CHAPTER 26

419 21 4
                                    

PINILIT kong maging normal ang pakikitungo kay Drew nang gabing umuwi siya. Pero hindi ko nagawa dahil hindi ko kaya. Ayokong magpakamanhid.

Hahalik sana siya sa akin ngunit umiwas ako at nagpaalam na matutulog na dahil masama ang pakiramdam ko. Which is true, dahil masama talaga ang pakiramdam ko dahil sa nakitang kagaguhan niya.

Ayoko siyang komprontahin, dahil kailangan ko pa ng lakas ng loob para ro'n.

Kumatok pa siya sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko siya pinagbuksan. Ngayon na lang ulit ako matutulog sa sarili kong kwarto simula ng maging kami. Pinalipat na niya kasi ako sa kwarto niya. Pero ngayon hindi ko na kaya na makatabi pa siya. Ni-lock ko ang pinti para hindi siya makapasok at malaman niyang tulog na ako.

Umiyak ako hanggang sa masaid na ang luha sa mga mata ko. Pipilitin kong maging matatag kahit ang sakit sa dibdib. Mag-isa na lang ako ngayon, kaya kailangan kong makaisip ng paraan para magkapera ako at makaalis sa puder ni Drew.

Naisipan kong kalikutin ang cellphone ko at doon ko nakita ang number na ibinigay sa akin ni Danica, iyong gusto akong kunin na maging model ng clothing brand nila.

Bukas na bukas din ay  tatawagan ko iyon at tatanggapin ang inalok sa akin. Iyon ang nabuong plano ko ng gabing iyon.

Nagising ako ng maaga, kahit mag-uumaga na akong nakatulog. Nag-ayos ako ng sarili at lumabas ng kwarto para magluto ng agahan namin ni Drew.

Napatalon pa ako sa gulat ng bigla niya akong halikan sa pisngi at ngumiti ng napaka tamis sa akin. Gusto ko sanang malunod sa ngiting iyon pero bumalik sa akin ang nasaksihan ko kahapon.

"Goodmorning!" masayang bati niya. Pero hindi ko siya sinagot.

Kung makangiti sa akin parang walang ginawang kasalanan! Walang konsensya! Gusto kong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tinalikuran ko siya at naupo sa hapag. Naupo naman siya sa tabi ko.

"Drew gusto kong magtrabaho," panimula ko gamit ang malamig na boses.

"Why? Hindi mo na kailangan gawin iyon, " aniya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Kailangan ko. Tatanggapin ko ang alok sa akin na maging model," matigas kong sabi. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya. Matunog niyang binitawan ang hawak na kutsara at tinidor.

"Why are you doing this? Kailangan mo ba ng pera? I will give you, please just stay here. Baka kung mapano ka sa labas, hindi kita mababantayan," nag-aalala niyang sabi.

"'Wag ka ngang OA!" napipikon kong sabi sa kanya. "Hindi ko kailangan ng pera mo! Gusto kong mapagtrabahuan ang perang gagamitin ko. At saka gusto mong dito lang ako sa condo mo? Para ano? Para itago ha? Naboboring na ako dito!" inis kong buntong sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang galit ko sa kanya. Tumaas baba ang dibdib ko sa galit na umaahon sa akin. Nakita ko ang gulat sa mata niya sa sinabi kong iyon.

Nagulat pa ako ng bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Yakap na parang ayaw niya akong mawala.

"I'm so sorry baby, please 'wag ka nang magalit , hindi ko kakayanain na nagagalit ka sa akin. Sorry kung nabo-boring ka na rito. Sige, pumapayag na ako pero ipangako mo sa akin na lagi mo akong tatawagan kapag magsisimula ka na at sasabihin mo sa akin ang schedule mo," madamdamin niyang sabi at hinahaplos pa ang buhok ko.

Pumatak ang luha sa mata ko. Nakokonsensya ako sa pinagsasabi ko sa kanya. Nasasaktan ako sa pag-aalala niya sa akin. Bakit ganito siya sa akin? Mahal niya ba talaga ako? Pero bakit niya ako niloloko?

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at bumitaw sa yakap niya. Tumango ako at tumitig sa mata niya at nakitang may kuminang doon. Luha iyon. Pero hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy na ang pagkain.

SA MISMONG araw ding iyon, tinawagan ko ang may ari ng clothing brand na gustong kumuha sa akin.

Nagbihis ako ng pencil cut skirt na checkered in gray color at squared neckline crop top na black at white rubber shoes. Dahil pinapapunta nila ako sa kanilang office para makausap ako.

Ang driver ni Drew ang naghatid sa akin papunta roon. At sinabing hihintayin niya ako.

Isang malaking building ang pinuntahan ko. Pagpasok ko ng lobby may naghihintay na doon sa aking isang babae na nasa 30's na siguro ang edad. Iginiya niya ako papunta sa opisina nila.

Sumakay kami ng lift at narating namin iyon. Pinapasok niya ako loob at nabungaran ang isang sopistikadang babae na nasa kwarenta na siguro ang edad. Ito siguro ang nakausap ko sa tawag kanina. Siya ang may ari.

Ngumuti siya sa akin. "Hi!! Finally your here miss Montano! Come in, please sit down! " magiliw na bati sa akin ng babae.

"Hello po, good morning!" masayang ganting bati ko at naupo sa harap ng office table niya.

"Call me Tita Gladys hija.. You know,the picture didn't give justice for how gorgeous you are in person," puri niya. Namula yata ako sa sinabi niyang iyon. Ngiti lang ang naisagot ko. Napalingon pa ako ng may pumasok na lalaki. Natatandaan ko siya!

"Oh by the way Miss Montano, he is my Son. Kleint. The photographer," nakangiting pakilala niya doon sa lalaki. Agad naman iyong lumapit at nakipagkamay sa akin.

"Hi, remember me? Nagkasabay tayo sa elevator at the hotel suite in baguio?" anang lalaki na nakangiti. Gwapo din ito, moreno at matangkad. Typical na tall, dark and handsome. Pero mas gwapo pa rin ang Drew ko. Ipinilig ko ang ulo at inalis ko iyon sa isipan ko. Bakit kailangan ko pa siyang isipin ngayon?

"Oo naaalala kita," tugon ko at inabot ang kamay sa kanya. Pinisil niya ang kamay ko at matagal binitawan. Ako ang unang bumitaw sa kanya. "Nice to meet you," aniya.

Umupo kami at nag-usap ng tungkol sa trabaho ko. Pina-sign na rin ako ng kontrata. Simula bukas ako magsisimula. Pagkatapos ng usapang iyon umuwi na ako.

Pag-uwi ni Drew, inasikaso ko ang pagkain niya. Hindi na ako sumabay sa kanyang kumain dahil nauna na ako. Hanggat maaari gusto ko na siyang iwasan para pag-umalis ako, hindi na kami masaktan pareho. Sinabi ko lang sa kanya ang tungkol sa trabaho ko at pagkatapos niyon pumasok na agad ako sa kwarto, hindi din naman siya kumikibo. Pero tinititigan niya ako na parang may gustong itanong pero hindi masabi dahil tinatalikuran ko na.

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon