Chapter 20

141 64 2
                                    

Third Persons POV

"Sa wakas last na ito, Autumn na lang ang kulang" sabi ni McKeila

"Hey McKeila what about us ni Davica, kanina pa kami dito, nakakapagod na mag hintay" biglang salita ni King gamit ang telepathy

"Look our plan is going smoothly at isa pa after natin makuha ang Autumn sasamahan mo ako sa kanilang castle edi hindi ka na maboboring" sabi naman ni McKeila at biglang nawala ang telepathy ni King

"Okay Autumn Team its your turn" sabi ni McKeila at naging alerto ang Autumn Team

"Luthor, since its Autumn Base maraming nakakalat na mga dahon dyan, pwedeng paki pulot gamit ang gravity mo tapos itapon mo? Ang dumi kasi dyan eh" patawa tawang sabi ni McKeila

"McKeila wala akong oras dyan bilis na oh nilalamok na ako" sabi naman ni Luthor

"Oo na sige ito na seryoso na. Luthor tulad ng sabi ko sa joke kanina paliliparin mo ang mga dahon at ipalibot mo yun sa mga kalaban natin. Gawin mong ipo ipo then isama mo na yung mga buhangin, bato at kung ano pa ang nakakalat sa paligid. Ipalibot mo lang sa kanila"

"Next Adriann habang gumagawa ng ipo ipo yang si Luthor tulungan mo rin sya. Kontrolin mo ang mga dahon at gawing apoy ito at lagyan ng konting bomba then itatapon mo yun sa kanila. Ulit ulitin mo lang yan habang ginagawa ni Luthor ang ipo ipo na yan"

"Lastly Luciella use your lightning magic, ihalo mo yan sa ipo ipo ni Luthor at siguraduhin mong makukuryente ang mga yan ahh"

"If hindi yan effective then daanin nyo na lang sa dahas"

"Go Go gawin nyo na yan para matapos na"

-----------------------------------------

"Sabi ni Commander nasolusyunan na daw nya yung dream magic ni Yazra"

"Oo sabi din nya sa akin ngayon lang na sina Luciella, Adriann at Luthor daw ay papalapit na dito"

"Okay mag ready na tayo"

"Before that lets own this base muna"

At lumipas ang sigundo ay....

"The Autumn Base is already owned by the Ace Section"

"Okay done na"

"Tinawagan ako ni commander na Lightning, Gravity at Fire magic ang maeencounter natin ngayon"

"Tayo na lang pag asa ng section natin halos lahat ng kakampi natin ay naka trap na"

"I can now feel their magic, maghanda n----"

Biglang nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid nila at ang mga dahon ay kusang tumataas at umiikot na para bang may sariling buhay.

"This might be the gravity magic of Luthor"

"Think something na makakapag kontra sa powers niya"

"I can't think properly masyadong maraming buhangin ang lumilipad, madidistract lang ako"

"Aww what is this?"

"Fire?"

"Adriann is on move"

"Its not only Adriann but also Luciella. Paano tayo makakatakas dito"

"Urina your water magic. Try it"

"Copy"

Nag karoon ng ibat ibang klase ng tubig na kayang mag predict ng kinalalagyan ng mga tumatagong kalaban nila

Bago pa man tumama ang ibat ibang klaseng tubig sa 3 taong nag tatago ay agad silang umiwas at dumapa

"Water Evolution" sabi ng tinatawag na Urina at ang ipo ipo na gawa ni Luthor ay napalitan ng tubig at kusa itong lumayo at nakapag bigay ng distansya sa kalaban at doon lang natigil ang planong ginawa ni McKeila

Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon