CHAPTER 6

548 25 0
                                    



PINAHATID ako ni Drew sa driver niya dahil may emergency raw sa office niya. Natawa pa ako ng maalala ang pag uusap namin kanina.

"Ah Drew, isusuli ko na lang ito kapag nalabahan ko na."

"Sa 'yo na iyan, hindi ako nagsusuot ng ganyan." Inis niyang sabi at tinalikuran na ako. Natawa ako sa sinabi niya.

"Hoy pwedi naman 'to masuot ng girlfriend mo ah, kung sakaling ka size ko." Natatawa kong saad.

Lumingon siya sa akin na madilim ang mukha. Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.

Napailing na lang ako sa naalala. Bakit ang sungit ni Drew ? Siguro meron siya ngayon. Natawa na lang ako sa naisip.

Pagpasok ko ng bahay si Ramona agad ang bumungad sa 'kin at nagulat pa ang bakla.

"Oh my geee! Anong nangyari sa suot mo bebe girl? Ang ganda mo at mukha ka ng babae. Namaligno ka ba ha? O nakapag isip-isip kana na kailangan mo ng magbago para makabingwit ka na ng mayamang foreigner?" Gulat na bungad niya sa akin. Inarapan ko siya.

"Baka ikaw ang namalignong bakla ka, kahit ano na lang ang napapansin mo sa 'kin," napapagod kong wika sa kanya. Wala akong gana sa kalokohan niya.

Umikot-ikot pa siya sa akin at tinitignan ang etiquette ng damit kong suot. Parang nagi-inspection.

"Ano ba Ramon!" asik ko at tinapik ang kamay niya sa damit ko.

"Aba! branded, mukhang mahal ah, saan galing?"

"Wala kana do'n!" At nilayasan ko na siya at pumunta sa kwarto ni Lolo. Naabutan ko siyang tulog kaya lumabas ulit ako.

"Teka, anong nangyari sa 'yo at may sugat ka sa bibig at namamaga?" nag-aalala niyang tanong nang matignan ni Ramona ang mukha ko. Hinawakan ko iyon. Oo nga pala nakalimutan ko na may sugat pala ako.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-salita. "May nambastos kasi sa 'kin sa karenderya, pero okay naman na ako. " Hindi na siya nakapagtanong pa ng iwan ko na siya."Magpapahinga na muna ako," paalam ko at agad na akong pumasok sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan sa manipis kong foam na higaan. Bumigat ang talukap ng mga mata ko at nakatulog.

DREW

It's evening now, but I don't feel like going home. I'm here at my office massaging my temple. I'm exhausted and my mind was occupied the whole time thinking of Isay. I heavily sighed.

I think, I need a drink to sleep peacefully the whole damn night! I get my coat and I walked out the door of my office and I drive my car heading to the bar.

As I walk inside bar. The dim light and loud music occupy the whole place that makes the people getting wild there.

I sat at the bar counter and ask for my favorite drinks.

Nang mainom ko na iyon, someone sit beside me.

"Hey! Why the demi God like you drinking alone here. Can I join you?" she asked in a sexy voice. She is sexy as I look at her body. But I don't mind looking at her face. I nodded .

Wala ako sa mood makipag-flirt sa babaeng ito, kaya I drink silently on my own. Kinakausap niya ako but I answered her a nod or a smile. Maya-maya lang iniwan ko na siya. He shout in frustration at me, but I don't care.

***

ISABEAU

Nagising ako isang umaga, hindi muna ako bumangon. Naisip ko si Drew, hindi ko na siya nakita, limang araw na ang nakakaraan noong nakapunta ako sa condo niya. Nasaan kaya ang kanong iyon? Ah siguro busy. Kausap ko sa sarili ko.

Bumangon na ako at nagligpit ng higaan. Dahil linggo ngayon, wala akong trabaho. Buti na lamang hindi na bumalik sa karenderya iyong nambastos sa akin noong nakaraang araw, kung hindi irereklamo ko talaga sila sa baranggay.

Balak kong isama si Lolo sa pagsimba ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto dahil magluluto na ako ng agahan, nakita ko pa ang nakangangang si Ramona habang natutulog sa sala sa mahabang upuang kawayan.

Sana pasukan ng langaw ang bibig niya. Saad ko sa isip ko. Tawang-tawa ako sa kanya.

Nakangiti ako habang nagluluto dahil kay Ramona. Pagkatapos kong maghain sa hapag, naglakad na ako patungo sa kwarto ni Lolo para gisingin na siya at makapagsimba kami ng maaga.

Pagpasok ko, agad akong lumapit sa kanya. "Lo, gising na, mag-aalmusal na po tayo para makapagsisimba tayo ngayon, " gising ko sa kanya at tumingin sa katawan niyang nakatalukbong ng kumot. Hindi siya nagmulat.

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya. Agad bumalong ang kaba sa aking dibdib ng hindi ko siya magising.

"Lo!" naiiyak ko nang tawag. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hinawakan ko ang kamay niya, Malamig iyon pero mainit ang noo niya.

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Ramona! Gising! Tulungan mo ako si Lolo!" malakas kong tawag sa kanya kaya agad naman siyang napabangon ng wala sa oras.

"Tumawag ka ng tricycle, dadalhin natin si Lolo sa hospital!"agad naman siyang tumalima at lumabas ng bahay.

Pinuntahan ko ulit si Lolo. Hindi ko talaga siya, magising.

"Lolo gising!" umiiyak kong tawag sa kanya.

***

Nadala agad namin si Lolo sa hospital. Sabi ng doctor inataki raw si Lolo kanina dahil sa sobrang taas ng blood pressure niya. Mabuti na lang at nadala namin agad kung hindi, baka na-stroke na si Lolo . Malala na din daw ang sakit ni Lolo sa baga niya. Nagkaroon siya ng Pneumonia at kailangan ng operahan.

Malaking halaga ng kakailanganin ko sa pagpapaopera kay Lolo, hindi ko alam kung saan ako huhugot o uutang ng ganong halaga. At saka wala rin akong maayos na trabaho para makabayad ako.

Nakatingin ako ngayon sa nakahigang si Lolo, hinahawakan ko ang kamay niya.

Diyos ko, sana gumaling na si Lolo , siya na lang ang meron ako. Tulungan niyo rin po ako na makahanap ng paraan para mapaopera ko siya. Taimtim kong panalangin.

Ako muna ang nagbantay kay Lolo dahil pinauwi ko muna si Ramona para kumuha ng gamit namin, at pagkain na rin dahil gabi na.

Maya-maya lang dumating na siya.

"Hoyy ikaw na babae ka, hindi ka nagsasabi sa akin na nakabingwit kana pala ng foreigner ha!" bungad niya sa akin. At inilagay na ang mga gamit namin sa ibabaw ng mesang naroon.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Masyadong maiskandalo ang bibig niya, nasa isang ward pa naman kami na marami ang pasyente dahil hindi namin kaya ang presyo ng private room dito sa hospital. Napatingin tuloy sa amin ang mga naroon.

"Ano naman ang pinagsasabi mo riyan!" inis kong baling sa kanya.

At nakita ko ang isang bulto na inisip ko kaninang umaga at nasa harapan ko na ngayon.

"Drew... " bulong kong sabi, habang nakatitig sa kanya.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon