ibinaba niya ang gitara at tumingin sa akin. Agad akong tumayo lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Nagulat siya sa ginawa ko, pero ng makahuma ay tumugon din siya. Ayoko ng matapos ang oras na ito. Gusto ko na lang na ganito kami kasaya at kamahal ang isa't-isa. Sana hindi na matapos ang oras na ito.

"I love you Hon! Salamat!" bulong ko sa kanyang tenga.

"I love you too so much baby," sagot niya at hinalikan akong muli sa labi.

***

DREW

I Looked at her. She's peacefully sleeping after our love making. That's the best feeling I have never felt before. Sa kaniya lang. And I love her so much. I really do.

Now I realized na hindi ko kayang mawala siya sa aking tabi. I'm going crazy.

Kanina nga ng umalis siya at sinabi niyang maghiwalay na kami, para akong sinaksak diretso sa puso ko. It was so painful that I couldn't breathe.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon