CHAPTER 24

453 22 5
                                    

MASAYA akong nagising kinabukasan. Lalo pa na mukha ni Drew ang bumungad sa akin.

Ganito pala talaga kasarap magising lalo pa't katabi mo ang taong mahal mo. Napangiti ako.

Napakapayapa ng mukha niya habang natutulog. Humihilik pa siya ng mahina at nakaawang pa ng kaunti ang bibig. Lumapit ako sa kanya at inamoy ang hininga niya. Ang bango. Lumapit pa ako at inilapat ang  labi ko sa kanya. Ang sarap! Ang lambot ng manipis at mapula niyang labi. Para akong kinikilig sa ginagawa ko. 'Yong pakiramdam na parang may paru-paro sa tiyan.

Napagdesisyunan ko ng bumangon pero mahigpit na nakapulupot ang braso ni Drew at sinisiksik pa ang ulo sa akin. Nanatili pa ako ng kunting minuto hanggang sa maramdaman kong tulog pa ulit siya. Inalis ko ang braso niya at agad akong bumangon at bumaba ng kama niya. Lumabas ako ng kwarto niya at pumasok sa kwarto ko. Naligo ako at pagkatapos dumiretso ako sa kusina.

Habang nag-aahon ako ng piniprito, may brasong biglang pumulupot sa akin.

"Good morning baby!" masiglang bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Medyo paos pa ang boses niya dahil bagong gising. Pero gustong-gusto ko iyon.

"Good morning din," ganting bati ko. Napasinghap ako ng ipinasok niya ang kamay sa loob ng damit ko at hinahaplos ang tiyan ko.

"Drew!" banta ko. Pero wala lang siya. Umakyat pa sa dibdib ko ang dalawang kamay niya at  bumulong sa tenga ko.

"These are mine. They fit perfectly on my hands baby," aniya sa paos na boses habang sapo at minamasahe ang dalawang dibdib ko. Napapikit ako dahil sa sensasyong hatid niyon. Nagtayuan na naman ang balahibo ko sa ginagawa niya sa akin. Napakainit ng hininga niya na tumatama sa tenga ko.

Isininandig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

Nanlaki ang mata ko at umawang ang bibig ko ng maramdamang may matigas na bagay na tumatama sa likod ko.

"Ano iyon?" gulat kong tanong at tinignan siya.

"You feel it?" aniya na nakangisi. "You make me hard, baby." Husky niya pa ring bulong sa akin at hinalikan ako sa gilid ng leeg.

"D-drew," lasing kong sambit sa pangalan niya.

"Hmmm," tugon niya at pinaharap ako sa kanya.

Sinapo niya ang pang-upo ko at binuhat paupo sa counter table. Agad siyang dumukwang at inangkin ang labi ko. Tumagal din iyon ng ilang minuto nang makaamoy ako ng sunog. Hala ang niluluto ko!

Naalarma ako kaya agad akong bumitaw sa halik niya at tinulak siya ng kunti at bumaba ng table. Lumakad ako at agad pinatay ang kalan ng nilulutuan ko. Naku! Nasunog na nga! Napakamot na lang ako ng noo at tumingin kay Drew. Nakangisi siya.

"Ngising ngisi ka pa diyan ah. Kasalanan mo to eh!" irap ko sa kanya.

"Sorry," sabi niya at kinagat pa niya ang labi  para pigilan ang pagtawa.

***

Pagkatapos naming mag-agahan pumasok na siya sa trabaho.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ramona. Namimiss ko na ang bakleta at gusto ko rin ibahagi sa kanya ang nararamdaman kong saya ngayon. Sinagot naman niya agad.

"Hello bebe girl, kamusta ka na? Namimiss na kita ah!" paunang bati niya.

"Okay naman ako, I miss you din.. ikaw kamusta?"

"Ito maayos naman, may bago na akong boyfriend girl at live-in na kami!" masayang balita niya sa akin at bakas ang kasiyahan sa boses niya.

"Mabuti naman kung ganoon. May ibabalita rin ako sa 'yong bakla ka."

The CEO Ways to Love That Siga Girl (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon