Airesh POV
Its been 5 months since I transfer here at si McKeila lang ang naging matalik kong kaibigan dito sa University na ito.
Marami naman akong kaibigan dito pero yung iba mga simple at mayayamang tao pero syempre di mawawala yung mga plastic.
Since na maging kaibigan ko na siya, lagi ko na syang binabantayan. Alam kong hindi siya naniwala sa akin nung sinabi kong pinagawa ko lang na design yung tattoo ko kaya nag hinala na agad ako sa kanya sa pagkatao nya.
Until now wala pa rin akong napapansin na kakaiba sa kanya pero hindi ako susuko dahil tila'y may alam sya sa Tattoo ko.
"McKeila" tawag ko sa kanya habang kumakain ng lunch dito sa rooftop
"Yes?" Tanong nito sabay tingin sa akin na may halong pagtataka
"Window shopping tayo mamaya, medyo di pa ako nakakapag layas sa lugar na ito simula nung dumating ako galing South Korea" sabi ko
"Hmm, sige bahala na, gusto mo bang mag cutting tayo ngayong afternoon class?" Tanong nito na nakapag pagulat sa akin. Napaka inosente ni McKeila para mag cutting eh
"Sure ka? Baka bumaba ang grades natin niyan" sabi ko na may pagaalinlangan
"Naku, sanay na akong hindi pumapasok ng hapon tuwing Friday you know, yung Research na subject na sobrang boring" sabi nito kaya napatawa ako
"Bakit ka tumatawa dyan? Totoo naman na boring yung subject na yun diba" sabi nito habang nag papacute sa akin kaya napabuntong hininga ako
"Bahala na nga pero siguraduhin mo lang na hindi tayo mahuhuli ng guard, mahirap na baka masumbong tayo sa Principal haha" sabi ko kaya napangiti ito at bigla akong hinila
"Teka teka di pa ako tapos kumain" sabi ko habang hinihila nya yung kamay ko pero di nya ako pinansin at in the end nandito kami sa garden kung saan merong naglalakihang pader
"Dont tell me na.. were gonna climb" gulat kong saad kaya napangiti sya sabay sabing
"Of course not, sobrang taas ng pader na yan kahit ako di ko abot yan" sabi nito at bigla syang pumunta sa gilid nung pader at parang may tinatanggal syang mga malalaking sanga and do you know what I saw?
Isang malaking butas ang nakita ko at napapansin kong pwede dun dumaan ang mga tao teka wag niyang sabihin na... dumadaan din dito ang ibang estudyante para lang lumiban sa klase?
"McKeila ano ito? Daanan ba ito ng mga pasaway na estudyante?" Tanong ko habang hindi makapaniwala sa nakita ko
"Yes, actually kasabwat ng mga mahihilig na mag cutting ang buong Student Council dahil kahit maging sila ay gusto ring mag cutting so naging gimik na rin ito ng ibang studyante" sabi nito at dumaan kami sa butas na ito hanggang sa makalabas kami ng School na ito
"Seriously? Pati student council kasabwat din sa kalokohang ito? Grabe napaka good role model naman nila sa ibang students" sabi ko habang itong kasama ko ay tuwang tuwa na para bang nakawala sa kulungan
"Anong magagawa natin puro kalokohan lang din ang alam nung President haha" sabi nito kaya napabuntong hininga ako grabe sobrang bait nila, nakaka proud sila.
"Sino ba yung President na yan?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang mall dahil malapit ang school na ito sa mall na pupuntahan namin
"You have been here for almost 5 months, but di mo pa rin kilala siya?" gulat na tanong nito sa akin
"Sorry naman ayaw ko lang sila kilalanin dahil hindi naman sila importante haha" patawang tugon ko
"Oh really? Anyway Her name is Frincess Eversheane Alvarez." pag papakilala nito sa akin
BINABASA MO ANG
Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)
FantasyMcKeila is believing she's a human even she have super powers not until she met Airesh. Ecroville Planet is the rightful world for McKeila thats why she joined Airesh to return in Ecroville and be an Edlise. She joined Equestria Guild and Equestria...